AHLYINNA'S POV
"mahal na ama para na ninyong awa, pakawalan niyo na siya" kanina pa ako nagmamakaawang pakawalan na ng aking ama si Hillary ngunit sadya ngang matigas ang puso nito at hindi pa rin niya pinapansin ang hinaing ko.
"makinig ka prinsesa, ngayong alam na niya ang tungkol sa amin lalo na sayo, sa tingin mo ba ay papakawalan pa namin siya?" tugon ng aking ama.
"ngunit mabait si Hillary ama, maiintindihan niya tayo" pangungumbinsi ko sa kanya.
"sa tingin mo ba maiintindihan niya kung bakit kagabi ay muntikan mo na siyang mapaslang?" Natigilan ako sa sinabi ni prinsepe Calix. Hindi ko naman sinasadya ang nangyari pero dumarating talaga ang oras na hindi lang ang anyo ko ang nagbabago kundi maging ang aking pag-uugali.
FLASHBACK
Nagulat ako ng biglang masaksihan ng isang mortal ang pagbabago ng aking anyo. Hindi siya kilala ng isip ko ngunit nakikilala naman siya ng puso ko. Pero nanaig pa rin ang inaasam-asam ng aking sistema. Ang dugo at laman niyang sariwang sariwa sa aking kalamnan. At mababaliw ako kapag hindi ko nalasap ang mga bagay na iyon.
"nawalan siya ng malay mahal na hari"
"kung gayon prinsepe Calix, ano pang hinihintay mo? Patayin mo na siya"
"mahal na hari, tandaan ninyong anumang oras ay maaaring mahuli na tayo ng sinuman kaya wala na tayong panahon para pagaksayahan pa ng oras ang babaeng ito"
"naninibago man ako sa ikinikilos mo pero may punto ka.Sige, pumapayag na ako ngunit pagkatapos nito, wala na akong ibang dapat gawin kundi patayin siya. Tara na! Lisanin na natin ang lugar na ito" naramdaman kong akma na akong bubuhatin ni prinsepe Calix pero agad ko siyang tinulak.
"bitawan mo ako!" nakaramdam ako ng matinding lakas. Isang lakas na ngayon ko palang natagpuan. At marahas na tumingin sa babaeng nakabulagta.
"siya....siya ang magiging hapunan ko ngayong gabi" akamang sasakmalin ko ang mortal ng bigla akong makaramdam ng isang matulis na bagay sa aking likuran hanggang sa mawalan ako ng malay.
END OF FLASHBACK
"kinailangan ka pang pakalmahin ng prinsepe upang mapigilan ang iyong pagnanasa pero prinsesa, natutuwa ako dahil ganap na kauri ka na namin sa wakas. Binabati kita"
"HINDI! Mahal na ama ayokong pumatay. Ayokong maging ganito. Ayokong maging masama. Gusto ko pong mabuhay na parang isang tao"
"sabihin mo prinsesa Ahlyinna, anong dahilan at gusto mong maging isang tao? Malulupit sila at baka nakakalimutan mong sila ang sumira ng buhay ng ating mga ninuno" wika ng aking ama na nag-uumapaw sa galit. Bakit nga ba? Pinangako ko sa sarili ko na kailan man ay hindi ako maghahangad na mabuhay ng parang isang tao dahil tulad nga ng sabi ng aking ama, wala silang mga puso at malulupit sila. Ngunit tila nag-iba na ang pananaw ko ngayon.
"si Joshie! Ama, kailangan ko na pong umalis"
"prinsesa Ahlyinna!"
"hayaan mo siya prinsepe Calix. Nasisiguro kong babalik rin siya sa atin. Makikita mo"
JOSHUA'S POV
Nagising na ako't lahat-lahat, nakakain ng almusal at nakapaligo na pero wala pa ring baliw na nag-iingay dito sa bahay.
"saan na kaya nagpunta yun?" kagabi pa siya nawawala. Ang sabi niya, magre-rest room lang siya pero malay ko bang hindi na siya babalik. Sayang! School fest pa naman namin ngayon. Hindi niya tuloy makikita kung gaano kagaling sumayaw ang boyfriend niya.
BINABASA MO ANG
LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)
Ficção Adolescentethis is my first time to make a story so I hope you all like it and please support this as well hehehe kamsahamnida!