AHLYINNA'S POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Dito na pala ako nakatulog. Ang sakit ng ulo ko tapos namamaga pa ang mga mata ko sa kakaiyak. Basta! Hindi ako papayag na makasal sa lalaking sisira lang ng buhay ko.
"teka! Alas otso na siguro. Makagala na nga lang muna"
JOSHUA'S POV
Nandito na ako ngayon sa school. Kasabay ko si Hillary.
"babe I have to go na ha? Didiretso pa kasi akong library eh"
"hays! Ano pa nga ba? Basta ihahatid kita mamayang lunch sabay tayo sa cafeteria"
"ok bye" sabay halik sa cheeks.
"o, bakit sa cheeks lang? Dito na lang" sabay turo sa lips ko.
"IHHH!! Nakakahiya kaya! Oh em gee! Male-late na ako sige na bye!"
"bye!! Hmmp!! Magka cut nalang siguro ako ng class. Dun nalang ako sa garden"
AHLYINNA'S POV
"la la la la la la! Ang saya naman dito. Hay! Ang sarap ng simoy ng hangin" habang naglalakad-lakad, napahinto ako nang may mapansin akong lalaking natutulog malapit sa malaking puno.
"teka! Diyan ang pwesto ko ah! Kainis na lalaking yan malapitan nga!" nang gigisingin ko na ito, napahinto ako nang mapadako ang paningin ko sa kanyang mukha.
"hala! May paru-paro sa mukha niya! Ang ganda ng paru-paro. Tiyak nito, madadagdagan nanaman ang koleksyon ko" kukunin ko na sana yung paru-paro kaso nga lang...
"huli ka!" sabay dilat ng lalaki.
JOSHUA'S POV
"huli ka!"
Pagkadilat ko ay akala ko si Hillary ang nasa harapan ko. Pero ibang babae ang kaharap ko ngayon. Isang magandang babae. Nakasuot siya ng white dress. Ganun na rin ang sapatos niya na may kapares din na..white socks? Ayos rin to ah! May mahaba siyang buhok na hanggang bewang. Ang ganda ng mata niya, ang haba ng pilik mata niya, kissable lips at ang kinis ng katawan. Ang puti at ang lambot ng kanyang kamay.
~TUG! TUG! TUG!~
"bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?" bulong ko sa sarili.
"a-anong g-ginagawa mo?" teka, bakit ba ako nauutal?
"............"
"ayos ka lang ba?" bakit parang natulala na ito? Ganto na ba talaga ako kagwapo?
"miss are you dumb? Magsalita ka nga"
Nagulat ako ng bigla niya akong itulak kaya nabitawan ko ang kamay niya at nagsimulang tumakbo palayo.
"teka miss, ano ba miss bumalik ka nga rito!" nainis na ata ako sa babaeng yun kaya siguro nasigawan ko na siya pero bingi siguro yun kaya hindi man lang ako pinansin. Dapat siguro nag sign language nalang ako. Tsk. Tsk.
AHLYINNA'S POV
"hooo!!" hingal na hingal ako nang makalayo ako sa lalaking yun.
Nandito ako sa likod ng isang puno para magtago.
"hindi ako pwedeng magkamali. Yung lalaki sa panaginip ko... SIYA YUN!"
"totoo pala siya. At ang gwapo niya sa malapitan kaya hindi na ako nakapagsalita. Tsaka hindi pala ako pwedeng makipag-usap sa mga tao kaya tama lang na hindi ko siya pinansin"
~TUG! TUG! TUG!~
"teka, bakit ba ang abnormal ng tibok ng aking puso? Marahil siguro ay dahil lang ito sa pagtakbo ko"
VOLTEIR'S POV
"mahal na hari ipagpaumanhin po ninyo ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin matagpuan ang prinsesa Ahlyinna"
"hindi ako makakapayag hanapin niy-"
"hindi niyo na po kailangan gawin yun dahil nandito na ako"
"prinsesa Ahlyinna..."
"mahal na ama pagod na po ang aking katawan. Gusto ko na pong magpahinga"
"o sige. Beni samahan mo na ang mahal na prinsesa"
"masusunod mahal na hari"
Kailangan kong makumbinsi ang prinsesa na maikasal kay prinsepe Calix. Kahit anong paraan gagawin ko huwag lamang mangyari ang nakasulat sa propesiya.
BINABASA MO ANG
LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)
Teen Fictionthis is my first time to make a story so I hope you all like it and please support this as well hehehe kamsahamnida!