AHLYINNA'S POV
Nagugutom na ako. Nandito pa ako sa opisina ng ama ni Joshie. Ang pinagkaiba nga lang, siya nasa loob ako nandito sa labas nagtatago. Hindi ko kaya alam ang daan pauwi! :(
"Paano kaya nila nalaman na nandito ako?" kasi imposibleng pumunta sila rito kung wala naman silang motibo. Hindi kaya alam na nila na sa bahay ni Joshie ako ngayon nakatira? Kapag nangyari yun, hindi ako ang mapapahamak kundi si Joshie. Habang nag-iisip, napansin ko ang isang lalaking kanina pa nakatingin sa akin na ngayon ay nandito na sa tabi ko.
"hi miss" sabi niya.
"b-bakit?" Iba ang pakiramdam ko sa lalaking ito.
Nakakatakot naman ito. Parang masamang nilalang itong lalaking nasa harapan ko ngayon. Ang hahaba ng balbas niya sa mukha at ang dungis dungis pa.
"wala ka bang kasama miss? Gusto mo sumama ka nalang sa akin? BWAHAHAHA!!!"
T_T HUHUHUHU!!! Anong gagawin ko? Nakakatakot talaga siya. Tapos mukhang wala pang ibang tao rito sa pinagtataguan ko. Ano nang mangyayari sa akin ngayon?
"h-hindi na k-kailangan.S-sige maiwan na kita"
"teka lang miss" sabay hawak niya sa braso ko.
"a-ano ba! Bitawan mo nga ako" naiiyak na ako. Ayoko sa kanya. Gusto ko nang umalis dito. Joshie nasaan ka na ba?
"paano kung ayoko? HAHAHA!!! Halika na miss samahan mo muna ako pupunta lang tayo sa langit BWAHAHAHA!!!"
"baka gusto mong sa impyerno magpunta?"
JOSHUA'S POV
Habang naglalakad papunta sa parking lot, napansin kong may isang babaeng nakatayo malapit sa malaking puno at parang hinaharas pa siya ng isang lalaki. Teka, si Ynna ba yun?
"baka gusto mong sa impyerno magpunta?" tanong ko sa lalaking nakahawak sa braso ni Ynna.
"hoy bata! Ano bang pinagsasasabi mo riyan? HAHAHAHA!!! Impyerno? Ikaw ba si satanas?" eh siraulo pala itong lalaking ito eh!
~BOGGHSS!~
"hindi ako si satanas pero ako mismo ang magdadala sayo kay satanas siraulong lalaki ka kapag lumapit ka pa sa girlfriend ko. ALIS!!" mukhang natakot naman yung lalaki.
Iyon madapa-dapa pa siya habang umaalis.
"ano raw? Ako si satanas? Eh mas gwapo pa nga ako dun eh. Tsk. Tsk. teka, ok ka lang ba?"
AHLYINNA'S POV
"ano raw? Ako si satanas? Eh mas gwapo pa nga ako dun eh! Tsk. Tsk. teka, ok ka lang ba?" tanong niya
Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko maiiyak na ako sa sobrang takot na nararamdaman ko. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.
"s-salamat. Hindi ko talaga alam 'sniff' ang gagawin ko 'sniff' kung wala ka 'sniff' dito" maluha luha kong sabi habang nakayakap sa kanya pero...
~POINK!~
"ARAY! BAKIT MO BA AKO PALAGING BINABATUKAN?!"
"eh kasi namang baliw ka, bakit ka ba rito pumupunta kita mo na ngang walang katao tao tapos dito mo pa napagtripang tumambay. Paano nalang kung hindi ako dumating eh di baka nakarating ka na nga ng langit. Tsk. Tsk."
"langit? Malayo ba yun?"
"ang slow mo talaga kahit kailan. Teka! Akala ko ba alam mo ang daan pauwi? Tsaka diba masama ang pakiramdam mo? Bakit nandito ka pa?" sunod-sunod na tanong niya.

BINABASA MO ANG
LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)
Novela Juvenilthis is my first time to make a story so I hope you all like it and please support this as well hehehe kamsahamnida!