HERE'S THE UPDATE ♥
AHLYINNA'S POV
"we're going on a date"
Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin yung sinabi ni Joshie. Tinatanong niyo ba kung bakit? Huwag kayong maingay ah? Ang totoo kasi niyan, hindi ko naintindihan yung sinabi niya. Bakit kaya ganito sa mundo ng mga mortal. Ang dami nilang mga salita na hindi ko maintindihan at bago lang ang mga iyon sa aking pandinig. Hayaan mo na nga! Ayoko nang tanungin si Joshie tungkol sa sinabi niya kasi baka mamaya, mabatukan nanaman ako. Kaya eto ako ngayon, nagpapahila sa kanya.
Maya maya, napahinto kami sa isang lugar.
"ang ganda!" base sa nakikita ko, ang daming batang nagtatakbuhan kasama ang kanilang ama't ina habang yung iba naman ay kumakain ng mga pagkaing hindi pamilyar sa aking paningin. Teka? Ano yung mga bagay na sinasakyan ng mga mortal tapos biglang umaandar? Maririnig mo rin yung mga sigawan at tawanan nila. Pwede kaya akong sumakay don?
"buti nagustuhan mo rito. Tara na!" papasok na sana kami sa isang malaking pintuan ng bigla nalang akong mapayakap kay Joshie at mariing pinikit ang aking mga mata.
"hoy baliw! Ano nanaman ba? Huwag ka na ngang umarte riyan!"
"J-Joshie uwi nalang tayo. Ayoko na rito" Nanginginig kong sagot.
"ano?! Nababaliw ka na ba? Ay oo nga pala matagal ka nang baliw pero bakit ba ayaw mong pumasok sa loob?"
"k-kasi nakakatakot yun! Ay ayan na lalapit na siya sa atin. Ayoko na talaga rito. HUHUHUHUHUHU!!!" aalis na sana ako ng bigla akong hilahin ni Joshie pabalik sa kanya. At sa sobrang lakas ng pagkakahila niya ay nagkaroon ng distansya ang aming mga mukha na halos sobrang lapit lang ng pagitan.
"mascot lang yun baliw" sabay pitik niya ng noo ko.
"aray! J-Joshie..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng lalo niya pang ilapit ang mukha niya sa akin at seryoso itong tumingin.
"huwag kang matakot kasi kasama mo ako. Matakot ka kapag nawala ako sayo. At palagi mong tatandaan na kahit kailan, hinding hindi ako aalis sa tabi mo. So you should be thankful for that" ewan ko ba pero bigla nalang akong napangiti sa sinabi niya. Ngayon, dapat ko nang sanaying hindi matakot kasi alam kong nandito si Joshie na handa akong protektahan ano man ang mangyari.
"salamat Joshie" hindi ko alam pero pakiramdam ko, biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ng bigla kong makita si Joshie na nakangiti. Yung totoong ngiti.
"YES! PANALO AKO YAHOO!" ano raw? At bigla siyang may kinuha sa bulsa niya.
"hoy Drake! Paano ba yan panalo ako. Oo nagblush si baliw! Bakit ba ayaw mong maniwala?! O siya sige" at bigla itong tumingin sa akin.
"baliw ngiti nga"
"ano?"
BINABASA MO ANG
LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)
Novela Juvenilthis is my first time to make a story so I hope you all like it and please support this as well hehehe kamsahamnida!