Someone's POV
Nakita ko lahat. Narinig ko. Ayoko nang ganito. Ayokong makitang nahihirapan siya.
"Argh!!" sigaw niya at binitawan ng husto yung string ng pana. Hindi ito tumama sa puno kaya siguro mas lalo siyang nagalit.
Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Punasan ang luha niya gaya nang dati kong ginagawa
Madaming 'bakit' ang naglalaro sa isip niya. Na minsan, siya mismo ang makakasagot sa sarili niyang tanong
"Ayoko na! Ayoko!" sigaw niya at binato yung pana. Napaupo siya at pinalo palo yung lawn
Napatingin ako sa langit. Makikiramay siya kay Khine. Malungkot din siya ngayon at iiyak din siya
"Ang daya nila!" sigaw niya pa at sakto na bumuhos na yung ulan. Umiyak siya at humagulgol. Gusto ko siya makasama at mayakap. Gusto ko na ako ang nagpapakalma sa kanya
Umiwas ako ng tingin. Ngayon lang.
Ngayon lang talaga
"Ledgas" bulong ko sa kanya bago ako naglaho. Tumigil siya sa pagiyak at tumingin tingin siya sa paligid niya
Tapos napahawak siya sa ulo niya sa sobrang sakit.
Dalawang araw nalang Khine, makikita mo na ako. At mawawala narin ang sakit na nadarama mo
Khine's POV
"Ledgas" tumigil ako at tumingin tingin sa paligid. Ledgas?
"Wag kang mag alala. Hindi ka na iiyak pag kasama mo ako. Ako si Ledgas Rehuby ang proprotekta sayo kaya tahan na"
"Pinky promise?"
"Pinky promise"
Napasigaw ako dahil sumakit bigla yung ulo ko. Sino yun? Sino yung mga batang yun?
May lumapit na guards sa akin. Tapos si.. "Jag.." na may hawak na payong. Papayungan pa ako eh kanina pa ako basa. Nakakatawa
Pinaalis niya yung mga guard at maids at kami na naman ang naiwan dito.
Napakakomplikado ng sitwasyon ko palagi
"Nilalagnat ka na" sabi niya. Hindi ko namalayan na dumampi yung kamay niya sa katawan ko.
Hindi niya nga iniisip ang sarili niya pero inaalala niya ang iba. Lalong tumibok yung puso ko nung ngumiti siya. Binitawan niya yung payong niya kaya nagulat ako, "Para pareho tayong magkakasakit" sabi niya
Hindi imposibleng may nagugustuhan siya at may nagkakagusto sa kanya.
....
"Nagkasakit ka nga!" sigaw nang isang lalaki. Tumawa siya pagkatapos. Ang aga niya, "Salamat naman at hindi nakakahawa ang sakit na 'Lazy Fever'" napangiti ako. Kahit kelan talaga.
Napahawak ako sa pisngi ko. Ramdam ko parin yung sampal ni mom sa akin. Kung hindi nila mahal ang isa't isa, bakit pa ako ipinanganak? Bakit ako? Bakit hinayaan nilang mangyari sa kanila to?
May nilapag siya sa side table ko at naamoy ko ang bacon kaya nawala lahat ng mga iniisip ko
"Jag... lumabas ka na." sabi ko nang hindi pa bumabangon
"May gagawin pa tayo" sabi niya. Parang nakapout pa siya eh
"Oo na po. Magbibihis na ako" sabi ko sa kanya. Ramdam ko na ngumiti siya
"Kumain ka at siguraduhin mo na susuklayan mo yang buhok mo." natatawa niyang sinabi. Imbes na magalit ako, napangiti pa ako lalo. Naalala ko tuloy yung pangalawang pagkikita namin noon na magulo ang buhok ko dahil kagigising ko lang nun
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
ParanormalWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?