*ALLISON'S POV*
Ang sakit sobra ng ulo ko.
My head is throbbing.
Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko.
What the hell?!!!
Nasan ako?
I looked around.
Nasa isang madilim na lugar ako. May ilaw naman pero not enough para makita ko yung buong kapaligiran ko.
Shit!!!
Bigla kong naalala ang mga pangyayari kanina. May lalakeng papalapit sakin. May kotseng huminto sa harap ko. May panyong nilagay sa ilong at bibig ko.
Next thing I knew, nandito na ko.
Okay. Second time ng nangyayari to. I don't think this is Kier's plan. Iba ang kutob ko. Sobrang kinakabahan ako ngayon. Sobrang natatakot ako.
Oh my god!
Nasaan na ba ako?
Maya maya, narinig kong bumukas ang pinto dito sa kinauupuan ko.
Hindi ako nakatali sa kahit saang parte ng katawan ko. I can move freely pero hindi ko alam kung nasaan ako. Gusto ko ng umalis.
"Gising ka na pala. Good." someone said.
Lalake sya.
Hindi ko sya nakikita.
"Sino ka?" I shouted.
No one answered.
Hindi ko sya nakikita.
Gusto kong tumayo at maglakad pero hindi ko magawa. Sobrang natatakot ako. Hindi ko kilala kung sino ang gumawa nito sakin.
"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon na nasa harap kita. Matagal ko ng hinintay ang pagkakataon na to Allison."
And with that, biglang lumabas kung sino ang kausap ko.
Walang iba kung hindi ang demonyo kong ex boyfriend na si Jad.
"Bakit mo ba ginagawa to Jad? Ano bang problema mo? Pakawalan mo na ko!" I said.
Wala syang sinagot sa sinabi ko. I just saw him smirked.
"Pakawalan mo na ko! Hinihintay ako ni Kier, Jad. Please." I said.
Nagmamakaawa na ko.
Hindi ko alam kung anong pakay nya. Kung bakit nya ginagawa ang mga bagay na to. Ang gusto ko lang, pakawalan nya na ko.
"I'm afraid I cannot do that. Kung nakawala ka sakin the first time around, di na ko papayag na maulit yun. Akin ka lang Allison. Akin ka lang!" he said.
Sumisigaw na sya.
"Jad, ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala ako! Niloko mo ko! Alam mo yon! At bakit ginugulo mo ang buhay ko ngayon? Matagal na tayong tapos Jad! Matagal na tayong tapos!" I said. Sumisigaw na din ako.
Naiiyak ako sa mga nangyayari.
"Oo Allison. Tangina. Hindi mo manlang ako binigyan ng isang pagkakataon. Sumama ka na kaagad sa bestfriend mong hilaw na si Kier. Putangina ng gagong yon!" he said.
Nagtiim ang bagang ko sa mga pinagsasasabi nya. Nagpantig ang mga tenga ko.
"Ikaw ang gago Jad! Lahat ng mga sinabi mo, ikaw lahat yon. Gago ka! Pakawalan mo na ko dito!" I shouted.
BINABASA MO ANG
BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)
RomanceIf I can be your friend in BED, then let me be your BESTFRIEND.