CHAPTER 20- misunderstanding

98 3 2
                                    

Dahil mahal ko kayong lahat, here's the update ^_^

Enjoy reading!!!

Vote vote vote

AHLYNNA'S POV

Ang saya! May bago na akong kaibigan. ^_^

Habang naglalakad, napadpad ako sa isang lugar na punong-puno ng tao. At ang daming tindang mga pagkain.

"Nasaan na ba ako?"

"Nasa cafeteria ka binibini."

"Ay butiki ka!"

"Mukha na ba akong butiki? HAHAHAHA!!!"

"Sino ka?" Sino ba itong lalaking ito? Kilala ko ba siya? Pero ngayon ko palang siya nakita rito. Napakakisig niya. Tapos, ang pupungay pa ng mga mata. Ang tangkad niya at...at....at... ang bango bango pa!

"Tapos ka na bang obserbahan ang kagwapuhan ko?" sabi niya habang nakangisi at ngek!

"P-pasensya na." nakakahiya kasi sobrang lapit ko na pala sa kanya. :-O

"Ayos lang tsaka alam ko namang charismatic guy ako HEHEHE!!! By the way, ako nga pala si Drake."

"Drake? HEHEHE!!!Kinagagalak kong makilala ka." sabay yuko sa kanya na parang nagbibigay galang.

" Hoo!!!! Pakiramdam ko, nagkaroon ng time machine at nakarating ako sa panahon ng mga ninuno namin HAHAHAHA"

A-ah..HEHEHE!!!" nakitawa nalang ako kahit wala naman talagang nakakatawa.

"Teka! Ngayon palang kita nakita rito ah? Ano nga palang pangalan mo?"

DRAKE'S POV

Ang ganda naman nitong babaeng kausap ko kaya naman I grab my opportunity to know her name. Pero syempre, hindi parin ako nagpahalata na interesado ako sa kanya. Tsaka sure akong transferee ito. Alam ko kaya ang mga records ng lahat ng hotties dito sa campus >:)

"Teka! Ngayon palang kita nakita rito ah? Ano nga palang pangalan mo?" painosente kong tanong. Hehe malay mo maidagdag ko siya sa listahan ko. >:)

"Ahlyinna Buenaventura" ah... ang gan-

"ANO?! AHLYINNA BUENAVENTURA?!" Hindi na pala ako interesado sa kanya. Nagbago na ang isip ko. Ang malas naman o!L

"o-oo. B-bakit? M-may p-problema b-ba?" pfft! Yung mukha niya ganto na :-O HAHAHA!!!

"Alam mo bang matagal na kitang hinahanap?" at bigla kong hinawakan ang dalawang balikat niya.

"WAAHHHH!!! Ahlyinna bakit ngayon ka lang nagparamdam sa akin? Alam mo bang matagal na kitang iniibig?"

"Huh?" naguguluhang tanong niya.

"O Ahlyinna, aking sinisinta ako'y iyong hagkan" yayakapin ko na sana siya ng...

"Waaaaaahhhhhhh-Hmmm!" tch. Ang ingay niya.

"Bakit mo tinakpan yung bibig ko?!"

"Ang ingay mo kasi mamaya isipin pa nila na niri-rape kita."

"R-rape? Teka! S-sabihin mo nga sa akin, may sayad ka ba?"

"A-ano? Wala noh!"

"E-eh ano yung mga pinagsasasabi mo sa akin kanina?"

"Ah. Yun ba? Wala script ko lang yun sa roleplay namin. Ano? Magaling na ba akong umarte?"

"A-ah...Oo" nakangiwing sagot niya. Nasa state of shock pa siguro.

LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon