AHLYINNA'S POV
~"Ynna, bumalik ka na sakin. Please huwag mo na akong iwan. Mahal na mahal kita. Please Ynna dito ka lang. Ynna..Ynna..Ynna"~
"mahal na prinsesa Ahlyinna?"
?????
"mahal na prinsesa?"
?????
"mahal na prin-"
"HAAAAAA!!!!!"
"mahal na prinsesa ayos lang po ba kayo?" tarantang sambit ng alalay.
"Beni yung lalaki. Napanaginipan ko nanaman siya."
"huh? Eh ano po bang nangyari?"
"umiiyak siya. Nagmamakaawa na huwag ko raw siyang iwan. Beni naguguluhan na ako. Noong una, masaya siya sa panaginip ko ngayon naman umiiyak na siya. Sino ba talaga siya?"
"naku mahal na prinsesa huwag niyo na pong isipin iyan baka makasama lang iyan sa kalusuganninyo"
"tama ang alalay huwag kang masyadong mag-isip baka magkasakit ka pa niyan" sagot ng isang lalaki.
"mahal na ama!" dali dali ko itong niyakap na tila sabik na sabik.
"kamusta na ang prinsesa ko?"
"heto maganda parin HEHEHE!!!"
"pareho talaga kayo ng mahal mong ina" at binigyan niya ako ng matamis na ngiti.
"mahal na ama bakit kayo naparito?" hindi niya kasi ugaling magpunta sa aking silid lalo na't alam kong masyado siyang abala sa pamamalakad ng aming kaharian. Kaya lubusan akong nagagalak nang malamang nandito siya sa aking harapan.
"dahil may maganda akong ibabalita sa iyo. Naparito ako upang ipakilala sayo angmapapangasawa mo"
"huh? Mapapangasawa?"takang tanong ko
"o! Heto na pala siya. Mahal kong prinsesa, siya si prinsepe Calix ang anak ng pinakamatalik kong kaibigan"
"kamusta ka mahal na prinsesa ikinagagalak kong makilala ka" may paggalang na bati niya.
"HINDI!" galit na wika ko.
"mahal na ama hinding hindi ako magpapakasal sa nilalang na hindi ko naman iniibig"
"ngunit wala na tayong magagawa kundi sundin ang nakasulat sa propesiya"
"pero mahal na ama hin-"
"ipagpaumanhin mo mahal na prinsesa. Sa darating na ika-labing walo mong kaarawan ay kailangan mo nang maipakasal kay prinsepe calix at hindi ka na pwedeng tumutol dun." Pagkatapos niyang sabihin iyan ay umalis na siya kasama ang lalaking sinasabi niyang papakasalan ko.
JOSHUA'S POV
~Kring Kring~
"hello?"
(babe, what's up?)
"oh! Babe I'm doing good. How about you?"
(same as you babe. Before i forgot, may gagawin akong paper works kila Sydney. Eh over night kasi kami dun. So I suggest na huwag mo na akong sunduin sa school)
"if that's what you want then, it's okay with me"
(really? Thank you babe. Bye! I love you babe!)
"I love y-"
-TOOT TOOT-
"hays! Binaba agad. Tsk. Tsk. Masyado kasing focus sa studies. Nagmumukha tuloy nerd"
Nandito na ako sa parking lot at hihintayin ko sana rito si Hillary kaso ayun nauna na pala. I am about to open my car's door when someone catches my attention.
~SNIFF SNIFF~
"parang may umiiyak?"
Pagtingin ko sa wrist watch ko, exactly 8:00 na ng gabi. Naalala ko nanaman yung sinabi ng mga kaibigan ko na exactly 8 in the morning at evening ay may nagpapakita raw na 'white lady' pero hindi naman ako masyadong naniniwala dahil alam kong story fiction lang iyan.
AHLYINNA'S POV
~SNIFF SNIFF~
Nandito ako ngayon sa isang madilim na lugar na maraming iba't ibang uri ng sasakyan. Dito ako mahilig gumala kapag nababagot ako sa aming kaharian. Nakasanayan ko na alas otso maggala dahil para sakin, maganda ang simoy ng hangin. Nalulungkot ako sa ibinalita ng aking ama. Parang isang masamang bangungot ang pakasalan ang prinsepe Calix na iyan.
"hindi. Hindi maaari. Gagawa ako ng paraan huwag lamang mapakasal sa prinsepe Calix na iyan"
BINABASA MO ANG
LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)
Ficção Adolescentethis is my first time to make a story so I hope you all like it and please support this as well hehehe kamsahamnida!
