CHAPTER 11- let the game begins

131 6 1
                                    

AHLYINNA'S POV

Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana.

T-teka, paano ako napunta rito? Hindi kaya...

"AAAAHHHHHH!!!" tili ko.

~EEECCKK!~

Kasabay ng pagbukas ng pinto.

"anong nangyari?"

"ikaw!" turo ko sa kanya

"ako? Bakit anong ginawa ko sayo?" aba! Nagmamaang-maangan pa itong lalaking ito.

"WAAAAHHHH!!! ang sama mo talaga!!! P-pinagsamantalahan mo ang pagkababae ko.WAAAHHHH!!! Ang pinaka iingat-ingatan ko! Wala na" sabay bato sa kanya ng unan.

"aray! H-hoy! Ano bang sinasabi mo riyan?" tanong niya.

"Huwag ka nang magmaang-maangan pa. K-kita mo na diba? Iba na yung suot ko at isa lang ang ibig sabihin nun, WAAAHHH!!!"

"ikaw ha? Hindi ko maintindihan iyang mga pinagsasabi mo. Eh ano naman kung i-pfftt!!! WAHAHAHAHAHAAHAHA!!!"

"ano bang tinatawa-tawa mo diyan? May nakakatuwa ba roon ha?!"

"HAHAHAHAHAHA!!! E-eh kasi 'sniff'' HAHAHAHAHA. Huwag ka ngang mangarap diyan! Asa ka namang papatulan ko ang gaya mo no! HAHAHAHA hindi ko alam na ganyan ka pala mag-isip HAHAHAHA!!!"

"i-ibig sabihin walang nangyari?"

"yup" sabi niya habang paulit-ulit na tumatango at halatang nagpipigil pa sa tawa.

WAAAHHHH!!!! Nakakahiya!!! Kung anu-anong lumalabas sa bibig ko. Pakiramdam ko ang pula pula na ng mukha ko. -_-'

JOSHUAS' POV

Nandito na kami sa dining room, nagbe-breakfast. Grabe itong babaeng to. Ano ako isang cheap na lalaki na bigla nalang papatol sa isang tulad niya?? Yuck! Baka may AIDS pa siya ano!

"y-yun lang yung nangyari?" tanong niya.

"exactly! Hays. Ibang klaseng babae"

Pinaliwanag ko na sa kanya yung buong nangyari kagabi. Sinabi ko na rin sa kanya na yung kapitbahay naming babae na taga rito sa condo yung nagpalit sa kanya ng damit. Sa tingin ko naman ay napanatag na yung loob niya. Yung mga bagay na ginawa niya sa akin? HAHAHA ayoko nang banggitin yun. Bakit? Wala lang MEHEHEHEHE!!! (A.n: kailan pa nagkaroon ng kambing sa story ko? Joshua ayos ng konti ah! BWAHAHAHA!!)

"salamat" halos mabilaukan naman ako sa sinabi niya.

"ano?" maang kong tanong.

"s-sabi ko s-salamat" sabay yuko nito.

"ano? Hindi ko marinig?" HAHAHA!!! Nakakatuwa talaga siyang pagtripan

"SABI KO SALAMAT BINGI!"

"marunong ka pala non? Pero alam mo bang sa panahon ngayon, hindi na uso ang salitang salamat lang? Kapag may ginawa kang kabutihan kailangan suklian mo rin ito ng kabutihan"

"ganoon ba yun? Pero ano ba yung isusukli ko?"

"ikaw!" cool kong sabi.

"a-ako? P-pero hindi k-"

"aiistt! Ang dumi nanaman ng isip mo. Ang ibig kong sabihin yung tungkol sa kontratanatatandaan mo pa yun?"

"oo. Ibig mong sabihin itutuloy natin yung kontrata?"

"mismo! Alam mo kahit 0.01% may taglay ka rin palang katalinuhan"

"pero..."

"o ano? Tatanggi ka? Hindi naman pwede yun no! Pagkatapos kitang pabalikin dito sa bahay ko tatanggihan mo lang ako? Basta! Sa ayaw at sa gusto mo, magiging girlfriend kita within 1 year and that's final"

AHLYINNA'S POV

Wala na akong nagawa. Pumayag na ako sa kasunduan namin. Kaya mo iyan Ahlyinna! Magpanggap ka lang na mahal mo siya. Pero iniisip ko palang, pakiramdam ko babaligtad na ang sikmura ko. :'(

"HOOOO!!"

"ayos ka lang ba?" tanong niya

"huh? A-ah. O-oo ayos lang ako. Medyo nilalamig lang"

"heto, suotin mo muna itong jacket ko" sabay suot niya sa akin ng ano raw? J-jacket?

Ewan ko ba kung nasaan kami ngayon. Basta ang alam ko, matao itong lugar na ito at ang dami ring mga damit sa paligid.

"nagugutom ka na ba?" tanong niya.

"oo eh..." nahihiya kong sagot. Ito yung kanina ko pang hinihintay na sabihin niya. Buti nalang at nakaalala na may kasama pa pala siya.

"tara!" sabay hawak niya sa kamay ko. Ewan ko ba pero parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko nung gawin niya yun.

JOSHUA'S POV

Nandito kami ngayon sa mall. Balak ko siyang bilhan ng mga damit o ano man ang kakailanganin niya. Syempre siya na ang magiging 'FAKE GIRLFRIEND' ko. Kahit fake lang, kailangan disente parin ang ayos niya dahil sa mata ng ibang tao, official kami.

"anong order mo? Teka! Ano bang pangalan mo?" hays! Ilang araw na kaming magkasama pero ni pangalan niya hindi ko pa alam

"ako si Ahlyinna" sagot niya.

"ako si Ahlyinna? Yun ang pangalan mo? "

"Ahlyinna lang!"

"Ahlyinna lang?"

"Ahlynna" yung mukha niya, ganito na: >.< BWAHAHAHAHA!!!         

"Ahlyinna? Nice name.But i prefer Ynna. Nice meeting you. By the way Ang pangalan ko ay Paul Joshua Sebastian. Joshua nalang ang itawag mo sa akin. Tinagalog ko na baka hindi mo pa rin maintindihan Tch!"

LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon