CHAPTER 22- sweet-sweetan

108 2 0
                                    

AHLYINNA'S POV

"Joshie saan ba tayo pupunta?'' sabi ko habang hatak-hatak ako netong lalaking ito.

''bastaǃ Tumahimik ka nga riyan. Baka marinig ka ng mga estudyante rito'' Oo nga pala. Nalaman ko na sikat pala talaga sila rito kaya dapat mag-ingat sila kasi baka kuyugin din siya katulad nalang ng gagawin nila dapat kay prinsepe Calix. Pagkatapos ng nakakahingal na pagtakbo ay tumigil kami sa isang pinto.

"Nandito na tayo. Taraǃ'' pagbukas niya ng pinto, pumasok agad siya kaya pumasok din ako pero agad ding lumabas.

''bakit?'' iritadong tanong niya.

''ayokong pumasok. Pakiramdam ko kasi nakapunta ako sa linip.''

''linip?''

''oo. Yun yung lugar na sobrang lamig tapos maraming halimaw sa loob.''

''pfft..HAHAHAHAHA!!!Hindi ko alam kung anong linip ang sinasabi mo pero totoo, malamig nga sa loob kasi air-conditioned sya at halimaw? Oo dalawa meron HAHAHAHAHA''

''tamoǃ Kaya ayoko talagang pumasok sa loob'' tatakbo na sana ako palayo ng bigla niyang hatakin ang kamay ko.

''at saan ka naman pupunta aber? Huwag kang mag-alala yung mga halimaw sa loob hindi nangangagat''

''hindi ako naniniwala sayoǃ Siguro kaya mo ako dinala rito para ipakain sa mga halimaw? WAAAHHHHǃ ang sama moǃ'' sabi ko habang hinahampas siya.

''arayǃ Kahit kailan ang brutal mo talagaǃ Halika na kasi.Ipapakilala ko lang sila sayo tapos aalis na tayo'' sabi niya habang pinipilit akong ipasok sa loob.

''ayoko ngaǃ Bitawan mo nga ako Joshie. Ano ba, sabi nang ayoko-''

''HAHAHAHAHAHAHAǃǃǃ'' nagulat nalang ako nang makarinig ako ng sobrang lakas na tawa. Paano ba namanǃ Binuhat nga ako ni Joshie pero buhat akala mo patapon kang gamitǃ Kaya ayun, pinaghahampas ko.

''ang bigat moǃ'' maktol niya

''bakit?ǃSinabi ko bang buhatin mo ako? Ha?ǃ''

''WOAH! So ganyang tipo na pala ng babae ang pinalit mo kay Hillary. Amasona pero mukhang Barbie doll. I mean, yung Barbie doll na old fashion HAHAHAHAHA!!!''

''HAHAHAHAǃ Tama ka riyan. Ewan ko nga ba kung bakit ko naging girlfriend itong babaeng ito. Siguro ginayuma ako HAHAHAHAǃ'' isa pa itong si Joshieǃ Pinagtutulungan nila ako ni Drake at ang dalawang loko, nag-apir pa. Nakakainis talaga silang dalawaǃǃ

''HAHAHAHAHAǃ'' tumigil sila sa tawanan nila nang mapansin nilang bigla akong tumawa. May naalala lang kasi ako.

''o baliw, bakit ka naman tumatawa? May nakakatawa ba sa kagwapuhan naming dalawa?'' sabi nitong lalaking ito. Ang yabang talagaǃǃǃ

''ang totoo niyan, wala naman talagang nakakatawa sa pagmumukha niyo, pero ditoǃ'' sabay kuha ng litrato sa bulsa ko.

''sobrang nakakatawa BWAHAHAHAHAǃǃǃ'' ang larawan na kinuha ko ay ang larawan ni Joshie nung bata pa siya. Kung itatanong niyo kung anong itsura niya ay ganitoǃ Mukha siyang babae kasi naka bestida siyang puti at nakapusod ang mahabang buhok. Sabi sa akin ni Drake, nung bata pa raw si joshie ay hilig na ng kanyang ina na bihisan ito ng pambabae kaya ayunǃ Dati, ang buhok niya ay pinahaba rin para mapusudan. Kinuwento sa akin ni Drake iyan bago ako awayin ni Joshie.

LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon