AHLYINNA'S POV
Pauwi na kami ni Joshie pero yung ngiti ko sa aking labi, nananatili pa rin.
"na-starstruck ka ba sa daddy ko? Mas gwapo pa ako dun no! Tsaka hukluban na kaya yun HAHAHAHAHAHA!!!"
"Wag ka ngang ganyan Joshie. Ang bait-bait niya kaya"
"yeah. Pero mabait din naman si mommy. Don't worry matatanggap ka rin nun" sabi niya pero imbis na sumagot, nginitian ko nalang siya. Pero maya-maya, bigla akong may naisip.
"Joshie, nung naging kasintahan mo rin ba si Hillary, pinakilala mo rin ba siya sa mga magulang mo?"
"HAHAHAHAHA!!! Hindi no! Sila pa nga ang nagpakilala sa akin kay Hillary. Ang totoo niyan, pinagkasundo lang kaming dalawa" napangiti naman ako sa sinabi niya.
"edi ang ibig sabihin, ako palang ang unang babaeng naipakilala mo sa kanila?"
Ngingiti-ngiti pa ako sa sinabi ko. Pero agad din itong napawi nang magsalita siya kasama ang malungkot na mukha.
"hindi rin Ynna"
"i-ibig sabihin bukod sa akin, may iba ka pang kasintahan?"
"ano kaba baliw! Syempre ikaw lang ang girlfriend ko. Pero rati, bago maging kami ni Hillary, nagkaroon na ako ng kasintahan. At siya ang kauna-unahang babaeng naipakilala ko sa mga magulang ko" Pagpapaliwanag niya. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga salitang binitiwan ko. Basta ang alam ko ay bigla ko nalang itong naitanong kay Joshie.
"anong pangalan nung babae?"
"Lliana"
JOSHUA'S POV
Napansin kong biglang may tumulong luha sa mukha ni baliw kaya agad akong nag-alala.
"Ynna, bakit ka umiiyak? May problemaba?" sabi ko habang pinupunasan ang luha sa mukha niya.
"h-huh? Umiiyak ako?" wala sa sariling naisagot niya. Ewan, tanong ata ito eh.
"pwede bang tutulo nalang ang luha mo kung hindi ka iiyak? Tsk. Ikaw talaga baliw"
"pero Joshie hindi naman talaga ako umiiyak!" depensa niya sa sarili.
"o sige. Kung hindi ka nga umiiyak, bakit tulo ng tulo yang luha sa mukha mo?" bigla namna niyang kinapa ang mukha niya at laking gulat niya rin nang malaman niyang lumuluha nga siya.
Habang pinagmamasadan ang wala sa sariling mukha ni baliw ay bigla namang nag-ring yung cellphone ko.
~CALLING CALIX~
Then I pressed the green button.
(napaayos mo na pala ang cellphone mo)
"huh? Oo.Pero paano mo nalaman?"
(sinabi sa akin ni Ahlyinna)
"si Ynna?" naramdaman kong parang hindi maganda ang pakiramdam ni Ynna kaya hinawakan ko nang mahigpit ang kamay nito at nginitian siya.
(oo. Kasama mo ba siya ngayon?)
"ah. Oo nandito nga siya" nanlaki naman ang mata ni Ynna sa sinabi ko.
(pwede ko ba siyang makausap? Pakisabi, importante lang)
"sige, sasabihin ko" binigay kokay Ynna yung cellphone.
"kakausapin ka raw ni Calix. May sasabihin lang daw siya"
"h-ha? S-sige" bakit parang nanginginig siya? Masama ba ang pakiramdam niya?
BINABASA MO ANG
LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)
Teen Fictionthis is my first time to make a story so I hope you all like it and please support this as well hehehe kamsahamnida!