BIB - 19

30.3K 276 2
                                    

*A/N*

Guys!!! Thank you for the 13,300+ reads.

Bago ako matulog, ito na po ang update para sa inyong lahat.

LOVELOVELOVE. <3

*KIER'S POV PART 1*

I know I screwed everything up. I screwed up big time.

Hindi naman dapat ganito eh. Hindi naman dapat kami ganito ni Ally. I can't even remember the last time we fought. Mabilis lang naman kasing mawala ang galing ni Ally. Pero I admit, hindi ko naman sya napagsasalitaan ng masasakit na salita.

Like what I did last time.

I really feel so guilty. I didn't even bother asking for her explanation. Hindi ko manlang sya tinanong kung ano ba talaga ang totoong nangyari. But instead, nagbitaw kaagad ako ng mga foul words.

Paano ko ba nagawa ang mga yun? Fuck!

"Bro, tama na yan. Umuwi ka na. Lasing ka na bro. Magsasara na tong bar ko oh!" sabi ni James habang inaakay na kong umalis.

"Hindi pa ko lasing bro. Wag muna. Kailangan ko to ngayon. Kung gusto mo iwan mo na lang sakin tong bar mo. Ako ng bahala. Pero bro, wag mo muna akong palayasin dito." I said. My voice is breaking down again.

"Gago! Baka bukas makalawa ipasara na to kapag sayo ko to iniwan. Sorry bro pero wala akong tiwala. Pasalamat ka bro malakas ka sakin. Sige. Magmuni-muni ka muna dyan. Mapapatawad ka din nun!" he said while tapping my shoulders.

Umalis na muna sya. Hindi ko alam kung saan nagpunta.

Lipad ang isip ko.

Uminom lang ako ng uminom hanggang sa hindi ko na alam kung anong susunod na nangyari.

"Bro! Bro! Gising!"

Sino ba tong gumigising sakin?

Nakakainis. Niyuyugyog pa ko.

"Bro, gising na! Umaga na! Lintik!"

I knew it.

Si James pala.

Teka, nasaan ba ko?

I opened my eyes and checked where the hell I am right now.

Pagkatingin ko, nasa bar ako ni James.

"Bro, di ko akalaing mauubos mo lahat ng yan! Aba! Magpapakamatay ka na ba?" he said while laughing.

Tangina!

Ang sakit ng ulo ko.

Binigyan naman ako ng kape ni James habang nakita kong nag-aayos na sya. Nakabihis sya. Saan kaya ang lakad ng tarantadong to.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Bro, ganun ba talaga kalakas ang tama ng alak sayo? Nakalimutan mo na ba, ngayon ang birthday party nung ex ko nung college." he said.

"Eh bakit ang aga?" tanong ko.

Ang aga aga birthday party?

Dapat gabi para masaya!

Ano yun, children's party?

"Ugok! Hapon na! Chaka malayo layo pa yun. Sa Zubic pa yun nakatira. Tara, sumama ka sakin ng mawala yang hangover mo. Madaming babae dun." he said.

Madaming babae?

Aba!

Dapat nga nandun ako.

"Go ako dyan. Ang magandang gawin mo, hatid mo ko sa bahay. I can't drive today man. Baka maaksidente ako. Magaayos lang ako." I said. Inunahan ko na sya sa pagsakay sa auto nya.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon