VOLTEIR'S POV
"mahal na hari ipagpaumanhin ninyo. Hindi na po namin maramdaman ang pagtibok ng puso ng mahal na prinsesa kaya sa aming palagay ay nasa malayo na siyang lugar." sagot ng isang kawal.
"HINDI! Hindi niya pwedeng gawin sa akin ito" nagagalit ako sa prinsesa, sa aking kaisa-isang anak. Sa unang pagkakataon, sinuway niya ang utos ko. Ang pinakamahigpit kong kautusan, maging ng propesiya.
"uminahon ka mahal na hari" sabi ni Isabel na nakapagpalambot ng aking puso at napayakap nalang sa kanya.
"wala naman akong ibang hinangad kundi maiparanas sa kanya ang ginhawa at karangyaan ng buhay na natatamasa niya ngayon ngunit bakit niya pa rin ito ginawa sa atin? Sinuway niya ang utos ng sarili niyang ama. Masasabi ko na bang isa siyang suwail na anak?"
"marahil ay naguguluhan lang ang isipan ng ating anak, Volteir. Kaya huwag ka nang mag-alala dahil nasisiguro kong babalik din siya sa atin. Mag-hintay ka lang"
"hindi na ako makakapaghintay pa Isabel. Kailangan kong mahanap ang prinsesa bago pa mangyari ang nakasulat sa propesiya."
AHLYINNA'S POV
Nandito kami sa silid niya ngayon para pag-usapan ang tungkol sa kontrata na sinasabi ng lalaking ito.
"kailangan pa ba niyang kasunduan na iyan? Pwede bang bukas nalang inaantok na ako eh.~yawn~"
"syempre no! Ano yun titira ka nalang dito sa bahay ko ng walang kapalit? Siniswerte ka na ata nun!"
"o siya, tungkol saan ba iyan?"
"kailangan mong magpanggap na girlfriend ko sa loob ng isang taon" diretsahang sagot niya. Buti nakahinga pa siya? HEHEHEHE ^_^
"ahh.." nasagot ko nalang.
"t-teka, hindi ka ba magrereklamo? Ok lang yun sayo?" dapat ba akong magreklamo?
"ah-eh pwede bang magtanong?"
"ano yun?"
"a-ano..ang ibig sabihin ng g-girlf-friend?" nakayukong tanong ko.
"ANG BOBO MO TALAGANG BABAE NO! GIRLFRIEND, MAGSING-IROG NOBYA/NOBYO KASINTAHAN ANO PA BA? HAYS!!! SAAN KA BA NAPADPAD NA NILALANG KA, GALING KA BA SA NAKARAAN?" naiinis na sagot nito.
kasintahan........
kasintahan........
kasintahan........
kasintahan........
kasintahan........
kasintahan........
?????????????
"ANO?! kasintahan? Ayoko nga hindi naman kita iniibig kaya bakit naman ako papayag na maging kasintahan mo? Siguro may lihim na pagtingin ka sakin no?" pang-aasar ko.
"HAHAHAHAHA!!!! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. Ako? Si Paul Joshua Sebastian magkakagusto sa isang babaeng mas matalino pa ang isang kindergarden dahil sa sobrang kaliitan ng utak? Mukhang hindi naman tama yan. Pero libre rin namang mangarap" sabay ngisi ng loko.
Nakakaasar!! Pagdating talaga sa asaran siya lagi ang nananalo.
"heh! Basta ayoko! Ayoko! Ayoko!" taas-noo kong sagot.
"ok! Makakaalis ka na"
"ha?"
"get out! Umalis ka na chupi!"
Nakakainis naman itong lalaking ito! Sa rinami-rami pa ng taong makikilala ko bakit sa kanya pa ako bumagsak? Pero may magagawa pa ba ako? Kung aalis ako rito, saan naman ako pupunta? Hays! bahala na.
Aakyat na sana siya papunta sa kanyang silid ng makapagdesisyon na ako. Sana tama ang desisyong gagawin ko. :'(
"teka nga!" sabi ko at ang loko ngingiti-ngiti pa ng lumingon sa akin.
"yes mahal?"
mahal? KADIRI!
"pumapayag na ako pero ayokong malalaman-laman na nahuhulog na ang loob mo sa akin dahil sinasabi ko sayo, masasaktan ka lang" diretsahang sagot ko. Walang pag-aalinlangan! HUHUHUHU T^T
"ok then, deal. Pero ikaw ang kailangang mag-ingat dahil sa oras na mainlove ka sa akin,
ikaw ang MAS masasaktan" sabay alis niya. BLEH! :P HMP!
BINABASA MO ANG
LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)
Ficção Adolescentethis is my first time to make a story so I hope you all like it and please support this as well hehehe kamsahamnida!