HERE'S THE UPDATE. ENJOY! ♥
AHLYINNA'S POV
Nandito ako ngayon sa aking silid. Hanggang ngayon, hindi pa rin matanggap ng sistema ko ang nangyari sa amin ni Joshie kagabi. (A.n: alam ko ang iniisip niyo but you're wrong. Kindly read the previous chapter for you to enlighten your dirty minds LOLXD)
"WAAAHHHHH!!! HUHUHUHU!!! T^T" wala akong nagawa kundi magpagulong-gulong sa aking higaan habang pilit iniaalis ang pangyayaring hindi dapat nangyari. Bakit ba kase ang titigas ng ulo ng mga tao? Nung una yung nakabunggo kong babae ngayon naman si Joshie? Nahihiya na tuloy akong lumabas. Hindi pa ako handang harapin si Joshie sa ngayon.
~TOK! TOK! TOK!~
Napatingin ako sa pintuan ng biglang may kumatok. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at ramdam ko rin ang pamamawis ng aking noo.
"h-hoy baliw! Buksan mo nga itong pinto!"
Ayokong buksan ang pinto. Ayoko pa siyang makita. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Minarapat ko nalang na magtalukbong ng kumot at magkunwaring tulog.
"alam kong gising ka na. Kung ayaw mo talagang buksan itong pinto, bumangon ka na riyan.Hihintayin nalang kita sa kotse" Matapos niyang sabihin iyan ay narinig ko nalang ang sunod-sunod niyang paghakbang pababa. Agad akong nakaramdam ng kaginhawaan nang malaman kong wala na siya sa pinto. Tsaka bakit niya ba ako sinabihan na hihintayin nalang niya ako sa kotse niya? Teka....
"MAY KLASE BA KAMI NGAYON?!" lagot na! Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nagulat ako sa aking nakita. Sabog sabog na buhok, maamos na mukha, may laway pa sa gilid ng labi at gusot gusot na damit. Epekto siguro ito ng labis labis na pag-iisip. Ano nang gagawin ko ngayon? Lalabas ba ako o hindi?
JOSHUA'S POV
Agad akong napaayos ng upo ng biglang pumasok si baliw sa loob ng sasakyan. Ang kapal talaga ng apog nito. Biruin mong halos 1 oras niya akong pinaghintay sa loob ng kotse? Feeling prinsesa!
Habang nagda-drive, hindi ko magawang tignan ang mukha ni baliw. Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay parang nagpa-flashback sa utak ko yung nangyari kagabi. Naalala ko nga na halos magkabungguan pa kami ng daraanan papunta sa kanya kanya naming kwarto matapos naming magulat sa nangyari.
Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko napansin na muntikan na pala akong makabunggo ng isang kuting kaya agad akong prumeno.
~EECCKKK~
"aray!" agad akong napatingin sa gawi ni baliw nang marinig ko siyang dumaing.
"aist! Paanong hindi ka mauuntog diyan eh hindi mo nga ginamit itong seatbelt mo" hindi ko na siya pinagsalita at ako nalang ang nagkusa para ikabit iyon sa kanya.
AHLYINNA'S POV
Bigla akong nakaramdam ng kaba nang dahan-dahang lumapit sa akin si Joshie. Parang biglang nawala ang sakit ng ulo ko.
~TUG! TUG! TUG! TUG! TUG!~
Tanging ang maingay na tambol nalang ang naririnig ko mula sa loob ng aking katawan. Ang akala ko ay gagawin niya ulit yun pero napatingin ako sa kamay niya nang may kuhain siya sa gilid ko at agad itong isinuot sa akin. Ang akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag pero hindi pa pala. Pagkatapos niyang ikabit ang taling iyon ay sakto namang nagtama ang aming mga mata. Kung kanina ay maiingay na tambol ang naririnig ko, ngayon naman ay ang tila mga kabayong nagkakarera na. Hindi ko nakayanan yung pagkakatitig niya kaya ako na ang unang nag-iwas. Mukha namang natauhan siya kaya agad niyang ibinalik ang sarili sa kanyang pwesto.
"may muta ka pa sa mata tanggalin mo nga, nakakahiya ka"
DRAKE'S POV
Naglalakad ako papunta sa office ni mommy nang matanaw ko sa di kalayuan ang babaeng binubully ni Tiffany. Tch! Wala talaga siyang magawa. Kailan ba siya magtitino? Aalis na sana ako ng biglang tumingala ang babaeng binubully niya and then I was shocked when I saw her crying with some bruises around her face. Hindi ko alam but I just find myself running towards their place. I didn't bother the people looking intently to me anymore. All the thoughts here in my mind are to save and only save her.
![](https://img.wattpad.com/cover/15581313-288-k348110.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)
Teen Fictionthis is my first time to make a story so I hope you all like it and please support this as well hehehe kamsahamnida!