CHAPTER 3- the warning

169 8 3
                                    

JOSHUA'S POV

"talaga dude? May magandang dalaga na tsumansing sayo kahapon sa garden?" tanong ni Drake, kaibigan ko.

"exactly" proud kong sabi.

"insan, baka naman hindi ka tsina-tsansingan baka naman ninanakawan?" Sabi ng asungot kong pinsan na si Calv.

"ulul! Alam mo naman ako, malalapitin sa mga chicks"

"yeah right" sabay apir namin ni Drake.

"ano na ngayong plano mo?" tanong ni Calv.         

"simple lang. I need to find her" wala sa sariling nasabi ko.

"huh? For what?" tanong ni Drake.

"ewan ko rin. Basta nararamdaman ko. Kakailanganin ko rin siya someday" then i smirked.

AHLYINNA'S POV

Nandito ako ngayon sa aking silid. Hindi ako mapakali. Nais kong makita ulit yung lalaki roon sa lugar kung saan kami unang nagtagpo kaya naman napagdesisyunan kong umalis ngunit naudlot ito ng biglang may pumasok sa aking silid.

"nandito lang pala ang mahal kong Ahlyinna"

"prinsepe Calix? Anong ginagawa mo rito? Beni diba ang sabi ko ayokong may pinapapasok naiba sa silid ko?" naiinis na wika ko.

"ipagpaumanhin niyo po ngunit nagpumilit siyang pumasok rito.Sige po maiwan ko na po kayo" sabay alis.

"bakit Ahlyinna, iba ba ako sayo?" tanong niya.

"alam mo ba na kapag nalaman ng mahal na ama ang kalapastanganan mo ay tiyak na may kaakibat na kaparusahan?" sabay upo sa aking higaan.

"bakit? Anong gagawin mo? Magsusumbong ka? Magsumbong ka kung gusto mo. Tignannalang natin ang magagawa ng ama mo" matapang na sagot niya.

"kung wala ka ng ibang sasabihin ay makakaalis ka na" diretsahang sagot ko.

"gusto ko lang malaman mo na may isang engrandeng pagtitipon mamayang gabi at ang gusto ko ay nandoon ka"

"ayoko. Dito lang ako sa aking silid at  wala akong ganang dumalo sa pagtitipon na sinasabi mo"

Nagulat ako ng hawakan niya ang braso ko.

"a-aray ano ba! Nasasaktan ako"

"talagang masasaktan ka kung hindi ka susunod. Pupunta ka sa pagtitipon sa ayaw at sa gusto mo at walang makakapigil sa akin kahit ang ama mo pa"

"bitawan mo nga ako!"

"tandaan mo, 2 taon nalang ay magiging akin ka na at kung sino mang mapangahas na pipigil sa gusto ko ay mapapatay ko. Tandaan mo iyan."

"a-anong ibig mong sabihin?" aminado akong natatakot na ako sa ikinikilos niya pero pinilit ko paring magpakatatag.

"alam kong may iniisip kang ibang lalaki Ahlyinna. Hindi mo pa ba alam na may kapangyarihan akong makaalam ng iniisip ng mga nilalang na nasa paligid ko kaya alam kong hindi ang pagkabagot mo ang dahilan ng pagtanggi mo sa pagdalo sa pagtitipon dahil ang buong katotohanan ay may balak kang puntahan ang lalaking iyon" nakikita ko ang panlilisik ng mga mata niya nang sabihin niya iyan.

"hindi ko alam ang sinasabi mo" giit ko.

"huwag mo na akong baliktarin Ahlyinna. Alam mo naman na gusto ko sa akin lang ang atensyon ng sino mang pag-aari ko kaya dapat sa akin lang ang atensyon mo dahil kung hindi, gagawin ko ang lahat mawala lang sa isip at landas mo ang mapangahas na lalaking iyan. Itatak mo yan sa isipan mo prinsesa Ahlyinna."

Pagkatapos nun ay agad na siyang umalis habang ako naman ay naiwang tulala.

CALIX' POV

Isa lang ang nasa isip ko. Ang makita ang lalaking kinahuhumalingan ng prinsesa.Ang lalaking maaaring makasagabal sa mga plano ko. Kailangan niyang mawala. Gagawin ko ang lahat matupad lang ang mga pangako ko kay ama. Kahit pa sa maduming pamamaraan.

"ikaw lalaki ka humanda ka dahil sa oras na magkaharap tayo, sisiguraduhin kong hindi ka na magtatagal sa mundong ito"

"at ikaw Ahlyinna. Akin ka lang..akin lang"

LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon