BIB - 33

21.6K 196 16
                                        

*A/N*

Hello readers! Dahil sa sobrang init ng panahon, naisipan kong ipost na ang update. Baka sakaling umulan. Charot!!!

By the way guys, sa mga may twitter account, tara! Tweet tweet tayo. Ang twitter account ko is @AnneCarolino <3

*ALLISON'S POV*

Late na ah?

Ang tagal naman yata nilang bumisita sa second branch nila? Simula ng tumawag si Kier kanina, hindi na sya nagtext or tumawag ulit!

9 hours na syang di nagpaparamdam sakin! Pag umabot ng 10 hours magagalit na talaga ako ng tuluyan.

Hatinggabi na oh!

*KRIIING!!! KRIIING!!!*

I looked at my phone.

Baka si Kier na to.

Pagtingin ko, nabadtrip naman ako. Si Ivan lang pala. Punyetakels!

"Oh?" I answered.

"Hello din sayo! Hatinggabi na badtrip ka! Problema mo? Sawa ka na ba kay Kier? Pwede mo naman syang ibigay sakin eh." he joked.

Gusto ko sanang tumawa pero hindi ko magawa. Ofcourse! Hatinggabi na at di pa din nagtetext o tumatawag yung magaling kong boyfriend sakin at ang nakakagigil pa eh kasama nya yung Maya na yun!

Baka mamaya pinikot na ni Maya si Kier. No! Di ako papayag.

"Hoy! Kanina pa ko salita ng salita dito. Kaasar ka kausap girl! Mas okay pang kausap sayo si siri eh! Atleast si siri sumasagot." he said.

Adik na adik kay siri tong baklang to! Palibhasa kasi kakabili nya lang ng iphone 5c na color pink. Cute na cute sya sa kulay tapos lagi nyang ginagamit si siri.

"Edi kay siri ka makipagusap." I said. Gosh! Wala talaga ako sa mood.

Wala din ako sa mood na ikwento sa kanya kung bakit ako nagkakaganito.

"Hay nako. Mabuti pa nga. Sige na! Bye na. Babush!" he said then he ended the call.

Tsk. I looked at the clock.

Saktong 10 hours na.

Tumawag si Kier sakin kaninang mga 2:30. Ngayon alas dose na!

I tried to call him again. Pero walang sumasagot.

Ah punyeta! Di ko to kikibuin bukas.

I tried calling him again. After ilang rings, nagulat ako ng sumagot na.

Sisigaw na sana ako ng biglang nagulat ako sa nagsalita. Boses ng babae. Boses ni Maya.

"Ah. Yes hello?" she said.

"Yes? Nasan ang boyfriend ko?" I asked with a very mataray tone.

"Why?" what the fuck? How dare her ask me why.

"I'm the one who's supposed to ask you that. Why is my BOYFRIEND's phone with you?" I said. Yes. Inemphasize ko talaga yung word na BOYFRIEND.

Nakakagigil lalo! Punyeta talagang lalake yun. Binigay kay Maya yung phone nya. Humanda talaga sya.

"Nandito kasi kami ngayon sa bar. Umiinom sya and mukhang lasing na kaya binigay nya sakin yung phone nya. May ipapasabi ka ba? Ako na lang ang bahalang magsabi sa kanya." she said.

Ahhhh ganun.

"Pakisabi sa kanya na wag ibibigay sa mga malalanding tao yung phone nya. Kasi kumakapal ang mukha. Sige. Suit yourself. Hanggang ganyan ka lang naman sa kanya. Okay. Bye!!" I said.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon