JOSHUA'S POV
"aww! Ang sakit HUHUHUHU!!! T^T" pasaway talaga itong baliw na ito. Ayaw magpapigil sa ginagawa niya.
"Ynna, sinabi ko naman kase na wag mo nang ipilit kung ayaw talaga sayo ng kusina" you see what I said right? Ginugulo ng baliw na ito ang kitchen ko. Kinilabutan tuloy ako bigla. Malay mo diba? Mangyari ulit yung dating nagtangka siyang magluto tapos muntikan nang magkasunog? Kaya todo talaga ang bantay ko rito.
"ayoko Joshie. Diba nga kaarawan mo ngayon? Kaya dapat lang na paglutuan kita. Kaya kung pwede ba? Tumahimik ka na nga lang diyan!" aba! Natututo rin palang magsungit ang mga baliw? HAHAHAHA ^_^
"diba natanggap ko na ang regalo ko? Ok na sa akin yun" Bigla naman niyang naihulog yung basong hawak niya kaya ang ending, sa paa ko bumagsak.
"ARAY!!!" nakita kong nataranta siya sa pag-sigaw ko. Kahit kailan talaga itong baliw na ito. =_=
"J-Joshie ayos ka lang ba? Bakit kasi hindi ka umiwas?"
"wow ah! Ako pa talaga ang sinisisi mo? Eh kung sayo ko kaya ihulog yung baso? Sa tingin mo ba matutuwa ka?"
"b-bakit mo pa kasi pinaalala yung regalo ko sayo? Tsaka ang daya mo! Isang halik lang yung binigay ko pero dinagdagan mo pa ng...ilan nga yun? Basta marami!"
"girlfriend naman kita kaya karapatan ko yun no! Tsaka bakit ka pa umaarte? Sa dami ng nagkakandarapang halikan ako swerte mo nalang kasi nag-iisa ka lang na pinili ko!" natulala naman siya sa sinabi ko. Parang nahiya ata kaya pinagpatuloy nalang niya yung ginagawa niya.
'SNIFF! SNIFF!'
Teka, umiiyak ba siya? Nasa likuran niya kasi ako kaya hindi ko nakikita ang mukha niya.
"Alam kong naging rude ako nung hinalikan kita but that's the only thing I can do to express my love for you. Kahit baliw ka, tandaan mong handa akong magpakabaliw maging match lang tayo" galing na sa puso ko yung sinabi ko pero hindi pa rin siya namamansin at tuloy pa rin sa paghikbi.
"kikiam ko wag ka nang umiyak please!" I decided to hug her from her back but...
"ANO BA JOSHIE WAG MO MUNA AKONG KULITIN PWEDE?! HUHUHUHU T^T"
"bakit ka ba kase umiiyak?" clueless kong tanong.
"eh kasi naman ito! Hinihiwa ko lang naman siya pero mukhang ako pa ang mas nasasaktan sa ginagawa ko sa kanya!" napabuntong hininga nalang ako nang mapansin ko ang sibuyas na hinihiwa niya nga, pero siya pa rin ang mukhang mas kaawa-awa.
"sibuyas kasi yan baliw. Tsk. Tsk. Tsaka bakit ka ba hiwa ng hiwa riyan? Ano ba talaga ang lulutuin ng mahal na prinsesa?"
"HEHEHEHE!!! Hindi ko rin alam eh" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Seryoso siya? Eh halos magdadalawang oras na kaya kami rito sa kitchen tapos yun ang isasagot niya? Hindi niya alam?! Malala na ito promise! Pero may naisip akong idea.
"let me handle this"
AHLYINNA'S POV
Kinuha niya ang kutsilyong hawak ko at tinulak niya ako ng marahan.
"Joshie diba ang sabi ko ako ang magluluto niyan? Kaya ko naman eh!"
"kaya mo nga pero alam mo ba ang lulutuin mo?"
"hindi" nakabusangot kong sagot. Tapos bigla-bigla nalang namimisil ng ilong?! Malala na siya. =_=
"see? Kaya riyan ka nalang sa salas. Manuod ka, kumain o kaya matulog.Ok lang, ako na ang tatapos nito" wala na akong nagawa kundi maglakad palayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
LOVE CONTRACT WITH THIS STUPID WHITE LADY (COMPLETED)
Genç Kurguthis is my first time to make a story so I hope you all like it and please support this as well hehehe kamsahamnida!