*A/N*
Hello guys. Sorry for the late update again. By the way, I changed the roman numerals into numbers. Bigla akong nalito sa paglalagay ng chapters. Hahahaha. Anyways, ito na po ang update. Enjoy!
*ALLISON'S POV*
I'm here at the grocery store.
It's been 10 months since nagstay kami dito sa Melbourne, Australia. Sampung buwan na ang nakakaraan simula ng umalis kami ng Pilipinas.
Ito lang naman ang ginagawa ko dito. Kung wala ako sa bahay, nasa mall ako and church. Simula ng dumating kami dito, lagi na kong pumupunta ng church. Yun lang ang tanging nakakapagpalakas sakin ngayon.
I'm almost done with buying when suddenly my phone rang.
It's him.
"Nasan ka na ba?" he asked.
"I'm still here. Patapos na din." I answered.
I ended the call right away.
Hanggang ngayon, hindi ko pa din magawang tiisin na sya ang kinakasama ko ngayon at hindi ang lalakeng mahal ko.
Oo. Tama kayo ng naiisip.
Si Jad.
Si Jad ang kinakasama ko ngayon.
Marahil nagtataka kayo kung ano ang nangyari samin ni Kier? Hindi ko din alam. Hindi ko din alam kung paano ko mapapatawad ang sarili ko sa ginawa ko.
I just made a choice.
The only option left is to choose Jad.
Even if it kills me.
Kung di ko to ginawa, baka pinaglalamayan na ang lalakeng mahal na mahal ko. He didn't just threaten Kier's life but his whole family. Pati mga kaibigan nya.
I didn't know na ganun ang kakayahan ni Jad. I really didn't know.
Pinapili nya ko.
Kung sya ang pipiliin ko, walang mangyayaring masama. Magbabago sya. Gagawa kami ng panibagong simula. Mamumuhay kami ng tahimik sa Australia. Iiwan namin ang lahat sa Pilipinas.
O piliin si Kier pero may kapalit. Ang buhay nya, buhay ng pamilya't mga kaibigan nya. Magkakasama nga kami pero gagawin nyang miserable ang mga buhay namin.
Kung ako lang naman ang mahihirapan, kaya kong tiisin pero ibang usapan na kapag si Kier na ang madadamay. Hinding hindi ko kaya na malagay sya sa panganib.
Sa buong sampung buwan na nandito kami, wala akong ibang nakakausap kung hindi ang mga bago naming mga kaibigan dito. Kami lang ang magkasama dito. Sa ikalimang buwan namin dito, pinaalam na ni Jad kay Maya kung nasan kami.
Nagkikita kami ni Maya dito. Pumupunta punta sya dito thrice a month para bisitahin kami. Sa kanya ko din nalaman na nung araw na kinidnap ako ni Jad, nagising na si Kier.
Nakakapanglambot.
Nakakapanglambot isipin na hindi ako ang unang nasilayan ni Kier ng magmulat ang mga mata nya. Nangako ako sa kanya. I promised that I would be there by his side but I wasn't.
I'm sure sobrang kinamumuhian nya ko ngayon. I didn't even say goodbye. Kahit sino naman sa kanila hindi din ako nagkaron ng pagkakataong makapagpaalam. I was so scared. Di ko kakayanin kapag nakita ko si Kier na masasaktan ng sobra dahil sakin.
But who am I kidding? Nasaktan ko pa din sya either way.
Almost every nights umiiyak ako. Gusto ko syang makita. Kahit hindi ko na sya makasama ulit. Kahit hindi na kami bumalik sa dati. Basta masilayan ko lang sya.
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)
RomansaIf I can be your friend in BED, then let me be your BESTFRIEND.