CHAPTER 32- the party

59 2 0
                                    

HILLARY'S POV

We're on our way to Joshua's condo for giving an invitation of our party that will be holding in our place. When we say the word 'we', it means 'plural' so expectedly, I am with someone. Tch! I hope you all know who's the person I am talking about.

"sigurado ka bang alam mo ang daan papunta roon?" but instead of giving me an answer, he just shows his annoying expression to me.

"bakit ba ang sungit sungit mo? Sabihin mo nga, may dalaw ka ba ngayon?" pero hindi pa rin siya sumagot at tuloy-tuloy lang ang pagmamaneho niya. Walang manners!

While scanning my phone, I tried to contact Joshua but he doesn't pick it up. Kailangan kong makasiguro kung talagang dadalhin ako nito kay Josh. Tandaan, mahirap magtiwala sa mga taong hindi mo pa lubusang kakilala kasi may posibilidad na sila pa pala mismo ang magdadala sa iyo sa kapahamakan. Napadako ang mata ko kay annoying guy. Paano kaya ito naging kaibigan nila Josh? Tsaka kung isa siya sa mga members ng the cool of coolest, it means magaling din itong sumayaw at alam ko na may school fest sa Monday so ibig sabihin...

"magpe-perform kayo sa Monday?" bigla siyang napalingon sa akin at wala pa atang 5 segundo ay ibinalik niya ulit ang tingin niya sa daan.

"sila lang hindi ako kasama" akala ko ay forever na talaga niya akong hindi iimikin pero nagulat nalang ako nang nagsalita siya.

"BAKIT NAMAN?!" nakakapagtaka naman kung nasali siya sa grupo ng mga taong talented pero talentless naman siya right? Nagpapatawa ba siya?

"wala ka ng pakialam dun" diretsahang saad niya.

"alam mo? Nakakadagdag ka talaga sa wrinkles ko. Akalain mong 19 years old palang ako pero may wrinkles na agad ako? Walang hiya kasi yung dermatologist ko! Utuin ba naman ako sa gamot niya? Tapos ako namang si uto-uto nagpapikot naman. Hay! Ikakamatay ko talaga kapag naging losyang ako"

"matanong ko lang, kaano-ano ka ba ni daddy? Oh my gosh! Don't tell me anak ka niya sa labas? So ibig sabihin step-brother kita?"

"nature mo na ba talagang hindi mamansin ng kapwa? Masama iyan. Ang bibig, nilikha ng diyos para gamitin hindi para ipang-display lang!"

"hoy! Ganyan ka ba talaga huh? Masungit since birth?" nagulat ako ng bigla niyang ihinto ang sasakyan na naging dahilan ng pagkakauntog ko.

"ARAY! Ano ba? May balak ka bang patayin ako?!"

"baba"

"ANO?!"

"ang ayoko sa lahat ay yung babaeng bungangera kaya makakababa ka na"

"WHOA! Ang kapal mo rin no? Naalala mo pa dati nung ginamot kita? Ang akala ko magiging mabait ka na sa akin at magpapasalamat pero mali pala ako. Lahat ba talaga kayo gusto niyong umalis na ako?! Si Joshua, pakiramdam ko ayaw na niya sa akin pero mahal na mahal ko pa rin siya at gagawin ko ang lahat bumalik lang siya sa akin. Yung mga kaibigan ko naman hindi ko na mahagilap kaya ewan ko ba kung naalala pa nila ako. Si mommy naman galit na galit sa akin kasi ako ang sinisisi niya sa pag-iwan sa amin ni daddy pero ngayon, sa isang iglap naging ok na ang lahat. Pagkatapos ikaw naman palagi mo nalang akong sinusungitan. Kung sabagay, may mga tao talagang hindi sanay makibagay sa hindi nila ka-uri. Diyan ka na nga!" alam kong kahit ikwento ko pa ang talambuhay ko ay wala pa rin siyang pakialam kaya mas mabuti pa sigurong lumayo nalang ako sa annoying guy na ito.

CALIX' POV

Hindi ko intensiyong sumama ang loob niya sa akin gusto ko lang talagang magpakatotoo sa kanya at sana mahalata niyang hindi ko talaga gusto ang mga babaeng tulad niya. Pero ewan ko ba at may nagtutulak sa aking sundan siya. Tinawagan ko nalang si Drake para imbitahan sila at pinasabi ko nalang na sabihan nalang niya si Joshua dahil sa magdidilim na rin. Hanggang sa makarating ako sa hindi pamilyar na lugar. Papasok na sana ako ng bigla akong mapaso.

LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon