CHAPTER 7- welcome home

139 6 3
                                    

JOSHUA'S POV

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at kung bakit nakumbinsi ako nitong babaeng ito na tumira siya sa bahay ko. Ni hindi ko nga siya kilala.

"t-teka, hindi ka naman siguro magnanakaw no o di kaya akyat bahay?"

"hindi no! Anong akala mo sakin masamang babae?"

"mabuti naman kung ganun.Mabuti na iyong nakakasiguro"

Kung sakali mang masama itong taong ito, marami namang security samin kaya siguradong ligtas ako. Matapos ang ilang oras na byahe ay nakarating na rin kami sa wakas sa condo ko.

"dito ka nakatira?" tanong niya.

"hindi ba obvious? Tsk."

"sungit" narinig kong bulong niya na hindi ko nalang pinansin.

AHLYINNA'S POV

hays! Ang sungit naman ng lalaking ito. Daig pa ang aking ama sa sobrang kasungitan. Buti nalang talaga at nahikayat ko siyang mapatira ako sa bahay niya kundi baka nahanap na ako ng aking ama.

"ang ganda!" nakakamangha ang lugar na ito!

Paano ba naman.Ang ganda ng loob ng bahay niya.Sobrang linis at ang aliwalas. Sobrang moderno rin ang mga kagamitan.

"bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng ganto kagandang bahay?" tanong niya.

"syempre hindi. Para sa akin, mas maganda parin ang kaharian namin no!"

"k-kaharian?" nagtatakang tanong niya

At dahil sa sinabi ko ay lihim kong napitik ang maingay kong bibig.

"a-ang ibig kong s-sabihin ay yung bahay namin..HEHE" palusot ko.

"tsk. Baliw ka nga talaga"

"ikaw ha! Kanina mo pa akong sinasabihan ng mga bagay na hindi maganda sa aking pandinig. Kung ako baliw baka ikaw bakla" teka? Saan ko ba nakuha ang salitang iyon?

Dahil sa sinabi ko ay bigla nalang nagpantig ang tenga niya at seryosong tumingin sa akin. Bakit? Hindi rin ba maganda sa pandinig niya ang salitang bakla?

"ako? Bakla?" sabi niya habang lumalapit sa akin.

"e-eh kasi naman l-lagi mo nalang akong inaasar eh" sagot ko habang umaatras. Lumalapit kaya siya!

"gusto mong patunayan ko sayo na hindi ako bakla?" sobrang lapit na niya sa akin. Hindi ko na magawang umatras dahil nararamdaman kong nakadikit na ako sa pader.

"HE-HE! Binibiro lang kita no!" sabay iwas ng tingin.

"alam mo bang masama ang magbiro?" sabi niya ng may nakakalokong ngiti. Wala na akong nagawa kundi ipikit ang aking mga mata. Ilayo niyo po ako sa baklang ito HUHUHUHU!!!

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!! Nakakatawa ka. Yu-yung mukha mo,HAHAHAHAHAHA!!! Parang natatae. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!" maluha luha niyang sabi ng may kasamang hagalpak.

"nakakainis ka talaga" sabay tulak sa kanya.

"bakit naiinis ka? Dahil hindi kita hinalikan? Tinotoo mo talaga yun?" sabay ngisi ng loko.

"hindi ah! Nakakainis ka dahil lagi mo nalang akong pinaglalaruan"

"HAHAHAHA! Eh sa nakakatuwa kang pagtripan eh"

"ewan ko sayo" sabi ko.

"teka pfftt! Bakit ganyan ang suot mo? Para kang nagsagala ah"

"Wala ito huwag mo nalang pansinin"

"sige sige mukhang naaasar ka na eh magpalit ka na muna ng damit"

"wala akong dalang damit"

"aisst! Ang bobo mo talaga! Maglalayas ka na nga lang hindi mo pa naisipang magdala ng damit" sabi niya sabay punta sa likod ko tapos may binuksan siya roon na parang lalagyan.

"o! Suotin mo muna iyan wala akong mapasuot sayo eh"

"s-sge" tumango lang siya bilang tugon. Makalipas ang ilang minuto ay napagdesisyunan ko nang lumabas ng silid niya suot suot ang damit na binigay niya sa akin. Sa totoo lang, hindi ako komportable dito sa suot ko dahil sa amin, palagi akong nakapang-prinsesang kasuotan.

"o! Ok naman pala sayo yang damit eh"

"o-oo nga" pilit kong pagsang-ayon kahit gusto ko nang magreklamo sa suot ko. Paano ba naman, ang laki-laki parang kanya ata ito eh!

"umupo ka na. May pag-uusapan tayo"

"ano yun?"

"about one-year love contract"

"ano?"

"hays! Bobo! Basta kontrata"

"ay ewan!"

LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon