CHAPTER 24- so irritating!!!

64 2 0
                                    

AHLYINNA'S POV

Tumakbo ako papunta sa palikuran nang mabunggo ko ang isang babaeng naglalakad papunta sa aking harapan.

~BOOGHHSS!~

"nakuǃ Paumanhin hindi ko talaga sinasadyaǃ" wala na akong panahon para magpaliwanag pa sa kanya kaya pagkatapos kong sabihin iyan ay dali-dali na akong lumayo.

"And where do you think you are bitch?ǃ" nagulat ako nang hilahin niya ang mahaba kong buhok mula sa aking likuran kaya nakaladkad niya ako pabalik sa kanya.

"a-arayǃ" wala akong lakas para labanan siya dahil sobrang nasusuka na talaga ako. Kailangan ko nang makaalis dito bago pa may mangyaring hindi maganda.

"sa tingin mo sa ginawa mo sa akin ay papalampasin ko na lang yun ng ganun-ganun nalang? HA-HA! IN YOUR DREAMS GIRLǃ Well, ngayon palang kita nakita rito kaya siguradong hindi mo pa ako kilala"

"hindi ko naman sinasadya yung nangyari kanina kaya wala akong kasalanan at kung maaari ay bitawan mo na ang buhok ko" sabi ko habang nakangiwi.

"paano kung sabihin kong ayoko? Tsaka lookǃ Everyone is watching the exciting scene here kaya I'm sure, they will gonna enjoy it. HAHAHAHAǃ"

Nakita kong marami nang nanunuod sa amin ngayon kaya lalo akong nakaramdam ng kaba.

"kung sino ka man, makinig ka sana. Pabayaan mo na akong umalis kung ayaw mong mapahiya sa kanila"

"wowǃ Are you threatening me? Ohǃ I'm so scaredǃ Alam mo bang first time ko palang makakilala ng isang babaeng maglalakas loob to mess up with me?ǃ Huh?ǃ So let me remind this to you, mali ka ng babaeng binangga mo dahil a-"

~BLUAH!~

"YUCKǃǃǃǃǃǃ" wala siyang nagawa kundi bitawan ang buhok ko. Nagtatatalon siya habang sinasabi niya yan. Bakit ba kasi hindi siya nakikinig sa akin? Yan tuloy napala niya.

"HAHAHAHAHAHAǃǃǃ" narinig ko ang tawanan ng mga tao sa paligid pero nakaramdam ako ng matinding takot sa talim ng tingin ng babaeng nasa harapan ko ngayon.

"YAHǃ HOW DARE YOU TO DO THIS TO ME?ǃBa-BAKIT MO AKO SINUKAHAN?ǃ" at mas nagulat ako ng bigla siyang hinimatay.

"si Tiffany nahimatayǃ" sigaw nila at sa sobrang pagkabigla ay hindi ko na rin napansin na nawalan na rin pala ako ng malay.

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa paligid.

"ano bang nangyari sa kanya?"

"ewan ko rin. Basta nakita ko nalang siyang nakabulagta sa corridor kaya binuhat ko na siya papunta rito sa clinic"

"bakit hindi mo inalam? Kasalanan mo ito ehǃ"

"bakit ba ako ang sinisisi mo? Eh sa nataranta na rin ako. Hindi ko na nga ininda yung paghawak ng mga fans sa abs ko ehǃ"

"napahamak na nga si Ahlyinna yan parin ang iniisip mo! Wala ka talagang kwentaǃ"

"kasalanan ko ba kung sobrang gwapo ko?"

"sana magising na si Ahlyinna"

"pahamak talaga itong baliw na ito"

"pwede bang manahimik muna kayo?"

LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon