CHAPTER 23- pains physically and mentally

96 2 0
                                    

AHLYINNA'S POV

"Joshieǃ Bilisan mo naman diyanǃ Ano ba gutom na ako" ano bang nangyari run? Simula nung magpunta sila Hillary sa silid nila kanina ay tila nagiba na ang kilos nito? Masyadong magagalitin.

"kung gusto mong umuwi, edi umuwi kaǃ" napangiwi nalang ako sa pagsigaw niya. May problema nga ito.

"ano bang na-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ko siyang nakaupo sa sahig habang hawak ang boteng kanina niya pa tinutungga. Masarap kaya yun? Aistǃ ang damot naman niyaǃ

"ui Joshieǃ" sabi ko habang niyuyugyog siya.

"hmm.." abaǃ Mukhang nakatulog na ang mahal na prinsepe.

"wag mo nga akong tulugan. Tara na kasi. Umuwi na tayo"

"ano baǃ Bitawan mo nga akoǃ" singhal niya sa akin at tinulak ako palayo sa kanya. Ang sakit ng balakang ko! Walang modo talaga ang lalaking ito.

"h-hoyǃ S-shino ka? 'hik' B-bakit ganyan ang hitsura mo? A-ang mata mo AHHHHHHHHHǃǃ" nataranta ako sa pagsigaw niya. Hindi ko alam ang gagawin ko hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang silid kaya napagdesisyunan kong tumungo roon.

"b-bakit ba siya sumigaw? Tsaka ano bang meron sa mga mata ko?" habang kinakapa ko ang mukha ko malapit kung saan nakaderekta ang aking mga mata ay hindi ko napansin na may salamin pala sa likuran ko. Kaya ang ginawa ko ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin pero sa pagtingin ko ay hindi ko inaasahan ang makikita ko.

"WAAAHHHHHHHǃǃ" maging ako ay nagulantang sa aking nakita. Ibang anyo ang nakita ko sa salamin. Wala akong nagawa kundi isubsob ang sarili ko sa may pader kasabay ng mga luhang bumabagsak sa aking mukha.

"hindi...ayoko nito...ayoko HUHUHUHU!!!" hindi ko alam kung anong nagyayari sa akin pero sana ay namamalikmata lang talaga ako.

Nang mahimasmasan na ako ay napagdesisyunan ko nang lumabas. Buti nalang maayos na ulit ang hitsura ko. Sana nga tama ang kutob ko na namalikmata lang talaga ako.

"Joshie? Joshieǃ Hoy wag mo nga akong iwan ditoǃ" naglakad lakad ako kung saan-saan hanggang sa makita ko siya na nakatayo sa sulok at nakatanaw sa mga bituin. Base sa mukha nito, sobrang lungkot niya. Teka, bakit ba ang baho?

"yam-yam..HAHAHAHA!!!" habang hinahanap ko kung nasaan yung mabaho ay nagulat nalang ako ng bigla itong magsalita at tumawa pa.

"yam-yam?" ulit ko.

"iyan ang madalas na itawag sa akin ni Hillary lalo na kung nagtatampo siya o di kaya nama'y naglalambing sa akin"

"siya ba ang iniisip mo ngayon?" hay Ahlyinna! Ang tsismosa mo talagaǃ

"anniversary namin dapat ngayon. HAHAHAHAHAǃ Dapat masaya ako ehǃ At dapat, siya ang kasama ko. Sayang! Sayang talaga kainisǃ" nagulat nalang ako nang suntukin niya ang sarili niya.

"Joshie, may lamok ba? Ako nalang ang hahampas sa ulo mo para mawala agad" at ginawa ko nga ito.

"A-arayǃ Arayǃ HAHAHAHA!! Baliw ka ngang talaga no? Saang planet ka ba nanggaling at ganyan mag-isip ang utak mo?" nakakainis talaga itong lalaking itoǃ Siya na nga ang tinutulungan ehǃ

"Hmpǃ Ang arte mo talagaǃ Tsaka Joshie kung talagang mahal mo si Hillary bakit hindi mo nalang kasi siya suyuin? O di kaya'y lambingin?" HEHEHE! Payo ko lang naman. Yan lang kasi ang palagi kong nakikita kila ama at ina sa tuwing nagkakaroon sila ng di pagkakaunawaan. Kamusta na kaya sila?

LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon