AHLYINNA'S POV
Dalawang taon na ang lumipas. Bukas na ang aking kaarawan at bukas na rin magaganap ang isang sumpa na magtatali sa akin sa habang buhay. Hindi ko kaya. Hindi ko iniibig si prinsipe Calix. Ang alam ko, masama itong lalaki, ganib at makasarili. Kaya ayoko sa kanya pero ano bang magagawa ko? Iyon ang nakasulat sa propesiya. Iyon ang nakatakda.
"WAAHHHH!!!!" sigaw ko upang maibsan ang galit at lungkot na nararamdaman ko ngayon.
"ano ba? Ang aga-aga sigaw ka nang sigaw. Alam mo bang may natutulog na tao rito?" sabi ng lalaki na nasa itaas pala ng puno.
JOSHUA'S POV
Dalawang taon na ang nakakalipas simula nang maaksidente ako ng sasakyan. Pero hindi ko pa nasisiguro na okay na nga ang pakiramdam ko.
"ano ba? Ang aga-aga sigaw ka ng sigaw alam mo bang may natutulog na tao rito?" naiinis na sabi ko sa umistorbo ng tulog ko.
"..........."
"ano ba? Hindi ka ba magsasalita riyan?"
".............."
"ANO?!" sigaw ko
"h-hindi ko n-naman a-alam na m-may t-tao sa taas ng puno eh" uutal- utal niyang sagot.
"sa susunod kasi dapat marunong ka ring tumingin sa paligid mo. Feeling mo ikaw lang ang nag-iisang tao sa mundo"
"hindi ako tao. Aalis na ako" tatalikod na sana siya ng bigla kong hawakan ang braso niya.
"ano bang pinagsasasabi mong hindi ka tao? Kalalabas mo lang ba ng mental hospital ha? Ano? Hindi ka lang ba magso-sorry?"
"s-sorry?" aba, talagang nagmamaang-maangan pa siya ah?
"hindi ka lang pala baliw bobo ka rin. Sorry, paghingi ng tawad o ano gets mo na?"
"bakit naman ako manghihingi ng tawad sa iyo?"
" hays! Hoy babae! Alam mo bang inistorbo mo yung tulog ko? Napanaginipan ko na nga si Hi-"
"tawad? Hindi ako marunong humingi ng tawad" diretstahang sagot niya.
"aba..." hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.
"AAAAAARRRRRAAAAAYYYY!!!" sigaw ko.
Paano ba naman.Hawak-hawak ko yung kamay niya na parang nakaramdam ako ng sobrang init na para bang nagliliyab na apoy at kitang kita ko ang panlilisik ng mga mata niya. Pero hindi ako natakot no! ASA!
AHLYINNA'S POV
"buti nalang at natakasan ko ang pasaway na lalaking iyon kundi baka may nakahuli na sa akin"
Napatingin ako sa mga palad ko ng may halong pagtataka.
"anong nangyari sa akin? Bakit nakaramdam ako ng init sa aking mga palad at parang nadama ko rin ang panlilisik ng aking mga mata?"
-SA KAHARIAN-
ISABEL'S POV
Kanina ko pa hinahanap sa mga silid ang aking anak na si Ahlyinna ngunit ilang beses na akong nabibigo.
"ano na Isabel nahanap mo na ba ang prinsesa?"
"ipagpatawad mo mahal kong asawa ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin siya natatagpuan"
"pasaway na bata. Alam niyang kailangang maging abala ng lahat at kailangan niya na ring paghandaan ang nalalapit nilang kasal ni prinsepe Calix bukas pero tignan mo at puro lakwatsa parin ang inaatupag."
"pagpasensyahan mo na ang iyong anak Volteir. Marahil ay hanggang ngayon, hindi parin siya handang magpakasal."
"ngunit hanggang kailan pa siya magiging handa Isabel? Kapag iniwan na natin siya?"
"Volteir sa tingin ko ay hindi iniibig ng prinsesa si prinsepe Calix."
"alam ko. Ngunit kailangan nating sundin ang nakasulat sa propesiya"
"pero Volteir..."
"wala ng pero peroIsabel dahil sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan niyang maikasal kay prinsepe Calix at wala nang makakapigil sa akin don"
At dahil dun, isang malalim na buntong hininga na lamang ang aking nagawa.

BINABASA MO ANG
LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)
Teen Fictionthis is my first time to make a story so I hope you all like it and please support this as well hehehe kamsahamnida!