JOSHUA'S POV
"ano?!" nababaliw na rin ba itong may-ari ng shop na ito? Hays! Hindi! Hindi ako papayag!
AHLYINNA'S POV
HAHAHAHA!!! Ang saya saya ko ngayon. Naglalakad kaming dalawa ni Joshie dito sa park. Nakakailang nga kasi kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao. Pero wala na akong pakialam dun. Basta ang alam ko, masaya ako ngayon.
"hoy baliw! Anong nginingiti-ngiti mo riyan?! Aist! Ang init naman nito. Hindi pa ba ako pwedeng magpalit?" maktol niya.
"ano ka ba Joshie, bagay kaya sayo iyang damit. Gusto ko sanang pumunta roon kaso kapag humiwalay ako sayo, mahahati yung paru-paro"
"kung bakit ba kasi napunta yang litrato ko sayo eh. Aist! Drake mapapatay talaga kita"
"ano yun Joshie?"
"WALA NANG ULIT PARA SA MGA BINGI!"nagulat ako ng bigla nalang siyang sumigaw. Ang ayos ayos kaya ng tanong ko sa kanya. -_-' Problema nito? Hayaan niyo na nga lang siya. Nararamdaman ko naman na ayaw niyang suotin yung damit pero kahit ganun, napapayag ko pa rin siya. Syempre lahat ng iyon ay dahil sa mahiwagang litrato. Hindi ko akalaing nadala ko pala yung litrato ni Joshie nung bata pa siya. Kaya naisip kong gamitin iyon bilang panakot sa kanya para mapapayag siyang suotin yung damit. At nagtagumpay ako. AHEHEHEHE!!! ^___^
"mama ang sweet nung mag-boyfriend at girlfriend o! Naka-couple t-shirt"
"oo nga no? Alam mo bang ganyan din kami ng daddy mo nung teenager pa kami?"
"talaga po? Paglaki ko rin po mommy kapag nagka-boyfriend ako, magsusuot din po kami ng couple t-shirt" nakakatuwa naman yung mag-ina na nag-uusap malapit sa amin. At bigla kong naalala ang mahal na ina. Kamusta na kaya siya?
ISABEL'S POV
Simula nang mawala ang prinsesa Ahlyinna, sunod-sunod na ang naging kalbaryo ng mahal na hari at ang palagi niyang tinutukoy ay ang propesiya.
"Volteir!"
"uminahon ka Isabel. Hindi ba't kabilin-bilinan ko sa iyo na kapag nandito tayo malapit sa mga kawal ay iiwasan mong tawagin ako sa pangalan ko?"
"ipagpaumanhin mo mahal na hari"
Kahit ako ang reyna dito sa aming kaharian, hindi maalis sa isip kong parang isang alila rin ang tingin sa akin ng hari. Tulad ng mga kababaihan dito sa aming lugar, hindi ako pinahihintulutang makapag-aral at mabigyan ng sapat na kaalaman pagdating sa pakikipaglaban kaya labis akong nag-aalala sa kalagayan ng aking anak na nasa mundo ngayon ng mga mortal.
"may sasabihin ka ba?" nabalik ang pag-iisip ko sa realidad ng biglang magsalita ang aking asawa.
"itatanong ko lamang kung saan patungo ang mahal na hari at kung bakit ganyan ang inyong kasuotan" Ngunit bago niya ako sagutin ay naglabas muna siya ng isang halakhak na nagbibigay babala sa sinumang makakarinig nito.
BINABASA MO ANG
LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)
Teen Fictionthis is my first time to make a story so I hope you all like it and please support this as well hehehe kamsahamnida!