BIB - 21

29.8K 261 6
                                    

*KIER'S POV PART III*

(Sorry guys kung ang dami nyang POV. Nagagalit na sya sakin eh. Lagi na lang daw si ALLY ang may POV. MEHEHEHE. Nakakatakot pa naman magalit to. HIHIHI.)

Pagkapunta namin sa bar ni James, nakita kong nandito din si Troy.

"Bro, naligaw ka yata dito?" pang-aasar ko sa kanya.

Sya naman napatingin lang bigla kay Sofia.

"MAGKAKILALA KAYO???" gulat na gulat nyang sabi.

When I looked at Sofia, nakita kong napatulala sya at nagulat rin.

"Huh? Oo. Bestfriend to nung sinasabi ni James na ex nya. Yung Aubrey. Teka nga, bakit ba gulat na gulat kayong dalawa?" I asked. Takang-taka lang talaga ako

Parang nakakita ng multo yung dalawa na to.

"Kier.. Sya yung sinasabi ko sayo.." Sofia whispered to me.

Sinasabi nya sakin?

Wait..

Does it mean na si Troy yung..

FIANCE NYA???????

"Oh Troy, bakit gulat na gulat ka? Ngayon ka lang ba nakakita ng maganda? Sya nga pala, si Sofia nga pala. Girlfriend ko." sabi ko.

HAHAHAHAHAHA.

Trip ko lang tignan kung anong magiging reaksyon ni Troy.

Pagkasabi ko nun, mas lalong nagulat si Troy.

"Ha? Girlfriend?" sabi nya.

Pinipigilan kong matawa. Nakakatawa yung reaksyon nya. Gwapo sana tong gago na to eh kaso wala eh. Mas gwapo ako. Kaya pumanget tuloy sya.

Pero syempre joke lang.

Bawal saming magttropa ang panget.

Lahat kami gwapo.

"Babe, si Troy nga pala. Tropa ko. Troy, si Sofia, girlfriend ko." pinagsshake hands ko yung dalawa. Hahaha. Spell awkward?

Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Nailabas ko na din yung tawang pinagkakatago-tago ko. Nakakatawa mga reaksyon nila.

Itong si Troy, hindi pa nga sila kasal nagseselos na kaagad sakin?

"Biro lang. Nga pala, gago ka! Hindi mo manlang sinasabi sa tropa na ikakasal ka na next month. Kung hindi ko pa makilala tong si Sofia, hindi ko pa malalaman." sabi ko.

Si Sofia naman, nananahimik lang. Mukhang naiilang talaga sya.

AHA!!! Ako ang magiging bridge nila para hindi na sila magkahiyaan. Bagay sila para sa isa't isa. Kaya lang madalas may saltik tong si Troy. Naku! Kawawa naman si Sofia pag inatake ng topak tong si Troy. Nagiging abnoy pa naman to.

Hinayaan ko muna silang dalawa na mag-usap.

Ako naman, napaupo na lang muna ako. Biglang pumasok sa isip ko si Ally at si Ivan. Bakit ganun? Ang sakit sakit na talaga. Parang anytime sasabog na yung puso ko. Tangina naman kasi eh! Sa bestfriend ko pa ako nainlove. Sa dinami-dami ng mga babae sa mundo, bakit si Ally pa?

Napakagulo na tuloy namin ngayon.

Hindi naman sana kami ganito kung walang PAGMAMAHAL na involved eh. Tama nga yung sinasabi nila. Ang LOVE, nakakasira madalas sa friendship. Aish!!!

Maya maya, dumating na si James sa bar. Saan kaya nanggaling to.

"Bro, may ipapakita ako sayo."

Nagmamadali syang lumapit sakin at bigla nyang nilabas yung phone nya.

"Kasi kanina bro, may dinaanan ako malapit sa condo ni Ally. Look what I saw." pagkasabi nya nun, pinakita nya sakin yung picture ni Ally at ng punyetang Ivan na yun. Magkayakap pa. Sa labas pa at kung kailang gabi.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon