BIB - 38

19.5K 199 11
                                    

*A/N*

Hello madlang readers! Before I post the update, magpapasalamat lang po ulit ako sa pagbabasa ng BIB kahit mas mabagal pa ko sa pagong magupdate. 109,000 reads na tayo! I can't believe it.

Again, thank you. Ito na po ang update. Tenenenen!

*MAYA'S POV*

10:00 AM na pero hindi pa din ako nakakaalis dito sa bahay. Hindi ko alam kung papasok pa ba ko ng office o ano. Kinakabahan ako sa mga mangyayari. Hanggang ngayon hindi ko pa din nakakausap si Kier at si Ally.

"Tumabi ka nga sa dinadaanan ko. Paharang-harang ka dyan. Tatanga tanga ka na nga sa mga pinapagawa ko tapos dadagdagan mo pa init ng ulo ko. Fuck! Hindi ko alam paano ko makakausap si Ally." he said. Galit na galit sya.

Napakainit ng ulo nya at ang dahilan? Wala na kong pakeelam. Simula ng nauna naming komprontasyon, tumigil na ko sa kakasunod sa kanya. Nagiisip na lang ako ng paraan kung paano ko maililigtas ang ex kong si Calvin.

"Hoy ikaw! Tumulong ka sa plano ko. Wala kang pakinabang eh! Hindi ka na nga nasunod ng tama, dito manlang matulungan mo ko. Gusto kong makausap si Ally. Gumawa ka ng paraan para makapagusap kami." sabi nya.

Hindi ko sya sinasagot. Wala akong planong makipagusap sa kanya. Puro kahayupan lang naman ang alam nyang gawin sa buhay nya at ayoko ng makisali sa kung ano mang mga binabalak nya.

Naging hayop na din ako dahil sa mga pinagawa nya sakin. Ayoko ng madagdagan pa ang mga kasamaang nagawa ko. Kaya kailangan ko na talagang makausap sila Kier at Ally. Gusto kong humingi ng tawad.

"Aba tangina! Sumagot sagot ka naman. Kunwari wala kang naririnig? Patayin na kaya kita ngayon?" sigaw ni kuya.

Sa totoo lang, natatakot ako ng sobra sa kanya kahit kapatid ko sya. Hindi naman nya ko tinrato na kapatid ever since. Puro sya kagaguhan. Paminsan lang yan maging maayos sa pagtrato nya sakin at yun ay kapag tulog sya.

"Kuya, ayoko na. Pwede ba itigil mo na to? Papatayin mo ko? Ha? Sarili mo kong kapatid! Napakawalanghiya mo! Sa tingin mo may magmamahal sayong tao sa ganyang paguugali mo? Hindi na kita kilala! Kung noon hindi na maganda yung trato mo sakin, mas lalo na ngayon. Sobra sobra na yang kasamaan mo at hindi ako papayag na makagawa ka pa ng kung ano ano!" sigaw ko. Umiiyak na ko.

Bukod sa natatakot ako, nasasaktan ako. Kapatid ko sya eh. Pero ganyan nya ko itrato. Pero hindi ko na iniisip ang mga bagay na yun ngayon. Gusto kong tumigil na sya sa mga ginagawa nya.

"Eh ano bang pakeelam mo? Mamahalin ako ni Ally! Rebound lang nya yung tarantadong Kier na yun! Ako ang first love ni Ally! Ang tagal ng pinagsamahan namin! Kaya walang wala yung pinagsamahan nila ng lalake na yun kesa sa mga pinagsamahan namin kaya pwede ba! Puro ka dada." pagkasabi nya nun, tinapon nya sakin yung lata ng beer na iniinom nya.

Tumama yun sa kanang braso ko. Hindi ko na lang ininda yung sakit.

Nanahimik na lang ako.

"Sige na. Aalis na muna ako. Wala kang kwenta. Mas lalo lang umiinit ang ulo ko sayo. Napakabobita mo!"

After nyang sabihin yun, lumabas na kaagad sya ng condo.

Hindi ko na napigilan yung mga luhang gustong gusto na talagang magsipaglabasan kanina pa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala. Hopeless na sya. Wala ng lunas sa pagiging ganun nya.

Maya maya, nakaisip ako ng plano.

Napatingin ako sa telepono ko. Tama! Tatawagan ko si Kier. Kakausapin ko sya. Ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat. Para matapos na to. Bago pa mahuli ang lahat.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon