BIB - 64

7.6K 145 10
                                    

"Kuya, lumaban ka. Please."

Walang ibang naririnig dito sa loob ng hospital room kung hindi ang boses ni Maya na kanina pa hagulgol ng hagulgol dito.

5 days na ang nakakaraan simula ng isugod namin si Jad dito sa ospital. At as the days passed by, parang palala ng palala ang kalagayan nya.

Patago kong pinunasan ang mga luha ko.

Lumapit na lang ako kay Maya at hinihimas himas sya sa likod. Hindi ko alam kung paano ko papagaanin ang loob nya.

Their parents are also here.

Galing silang Hongkong at lumipad kaagad sila pabalik dito dahil nga sa palalang palala na condition ni Jad.

Nagdeteriorate na din ang katawan nya. Sa loob ng limang araw, hindi ko maimagine na he's fastly deteriorating. Sa loob ng limang araw na yon, nagbabago ang itsura ni Jad. Lalong pumuputla, lalong dumadami ang mga pasa sa katawan, sobrang nangangayayat.

"Kuya, magpagaling ka na. Please." patuloy pa din sa pagiyak si Maya. Maski naman ako eh kanina pa tumutulo ang mga luha ko pero ayoko ng makadagdag sa nangyayari ngayon. Dapat tatagan ko ang loob ko para macomfort ko si Maya.

Masakit makita na nagkakaganito si Jad. Hindi nya deserve to. Hindi ko maintindihan bakit nagkakaganito. Hay.

Jad is asleep.

Binigyan ko muna sya ng pampatulog ng mga doktor para makapahinga ng maayos.

According sa mga doktor, it varies sa mga patients kung paano tinitreat yung mga ganyang klase ng sakit. Iba iba daw kasi ang pagrespond ng katawan ng mga patients sa gamot. At mukhang isa si Jad sa mga type of patients na talagang hindi kaagad nagrerespond sa gamot.

At mabilis kumalat ang mga cancer cells sa katawan nya kaya nga kaagad agad na nagbago ang itsura nya. Imagine? 5 days lang ang lumipas.

At kinausap na din kami ng doktor. Meron daw silang tinatawag na "5-year survival rate". Hindi ko kinaya makinig. Parang tinataningan na nila si Jad.

Umupo na si Maya ng mahimasmasan at umupo na din ako sa tabi nya. Lumapit naman ang parents ni Jad samin.

"Maya, sweetheart, kumain ka na muna. Your kuya will be okay. We chose the best doctor in the country kaya papagalingin nila ang kuya mo." naluluhang sabi ng mommy nila.

Mabait naman ang parents ni Jad. Sometimes, akala mo wala silang pake sa mga anak nila pero ang totoo, sobrang mahal nila ang mga to. Sadyang priority lang nila ang business dahil silang dalawa ang magmamana nito pagdating ng panahon.

Habang naguusap sila, I checked my phone. 5 days na din simula ng huli kaming magkita ni Kier. Hindi ko alam pero masama ang kutob ko sa mga nangyayari.

Hindi nya ko tinetext.

Hindi nya ko tinatawagan.

I tried to dial his number pero palaging cannot be reached.

Nanghihina ako sa mga possibilities na naiiisip ko.

Hinang hina ako.

I went out of the room muna para magpahangin sa parang garden ng hospital na to. Don palagi namamasyal ang mga patients dito para hindi sila mabored.

Habang naglalakad ako sa corridor ng hospital, nakita ko si Patrisha na nagmamadaling maglakad. Kahit nakashades sya, siguro akong sya ang nakita ko.

I called her, "Patrisha!"

Mukha namang nagulat sya at nakita nya ko. Lumapit kaagad ako sa kanya.

"Hey, kamusta? What are you doing here?" I asked.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon