JOSHUA'S POV
Nandito ako ngayon sa isang sikat na fancy restaurant para i- celebrate ang anniversary namin ni Hillary. Magdadalawang taon na kami kaya sobrang mahal ko na talaga siya at alam ko, siya na talaga ang forever ko
"30 minutes late na siya ah, asan na kaya yun?"
"hi Josh!"
"anong ginagawa mo rito Tiffany?"
"bakit honey bawal na ba akong pumunta rito? Ikaw na ba ang bagong may-ari ng restaurant?" malanding sabi niya.
"pwede ba kung wala ka ng ibang sasabihin ay umalis ka na nga lang!"
"hindi ako aalis dito Josh"sabi niya sabay upo sa lap ko.
"Tiffany let me go" matigas na sabi ko.
"NO! Alam kong mamahalin mo rin ako Josh. Kaya please, give me a chance" nagulat ako sa ginawa niya. Hinalikan niya ako sa harap ni Hillary.
Sa sobrang galit ko ay naitulak ko siya nang malakas kaya natumba siya sa pagkakaupo sa lap ko.
"Hillary...babe.. l-let me explain"
"wala ka nang dapat i-explain Joshua because the moment you are cheating to me, we're over" sabay alis niya.
"wait! Hillary you can't do this to me please!" sabi ko habang hinahabol siya pero huli na dahil bago pa ako makalabas ng pintuan ay nakasakay na siya sa taxi.
"I promise that I'll do everything to bring Hillary back to me. Everything!"
AHLYINNA'S POV
"mahal na prinsesa ikaw nalang po ang hinihintay sa labas" wika ng alalay.
"sige. Susunod na ako" walang ganang sagot ko.
Nang makalabas na ako ay maraming malalaki at makapangyarihang nilalang ang aking nasisilayan. May mga aswang, engkanto, bampira at iba pang pangkaraniwan ang naririto kabilang na ang aking ama't ina.
"magsitahimik kayong lahat" utos ng aking ama na agad namang sinunod.
"alam kong lahat kayo ay wala pang ka ide- ideya kung bakit mayroong nagaganap na salu-salo ngayon kaya masaya kong ibinabalita sa inyo na ang anak kong si prinsesa Ahlyinna ay magiging kabiyak na ng anak ng pinakamatalik kong kaibigan. Ito ay si prinsepe Calix. Gaganapin ang kanilang kasal sa darating na ika-labing walo nilang kaarawan kaya humayo't magsipugay"
"WHOOOO!!!" sigaw nila
"mabuhay ang prinsesa Ahlyinna at prinsipe Calix"
"mabuhay"
Wala akong ginawa kundi bumati sa mga bisita at magpanggap na masaya hanggang sa napagpasyahan kong maglakad-lakad muna.
JOSHUA'S POV
"hindi ako 'hik' papayag na mawala sakin si Hillary 'hik' mahal na mahal 'hik' ko siya" pasuray-suray kong sabi.
Hindi ko na alam kung saan na ako napadpad pero wala na akong pakialam don. Bakit ayaw niya akong pakinggan? Ganun nalang ba kadaling bitawan ang relasyong matagal naming iningatan? Babalik na sana ako nang may mapansin akong babaeng nakatingin sa akin kaya agad ko siyang nilapitan.
AHLYINNA'S POV
Nandito ako malapit sa kakahuyan nang may mapansin akong lalaking pasuray-suray na naglalakad sa daan. Base sa nakikita ko ay sobrang hinanakit ang nararamdaman niya dahil na rin sa malungkot nitong mukha. Tatalikod na sana siya ng mapansin kong lumingon siya sa kinaroroonan ko at nagtama ang aming mga mata. Lalapitan na sana niya ako ng bigla siyang.....
~BOOGHS!~
Mabangga ng isang malaking sasakyan.
BINABASA MO ANG
LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)
Fiksi Remajathis is my first time to make a story so I hope you all like it and please support this as well hehehe kamsahamnida!