"Khine! Gising ka na!" masayang bati ni mom at agad akong niyakap. Hinayaan ko siya pero umiwas lang ako ng tingin at hindi siya niyakap pabalik
Ewan ko lang... basta may naamoy ako na alak. Bumangon ako at tumingin tingin sa paligid. Si Ilecs, si Mon Mon, si Jag, si Dhine at si mom at dad ang nandito
Napatingin ako kay Jag. Malayo palang siya pero naamoy ko na uminom siya nang alak. Tapos si Ilecs, "Ilecs, naligo ka ba? Amoy chocolate ka parin. Maligo ka nga" sabi ko sa kanya. Sumimangot siya at inamoy pa yung damit niya.
"Naligo ako kagabi, Onee-chan. Tapos kaninang umaga rin. Hindi pa nga ako kumakain ng chocolate eh" sabi niya at parang paiyak narin. Bakit siya amoy...—
Napatingin ako kay Mon Mon. -_- Pabango ng babae. Sigh. Sa mismong kaarawan ko pa
"Ang weird mo, anak. May nangyari ba kagabi? Nag alala kami sayo" sabi ni dad pero umiwas lang ako ng tingin. Nag aalala daw.
Bakit nga ba ang lakas ng pang amoy ko?
Dahil ba ito kay Ledgas?
Dahil sa nangyari sa akin kagabi?
'Buti nga to tinulungan ako ni Ledgas para maalala ko ang lahat. Na naglalagay kayo ng maling gamot sa iniinom ko.' gusto kong isigaw sa mismong pagmumukha nila yung iniisip ko ngayon
"Kumain ka na, Khine. Kailangan mong--"
Tinapon ko agad yung pagkain na inaabot niya sa akin kanina kaya lahat nagulat sa ginawa ko.
Tumayo na ako sa kama at lalapit na sana si Mon Mon para alalayan ako pero pinigilan ko siya. Wala namang masakit sa akin. Wala namang nangyaring masama kagabi diba?
Lumuhod ako sa sahig at inamoy nang mabuti yung natapon na pagkain at tubig,. "Isang gamot na nakakapagpalimot sa alaala ng isang tao," sabi ko. Tumingin ako kay mom at dad na mukhang gulat sa narinig. Tumayo na ako at inayos ang sarili ko, "Bakit hindi niyo sabihin mom, dad? Tutal nandito si Jag na inaakalang nawalan na ako ng alaala pero hindi pala." sabi ko sa kanila
Nagulat si Jag. Pati si Mon Mon, Dhine at Ilecs. Alam ko na hindi sila kasali dito sa sitwasyong ito pero kailangan nilang malaman ang totoo
"Tama ka dad. May masakit na katotohanan. Masakit malaman na may nililihim kayo sa akin. Ako? Na anak ninyo?" hindi ko na mapigilan ang galit ko, "You took my childhood away from me! Para saan? Sa kasiyahan niyo? Sabihin niyo! Para saan!"
"P-paano mo n-nalaman--"
"Hindi na importante kung kanino o paano ko nalaman mom! Ang punto ko dito ay bakit niyo ako pinapainom ng gamot araw araw para hindi ko maalala kung ano man ang nagyari sa akin noon? Para saan? Para hindi ko maalala si Ledgas?! Yung prinsipe ko? Yung--"
"Khine pwede ba tama na!" napalingon ako sa sumigaw. Sa gawi niya, nakikita ko na si Dhine na umiiyak. Yung kapatid ko...
"P-pinapatigil mo ako? A-ang ibig sabihin..."
"Oo! May alam ako sa sitwasyon mo." umiwas siya ng tingin. Lumapit ako sa kanya at nanatiling nasa harap niya. Bakit niya nagawang ilihim, sa akin yung lahat!
*slap*
"Ang gago mo! Payag ka na hindi ko maalala yung nakaraan ko? Na hindi kita maalala?" kinilatis ko yung mukha niya, "Dwayne. " sabi ko sa kanya at napaangat naman siya ng tingin sa akin
Dwayne. Ang gusto niyang itawag ko sa kanya noong bata pa kami
"Ate.."
"Magkaibigan kayo ni Ledgas! Dahil lang sa pagmamahal niyo sa akin, nawala na ang pagkakaibigan niyo? Grow up!"
Pinagmatiwalaan ko lahat ng tao na nasa paligid ko pero may alam pala sila sa nangyayari sa akin? Alam nila na araw araw ay pinapakain nila ako ng isang bagay na patuloy lang ba kumakain ng ala ala ko.
"Ginusto ko yun para hindi mo siya maalala--"
*slap*
"Para hindi ko siya maalala? Paano ka?!" sigaw ko at naikuyom ko na yung kamao ko. Napapikit narin ako. Ano ba ang iniisip nila? Na tanga ako?! Na hindi ko na malalaman yung sikreto nila habang buhay?!
"Ate.. tama na. Magpahinga ka na--"
"Tumigil ka!" minulat ko ang mata ko at sumigaw... kay Dhine
Napaatras siya at napaupo siya. Umaatras pa siya nung pinilit akong lumapit sa kanya. Natatakot na siya sa akin. "A-ate.. yung m-mata mo." sabi niya kaya napalingon ako sa gilid ko. Nakita ko yung sarili ko sa salamin. Y-yung mata ko. Bakit... naging pula, "Hindi ikaw yung ate ko! Umalis ka sa katawan niya! Ate!!" sigaw niya na parang gusto niyang bumalik ako sa dati
Dhine..
"Pwede bang... isakay mo rin ako kay Ayn?"
Habang nakatingin ako sa salamin, nakita ko nalang na nawawala na yung pulang mata ko kaya lumapit na ako kay Dhine. Pipilitin kong maging normal para kay Dhine
Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ko yung balikat niya pero inalis niya yun. Nanginginig na siya sa takot. "A-ate Khine..." bulong niya. Si Dhine ang kahinaan ko. At kung ano man ang gawin nilang masama sa kanya, malalagot siya sa akin
Pero ako pa ang unang nakapag paiyak sa kanya. Ganito na ba ako kasamang kapatid?
"Khine?" tanong ni mom pero sinamaan ko siya nang tingin at napakapit nalang kay dad
"Dalhin niyo na si Dhine palabas." sabi ko sa kanila nang hindi man lang tumitingin sa kanila. Tumayo na ako at nagbigay nang daan para makuha na nila si Dhine.
"Hindi ka--"
Muli ko silang sinamaan ng tingin at nakita ko sa may salamin na nagiging pula na naman yung mata ko kaya pinikit ko nalang, "Umalis na kayo dito sa kwarto ko kung ayaw niyong may gawin akong masama sa inyo."
"Khine..."
"Ilecs.. pakiusap," bumuntong hinga ako, "Lumabas nalang kayo." sigaw ko kaya umiyak siya habang papaalis nang kwarto ko.
Sinara na nila yun at naiwan ako dito. Lumapit ako sa salamin at sinubukan na kalmahin yung sarili ko. Napatingin din ako sa kwintas na ibinigay ni Ledgas sa akin. Tinanggal ko yun at itinago lang sa drawer ko
Kumalma na ako kaya napag isipan kong magpahinga muna
Gusto ko hindi ko gusto ang binigay sa akin ni Ledgas. Ang masama lang kasi.. si Dhine. Takot na siya sa akin. Napapansin din ni dad kung ano ang nangyayari sa akin.
Humiga na ako sa kama. Maaga pa pero.. matutulog muna ako. Alam ko na hindi ito panaginip. Kahit sampalin ko pa ang sarili ko, ito ang katotohanan
Niloko ko ang sarili ko, niloko nila ako. Naglihim ako sa nangyari sa akin, nilihim nila ang nakaraan ko.
Ano bang problema nila? Ano ba ang problema nila kay Ledgas?
"Ayokong maalala niya pa ang lalaking yun! Ayokong maalala niya ang pangalan biya at mas lalong ayokong malaman niya na buhay pa siya!"
Ang ibig sabihin... nalaman nila na nawawala ang bangkay ni Ledgas.
Ang gulo..
At isa lang ang tao na nakakaalam ng lahat
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
ParanormaleWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?