AHLYINNA'S POV
~WUSHHU! KRUUGGG!~
Ang lamig naman dito. Kanina pa ako nandito at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nanghihina ako. Hindi ko na kaya at pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng-
"hoy! Babaeng suot-suot ang t-shirt kong malaki!" sigaw ng lalaki
"a-ako ba yung tinatawag niya?" bulong ko sa sarili.
Gusto ko siyang makita pero hindi ko maigalaw ang sarili ko gayun din ang mga mata ko. Pero isa lang ang alam ko. Yung lalaki, siya ang may dahilan ng lahat ng ito.
JOSHUA'S POV
Nakakainis!!! Sa kabila ng ginawa niya, hindi ko parin siya matiis. Guess what? Nandito ako ngayon sa kotse ko.Nililibot ang mga lugar kung saan man siya pwedeng magpunta. Ang gulo ko! Kahit anong pilit kong hindi hanapin siya, pinangungunahan parin ako ng konsensya. Oo, may konsensya naman ako kahit papaano. Kahit ganito ako, may pagka-good boy parin ako. Alam ko rin na nasaktan ko siya, kaya i'm here para pauwiin na siya dahil alam kong lumayas ito sa kanila.
Natigil ako sa pagmumuni- muni ng...
"hoy! Babaeng suot-suot ang t-shirt kong malaki!" oo. Nakita ko na siya na nakaupo sa may swing habang nakayuko at basang basa pa ng ulan.
"hoy, ano ba?! Hindi mo ba ako naririnig? Ok! Pasensya na kung nasigawan kita. Hindi ko naman intensyong pa-"
Nagulat ako ng bigla siyang bumagsak sa damuhan na agad ko namang sinalo.
"h-hoy ok ka lang ba? T-teka, ang init mo ah. Ui gumising ka nga" sabi ko habang yinuyugyog ang katawan niya. Ang saya lang dahil pareho na kaming basang basa ng ulan. Tch. Talaga namang babaeng ito! Pati ba naman pagsilong hindi niya rin alam kung paano? -_-
-SA CONDO-
"doc, ok na po ba siya?"
"ok na siya hijo, kailangan niya lang inumin yung mga gamot na binigay ko sayo para kahit papaano ay bumaba yung lagnat niya" sagot ng doktor.
"sige po, thank you po. Hatid ko na po kayo sa baba"
Iniwan ko na muna siya sa kwarto ko. Mukhang himbing na himbing ang tulog niya. Siguro dahil na rin ito sa sobrang pagod.
Habang naglalakad kami pababa...
"hijo, girlfriend mo ba yung babae?" tanong ng doktor na ito at halos mapatumba na ako sa hagdan habang bumababa kami ng sinabi niya iyon pero syempre pinigilan ko.
"h-hindi po. Hindi ko po siya girlfriend" tanggi ko.
"talaga? Naku pasensya na kung ganoon.Kung tignan mo kasi siya kanina ay mukhang alalang alala ka sa kanya at hindi ka pa mapakali. Pero maganda siya, bagay kayo"
Aistt!! Ang daldal naman ng doktor na ito ang sarap upakan eh!
"HE-HE k-kaibigan ko lang po yun" pagpipigil ko sa inis pero what?! Kaibigan? Nakakasuka! Wala akong kaibigang baliw.
Pagkaalis ng doktor, agad ko namang kinuha yung gamot at mainit na sabaw para ipainom sa kanya at pagkabukas ko ng pinto..
"WAAAHHHH! HUHUHUHU!! Ina!!!! may sakit po ako ngayon. Ang init init ko poWAAHHHH!!! HUHUHUHU!!!" Pumunta agad ako sa kanya nang magsalita siya. Ganito ba talaga kapag nagkakasakit? Lalong nababaliw? Tch!
"o-okay ka lang ba?" tanong ko
Napatingin siya sa akin sabay...
"WAAAHHHH!!! Ina huwag mo akong iiwan. Ina!!!" sigaw niya habang iyak nang iyak at yakap yakap ako nang mahigpit. Pasalamat siya at may sakit siya dahil kung hindi, naku!!! Sa nakikita ko ngayon, sobrang sama talaga ng pakiramdam niya. Napapaso na rin ako dahil sa init ng katawan niya. Yakap yakap niya pa rin ako habang umiiyak na parang isang bata. First time kong mag-alaga ng may sakit. At first time kong makakita ng babaeng umiiyak ng dahil sa akin.
"Hush! Tahan na. Huwag kang mag-alala, hindi kita iiwan. Magpagaling ka dahil pinapabalik na kita rito sa bahay ko. Sorry for the thing happened last time. This night I will be your pain reliever because I'm here... for you" comfort ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kaya nasabi ko ang mga bagay na iyan.Basta ang alam ko, kailangan niya ako ngayon. And I'm willing to protect and to care her even if she recognized me as her mother.
Pinakain ko siya. Sinuka niya. Yinakap ko siya. Sinipa niya ako. Kinantahan ko siya, sigaw siya nang sigaw. Ginawa niya akong kumot, panyo, at sukahan. Naiinis ako? Sino ba naman ang hindi? Pero sa kabila nito, hindi ko parin magawang magalit sa kanya lalo na nang marinig ko ang salitang:
"Salamat"
Time check: 2:04 am
Maya-maya, nakatulog na rin siya sa sobrang pag-iyak. Mukhang nahimasmasan na. Habang ako, hindi ko namamalayan na nakatulog na rin pala sa tabi niya nangmagkahawak ang aming mga kamay.

BINABASA MO ANG
LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)
Teen Fictionthis is my first time to make a story so I hope you all like it and please support this as well hehehe kamsahamnida!