JOSHUA'S POV
Kanina pa ako kumakatok sa pintuan ni Ynna pero hindi niya pa rin ako pinagbubuksan ng pinto kaya kinabahan na ako. At mas nadagdagan ang kaba ko ng bigla nalang itong sumigaw na parang namimilipit sa sakit. Damn! Why does she can't open this door?
Maya-maya, napansin kong biglang bumukas ang pinto at nakita siyang nakatayo pero mukhang nanghihina.
"Ynna, ano bang nangyari sa loob? Hey! Talk back!" pero imbis na sagutin ako, binigyan niya lang ako ng titig na akala mo ay hindi niya ako kilala. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong sunggaban at parang may binubulong siya na hindi ko naman maintindihan.
"Y-Ynna! WAHAHAHAHAHA!!!! A-ano ba n-nakikiliti ako y-WAHAHAHAHA!!!"
"J-Joshie..."
"Ynna!"
AHLYINNA'S POV
Sobrang bigat ng pakiramdam ko nung nagising ako. Pinilit kong bumangon pero hindi pa talaga kaya ng katawan ko.
"wag mo nang pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kaya" nakita ko si Joshie na nag-uunat at mukhang kagigising palang niya.
"ano bang nangyari kagabi? Tsaka bakit nandito ka sa aking silid?" pagkagising ko, wala na talaga akong maalala. Kahit anong pilit kong alalahanin ang lahat ay bigo pa rin ako.
"wala kang maalala sa nangyari kagabi? Sayang, itatanong ko pa naman sana sayo kung bakit ka nagkulong sa kwarto eh hindi mo naman gawain yun at bigla ka nalang sumisigaw.Tsaka ano bang masama kung nandito ako? Bakit, bahay ko naman ito ah!" nakapameywang niyang sabi.
"nagkulong ako at sumigaw? ARAY!"
"Ynna bakit?"
"w-wala...medyo sumakit lang ang ulo ko" tungkol sa nangyari kagabi, bigla akong nakaalala ng kaunting bagay at isa na run ay ang pagbabago ng aking anyo.
"gusto mo bang magpatingin sa doktor? Kagabi, bigla bigla ka nalang nangingiliti tapos nahimatay ka pa. Sabihin mo nga, sintomas na ba talaga yan ng pagiging baliw mo?"
"umalis ka na nga lang dito" inis na sabi ko. Kahit kailan talaga wala siyang ibang ginawang maganda sa akin. Puros pang-iinsulto lang ang natatanggap ko sa kanya.
"hoy! Ang lakas naman ng loob mong paalisin ako rito. Bakit, pamamahay mo? Pamamahay mo? Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin eh!"
"bakit naman ako magpapasalamat sa iyo?"
"tignan mo itong babaeng ito. Nakikita mo itong banig, unan, soup, bimpo at palanggana?" sabay turo niya ng mga bagay na nakakalat sa aking silid.
"mukha na ba akong bulag Joshie? Wag kang mag-alala dahil sa mga oras na ito, malinaw pa naman ang mata ko....dahil nakikita ko pa ang panget na tulad mo" yung huling sinabi ko, binulong ko nalang yun. Ayoko ngang mabatukan! >.<
"pero alam mo bang matagal na akong bulag?"
"talaga?!"
"oo, bulag na bulag..... sapagmamahalsaiyo" (A/N: MUM MANET! XD)
"ano yun Joshie?"
"WALA! HAY NAKU YNNA! BALIW KA NA NGA, BINGI KA PA! TSAKA BAKIT BA ANG SLOW MO?... Kayangakapagnakikitakitanagigingslow-moangpaligidko" (A/N: EDI WOW! WITH THE CAPITAL 'W')
Bakit ganun? Bingi na ba talaga ako? Oo, narinig ko yung sigaw niya pero bigla nalang humihina at bumibilis ang pagsasalita nito kahit sigurado naman akong may sinasabi pa siya! Halatang naiinis na siya eh ano bang magagawa ko kung hindi ko naman maintindihan ang mga pinagsasasabi niya? Siya na ata ang nababaliw sa aming dalawa eh!
BINABASA MO ANG
LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)
Teen Fictionthis is my first time to make a story so I hope you all like it and please support this as well hehehe kamsahamnida!