CHAPTER 35- consequences (PART 1)

59 1 0
                                    

AHLYINNA'S POV

Nagising ako ng may ngiti sa aking mga labi. Hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kagabi. Dahil dun ko lang naramdaman kung gaano ba namin talaga kamahal ang isa't isa.

"MAY SUNOG!!!!" bigla naman nahinto ang pagbabalik-tanaw ko nang may sumigaw sa ibaba kaya nataranta ako. Halos madapa na ako nang malamang may sunog pero pagkababa ko, naisip kong mas gusto kong sunugin ang lalaking nasa harapan ko.

"SURPRISE! HAHAHAHAHA!!!" wala sa oras na naibato ko sa kanya ang tsinelas na kanina ay suot ko.

"ouch! Ang sakit nun ah! Hindi ka ba natuwa sa ginawa ko?"

"natuwa? Oo tuwang tuwa ako Joshie. Sa sobrang tuwa ko, gustong gusto na talaga kitang sunugin ngayon na mismo sa harapan ko" siya pa ang may ganang magtanong kung natutuwa ako. Ipakain ko kaya ito sa kaibagan kong aswang? HEHEHE pero joke lang yun! ^_^

"HAHAHAHAHA!!! Edi na surprise nga kita! Tsaka hindi mo ba natatandaan? Yun yung sinabi mo dati nung ginigising kita kaya ngayon, sinusubukan ko kung mapapagising ulit kita"

"akala ko totoo na. Pinakaba mo naman ako"

"halika"

"bakit?"

"may ipapakita ako sayo" sabi niya nang nakangiti.

Napansin kong dinala ako ni Joshie sa isang lugar na sobrang daming bulaklak at puno. Pero mas natuwa ako sa isang bagay na natatanaw ko rito. Hindi! Marami sila ^__^.

"mga paru-paro" para akong bata habang pinagmamasdan ang mga paru-paro na nakapaligid sa mga puno at bulaklak. Nakakatuwa silang pagmasdan.

"nagustuhan mo ba?" tanong niya habang yakap-yakap ako mula sa likod. Imbes mailang ako ay komportable pa ako dahil alam kong yakap yakap ako ng taong mahal na mahal ko.

"oo naman. Joshie ang gaganda nila. Salamat talaga" hindi ko man nakikita ang reaksyon niya pero nararamdaman kong nakangiti na siya sa mga oras na ito.

"pero mas maganda parin ang babaeng yakap-yakap ko. Ynna, ang tawag dito ay magic garden"

"m-magic g-garden? Ipaliwanag mo Joshie!" bago siya sumagot ay pinisil niya muna ang ilong ko. Ang sakit nun ah!

"HAHAHA!!! Magic garden siya kasi para sa akin, ang pagmamahalan nating dalawa ay parang isang magic na nagmula sa mga bagay na nakikita sa isang garden. Kung makikita mo ngayon, may mga paru-paro, halaman at bulaklak. Sa tatlong bagay na iyan, diyan nagsimula ang pagmamahalan nating dalawa.. Yung puno, natatandaan mo pa ba noong una tayong nagkita?"

"oo! Natutulog ka noon sa isang puno tapos nainis ako kasi pwesto ko ang punong iyon kaya dapat gigisingin kita pero nagising ka agad noong araw na iyon at sa sobrang pagkagulat ko sa pangyayari, tinakasan kita"

"HAHAHAHA!!! Edi ikaw na rin ang nag-expain. Ok. Pangalawa, yung paru-paro. Natatandaan mo pa ba yung sinabi sayo ni Drake?" napaisip naman ako. Sa kadaldalan ni Drake, hindi ko na maalala yung ibig ipahiwatig ni Joshie. Pero maya-maya, napangiti nalang ako ng biglang sumagi sa isip ko ang bagay na iyon.

"iyon yung araw na inaway ako ni Joshie pero ang totoong dahilan kaya ako binulungan ni Drake at tumawa ay nang malaman ko na si Joshie ay takot sa mga paru-paro"

"pero dahil sa mahal ko ang baliw na sobrang adik sa paru-paro, I tried my best to get rid the phobia I am taking ever since. Then one thing I have realized is that, that phobia does no longer exist on me. So I should be thankful to you"

LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon