AHLYINNA'S POV
Halos hating gabi na akong nakauwi kaya naman sobra na talaga ang pagod na nararamdaman ko siguro dahil na rin sa haba ng paglalakad.
"naku mahal na prinsesa bakit ngayon lang kayo dumating?" nag-aalalang tanong ni Beni.
"huwag ka nang mag-alala Beni. Nagliwaliw lang ako sa labas" sagot ko.
"hating gabi na pala ang oras ng pagliwaliw mo?" sabi ng isang boses.
"eh, ano bang pakialam mo?" naiinis kong tanong sa lalaking kaharap ko ngayon.
"may pakialam ako dahil bukas magiging asawa mo na ako" sagot niya.
"at sino namang may sabing magpapakasal ako sa isang tulad mo?" may paninindigan kong tanong.
"bakit mahal kong prinsesa may binabalak ka ba?" nabigla ako sa pagpapakita ng aking ama.
"mahal na a-ama... ano..."
"kung balak mong takasan ang kasal ninyo ni prinsepe Calix ay huwag mo nang ituloy dahil alam mong hindi ako makakapayag"
At dahil sa sinabi niya ay bigla nalang tumulo ang aking luha at napalakas na rin ang tono ng aking pananalita.
"AMA! ILANG ULIT KO BANG SASABIHIN SA INYO NA HINDI KO MAHAL IYANG PRINSEPE CALIX NA IYAN? HINDING HINDI AKO MAGPAPAKASAL NAIITINDIHAN NIYO BA IYON? AT WALA NA AKONG PAKIALAM SA NAKASULAT SA PROPESIYA DA-"
Mas ikinagulat ko ang sunod na nangyari.
~PAKK!~
"anong karapatan mong bastusin ang sarili mong ama sa harap ng kanyang kaharian?"
"mahal na hari uminahon ka" alo ng aking ina.
"hindi Isabel! Hindi ako makakapayag na harap harapan niya akong pinapahiya sa mga nandito"
"............" habang ako ay wala nang masabi at tanging pagtulo nalang ng aking luha ang nangingibabaw sakin ngayon. Hanggang sa nandilim ang aking mga paningin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"mahal na prinsesa gising na po"
"uhhmm.."
"mahal na prinsesa gumising na po kayo"
"uhmmm.."
"mahal na-"
"ANO BA?!"
"ipagpaumanhin niyo ngunit kailangan niyo na pong mabihisan para sa inyong kasal"
MAKALIPAS ANG ILANG ORAS
"ang ganda ganda mo anak" puri ng aking ina.
"maraming salamat ina" malamig kong sagot.
"halika na at baka mahuli ka pa roon"
"ah, ina may nakalimutan lang po akong kunin sa loob ng aking silid"
"o sige. Hintayin ka na lang namin dito sa baba kaya bilisan mo ha? At baka naiinip na si prinsepe Calix"
"sige ina. Mahal na mahal ko po kayo" bago ako umalis ay yinakap ko muna siya ng sobrang higpit. Sana maintindihan niya ang desisyong gagawin ko.
Kailangan kong makatakas dito pero paano? Ang daming bantay sa labas. Kailangan kong makaisip ng paraan. Isip...isip...isip..
"AHA!"
Isa lang ang naiisip kong paraan. Ang dumaan sa bintana sa likod ng aking silid. Karaniwan kong ginagawa ang paglabas sa bintana kapag hindi ako pinapayagan ni ama na magliwaliw sa labas at ang mas maganda pa nito, ako lang ang nakakaalam ng daan kaya siguradong ligtas ako at walang sino mang makakakita sa akin.
"hay sa wakas nakababa rin hoo! Kapagod!!!"
VOLTEIR'S POV
"Isabel sigurado ka bang nasa silid ang ating anak? Naiinip na ang mga panauhin"
"y-yun na nga ang alam ko eh. Pero pagpasok ko sa kanyang silid ay wala na siya roon"
"ANO?! HINDI! HINDI ITO MAAARI! HINDI AKO MAKAKAPAYAG! KAYO, HANAPIN NIYO SIYA BILIS!"
JOSHUA'S POV
Nandito ako sa park dito sa school campus. May kinuha lang kasi ako sa locker ko. Pauwi na sana ako ng...
"AHHH!!" tili ng isang babaeng nakabunggo ko.
"IKAW?!/IKAW?!" Sabay na sigaw naming dalawa.
"teka sinusundan mo ba ako?"
"ako? Bakit naman kita susundan?"
"baka kasi crush mo ako. Siguro stalker kita no?"
"ano ba iyang mga pinagsasasabi mo hindi kita maintindihan"
"ay oo nga pala. Bakit ba hindi ko agad naisip na BOBO pala itong kausap ko ngayon"
"oi! Oi! Hindi ako bobo no! Ako kaya ang pinakamatalino sa amin"
"sige nga kung matalino ka, ano ang tagalog ng stalker?"
"hindi ko alam. At tsaka ngayon ko palang narinig ang salitang yan kaya wag ka ngang madaya!"
"kita mo na! Bobo ka nga at tsaka hindi ako madaya no!"
Nakakabobo namang kausapin itong babaeng ito kaya dapat siguro umalis na ako.
"teka lang!" sabay hawak niya sa braso ko.
"ano nanaman ba iyon?" nakakairita na talaga siya! -_-
"sama ako"
BINABASA MO ANG
LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)
Teen Fictionthis is my first time to make a story so I hope you all like it and please support this as well hehehe kamsahamnida!