JOSHUA'S POV
"HOY BALIW! GUMISING KA NA NGA! ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS NA?!" nakakainis talaga itong baliw na ito.Kanina ko pa siya ginigising pero tignan mo at tulog mantika parin. Kapag ako talaga na-late malilintikan sa akin ito.
"hmmm..." ungol niya.
Nakakairita talaga ito kahit kailan. >.< Ano kayang pwede kong gawin magising lang ito? Lahat na ng pwedeng sabihin nasabi ko na eh! Until an evil smile flashes on my lips.
"MAY SSSSUUUUUNNNNOOOGGGG!!!!"
"NASAN ANG SUNOG? NAS- ARAY!" sigaw niya at hindi niya napansin na nahulog na pala siya sa kama niya.
"PFFFT! BWAHAHAHAHAHA!!! Naistorbo ba kita sa walang kwenta mong panaginip? HAHAHAHA tignan mo natumba ka pa riyan sa kama. HAHAHA! ang bilis mo talaga pagdating sa kamalasan no?"
"BAKIT MO BA AKO GINIGISING?!" Aba! may gana pa itong sumigaw ah!
"EH KASI PO NGAYON NA ANG ARAW NG PASOK NATIN AT MALE-LATE NA PO TAYO!" sigaw ko rin sa kanya.
"huh? Sino bang maysabing papasok ako? Ayoko nga!" sabi niya sabay talukbong ng kumot.
"h-hoy! Diba pumayag ka na kagabi? Kailangan mong pumasok kasi ngayon na natin sisimulan yung love contract tsaka napuslit ka lang namin ng kaibigan ko kaya bumangon ka na diyan"
"wala akong pakialam. Kung gusto mong pumasok, ikaw nalang" bagot niyang sagot.
Kaya naman...
"HAHAHAHAHAHAHAHA!!! T-TAMA NA. HAHAAHAHAHA!!!" hagalpak niya.Paano ba naman? kiniliti ko lang naman siya nang kiniliti kaya siguro ganun. HEHEHEHE!!!
"hindi ako titigil hangga't hindi ka pumapayag pumasok. HAHAHAHA!!!Ang pangit na ng mukha mo Ynna" halos mahulog na kami parehas sa kama habang kinikili ko siya. Ang likot eh.
"T-TEKA! HAHAHAHAHAHA. OO NA PAPASOK NA PO KAMAHALAN. BI-HAHAHAHA BITAWAN MO NA AKO!" Napagod na rin ako kaya pinakawalan ko na siya. Parang hayop lang no? BWAHAHAHAHA.
"sige hintayin nalang kita sa baba"
"sige."
"teka lang!"
"bakit?" tanong niya.
"huwag mo sanang kalimutang magsipilyo. Kasi nangangamoy na. HAHAHAHA" sabay sara ko agad ng pinto.
"KAINIS KA TALAGANG BAKLA KA!"
AHLYINNA'S POV
Nandito na kami sa kotse ni Joshie at kinakabahan ako. Ito palang kasi ang unang beses na papasok ako sa eskwelahan para mag-aral at may isa pa akong bagay na labis na ikinababahala, ang makita ako ng mga katiwala at kawal ng aking ama. Nasabi ko na bang malapit sa eskwelahan ni Joshie ang kaharian naming mga pangkaraniwan? Kung hindi pa, ngayon alam niyo na. Kaya delikado ako at kailangan kong mag-ingat nang mabuti.
"Nakabisado mo na ba yung tinuro ko sayo kanina?" tanong ni Joshie habang nagmamaneho
"o-oo! ehem! A pleasant day to all of you. I'm Ahlyinna Buenaventure and it's very nice to meetyou all" t-teka, nagawa ko? Walang mali? Hindi ako nautal o nabulol? Ang galing ko talaga! Hindi ako natulog magdamag makabisado ko lang ito. Ano Joshie, sinong tinutukoy mong hindi matalino? ^_^
"magaling ka rin palang mag-memorize kaso mahina parin ang utak mo."
"namumuri ka ba o nang-iinsulto?"
BINABASA MO ANG
LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)
Teen Fictionthis is my first time to make a story so I hope you all like it and please support this as well hehehe kamsahamnida!