AHLYINNA'S POV
Katatapos lang namin kumain. Grabe!! Busog na busog ako ^_^
-FLASHBACK-
"so Ynna, ano ng order mo?"
"ha?"
"ano yung gusto mong pagkain?"
"kahit ano nalang"
"ok!! Wait me here"
Maya-maya...
"o! Heto na. Tara! Kain na tayo"
Sinimulan na niya yung pagkain niya habang ako nakatunganga pa. Paano ba naman, bago sakin itong mga pagkain na ito pero mukha naman silang masasarap.
"o! Bakit hindi mo pa ginagalaw iyang pagkain mo? Hindi mo ba nagustuhan?"
"H-hindi. Sige kakain na ako" nang sinubukan kong tikman yung pagkain at ang sarap! Nung natikman ko itong mga pagkain na ito, pakiramdam ko ay ilang taon na akong hindi kumakain. Sa kaharian kasi namin, masasarap din naman yung mga pagkain pero nakakasawa na silang lahat kasi paulit-ulit nalang.
"h-hoy dahan dahan lang. Hindi ka ba pinapakain sa inyo?" Nakakahiya!! Sa sobrang sarap ng mga pagkain hindi ko namalayan na...
"HAHAHAHA!!! Grabe ka! Pati pagkain ko kinain mo na rin? HAHAHAHA!!!!" ubos na kasi yung sa akin kaya hindi ko napigilan yung sarili kong kunin yung pagkain niya. Mukha kasing ayaw na niya eh. Sayang naman.
-END OF FLASHBACK-
Iyon na nga! Teka nga! Nakakainis naman itong lalaking ito. Kanina pa kami palakad-lakad dito ah! Ang sakit na kaya ng mga paa ko. -,-
"hoy lalaki saan ba talaga tayo pupunta?"
"sa pupuntahan"
"eh, ano ba yung gagawin natin dito?"
"mag si-swimming?"
"swimming? HOOO!! Bakit ba sobrang lamig dito?"
"kasi may aircon"
Tamo!! nakakaasar siya!!! Hindi na makausap ng matino. Baka naman may sayad na ito? Nakakatakot naman!!!
Pagkatapos ng ilang libong taong paglalakad...(A/N:HEHEHEHE!!!!Nagbibiro lang po siya)
"o! Nandito na pala tayo eh." sabi niya.
"h-ha?"
"tsk. Sabi ko nandito na tayo. Tara na nga" sabay hila niya sa akin papasok sa...WHOA! Ang daming mga damit!
"good day ma'am/sir. What can I do for you?" ano raw? Wala akong maintindihan sa sinasabi ng babaeng ito.
"I want you to accompany this girl. Please give her the best dress that you have in your store" sabi naman ni kumag.
"ok sir. This way ma'am" sabay alis nung babae at nginitian ako.
"hoy! Ano pang tinutunga-tunganga mo riyan? Sundan mo na yung sales lady" iritadong sabi niya. Yung babaeng yun ba ang tinutukoy niya?
"s-sge"
JOSHUA'S POV
Kahit kailan talaga yung babaeng yun. Tsk. Tsk. Kasalukuyan akong nagbabasa ng magazine ng biglang may pumasok sa loob ng shop.
"Josh?" napatingin ako sa babaeng nagsalita. Hindi ko inaasahan ito.
"Hillary?"
"hmm, what are you doing here?"
BINABASA MO ANG
LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)
Teen Fictionthis is my first time to make a story so I hope you all like it and please support this as well hehehe kamsahamnida!