Hindi ko alam kung sinong tao ang kakausapin ko tungkol sa mga tanong na hindi ko masagot. Habang tumatagal ay mas lalong wala akong naiintidhan sa sitwasyon ko
Dagdag pa sa pag aalala namin tungkol sa mga bampirang umaatake sa mga kaharian. Paano kung kami na ang susunod? Paano namin maproprotektahan ang limang kaharian na kasalukuyang nandito.
Sapat ba ang blessed bullet at.. at holy water para mawala sila? Paano kung si Ledgas nga ang mag pakana. Hindi ba pwedeng madaan nalang ito sa disenteng usapan? Makakayanan ko pang... patayin siya?
Mas lalo na akong kinakabahan bilog na buwan na naman bukas, at sasusunod na araw ay ang eclipse at blood moon na magaganap sa kinagabihan. Tatlong okasyon sa dalawang araw.
Nabalitaan namin na nasa siyudad na namin ang mga bampira. Mabuti nalang daw at dinasalan nila yung bahay na sobrang laki. Kung saan nandun ang mga tao namin. Sigurado ako na hindi makakapasok ang mga bampira doon. Pero hindi sabihin nun ay mawawala na ang takot namin para sa kaligtasan nila
"Tsk. Delikado na tayo" sabi ni Jag habang sumisilip sa kurtina. Pati kami dito sa palasyo, nakakulong na. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ngayon ni Ledgas. Kung bakit pati itong kaharian namin, kasama sa inaatake niya.
Alam naman niya na may isang bampira dito. Kung sana lang nandito siya, baka pwede ko pa siyang makausap
Nakakuyom yung kamao ni Jag habang nakatingin parin sa labas. Si Ilecs, nararamdaman ko rin ang takot niya habang nakakapit sa kamay ko.
"Tignan mo si Mr. Wolf. He's worried when you're worried" pangkakalma ko sa kanya. Kahit ako hindi makalma ang sarili ko. Pero iisipin ko muna ang iba.
Ngumiti si Ilecs at niyakap yung laruan niya. "I love you Mr. Wolf!" masayang banggit niya
*knock knock*
"Pasok!" sabi ni Mon Mon habang may lollipop sa bibig niya. Buti pa siya kalmado na parang wala siyang iniisip.
"Uhmmm..." napaangat ako ng tingin ng makita ko si Sunshine na halata yung takot sa mukha niya. Bigla nalang siyang tumakbo papunta sa akin at niyakap ako, "Natatakot ako" sabi niya. Ngayon ko lang nakita si Sunshine ng ganito. Ngayon lang siya lumapit sa akin. Niyakap ko siya pabalik. Ito lang ang magagawa ko
Tsk. Ano ba kasi ang ginagawa ni Ledgas? Hindi ba siya naawa sa mga tao?! "Okay lang—"
"Lumayo ka sa kanya" sabi ni Jag at hinawakan ng mahigpit yung braso ni Sunshine palayo sa yakap niya. Nakaramdam ako ng pagkahapdi sa likod ko at napansin ko nalang na nagdudugo na ako
Nakita yun ni Ilecs. Kinabahan ako ng hindi man lang siya nagulat nang makita niya yung sugat ko na naghihilom, "Anong ang ginagawa mo Sunshine?!" galit na tanong ni Mon Mon sa kanya. Napatingin ako kay Sunshine na may hawak na kutsilyo.
May... balak siyang.. patayin ako?
P-pero—
"Siya lang naman ang dahilan kung bakit umaatake ngayon ang mga bampira! Inutusan niya ang mga bampira na sugurin tayo!" sigaw niya. Pinipigilan naman siya ni Jag...
Tumingin sa akin sina Mon Mon at Ilecs dahil sa sinabi ni Sunshine. Hindi totoo yun. Wala akong alam sa nangyayari
"Hindi... hindi ako" pagmamakaawa ko sa kanya. Napatingin naman pareho sa akin si Mon Mon at Ilecs na ngumiti, "Huwag niyong sasabihin..."
Ngayon, mas kinabahan pa ako nang makita ko yung mga ngiti ni Ilecs ay parang hindi bata. Yung alam niyang seryoso na ang pinag uusapan namin
"Sa tingin mo, ako lang ang lobo na alam mong nabubuhay?" galit na pagkakasabi ni Sunshine sa akin habang nakangiti ng nakakaloko. Alam ko na may iba siyang ibig sabihin
"Lumabas ka na" utos ni Jag sa kanya. Natahimik naman si Sunshine at galit na umalis sa kwarto ko.
Kinalma naman ako ni Mon Mon. Hindi sila nagulat sa nakita nilang paghilom ng sugat ko, at sa sinabi ni Khine. Alam nila na may mga bampirang nabubuhay...
Ang ibig sabihin alam din nilang may mga lobo. Alam na nila na lobo si Sunshine.
Lumapit sa akin si Mon Mon para pakalmahin ako, "Paano niyo.. nalaman?" galit na tanong ko sa kanila. Inalis naman ni Mon Mon yung kamay niya sa likod ko.
"Sinabi sa amin ni Jag.." napaiwas siya ng tingin nang sinabi niya yun. Tumayo ako papunta kay Jag. Nakayuko pa siya habang umiiwas ng tingin.
Inangat ko ang tingin ko para makita talaga siya.
*slap*
"Nangako ka Jag! Nangako ka! Bakit mo sinabi?!" sigaw ko sa kanya. Hindi siya nagsalita
"Mr. Wolf is very worried. Nakikita niya kasing galit si Ms. Vampire." napatingin ako sa kanya
Napaatras ako nang makita ko yung mga mata niyang sobrang nakakatakot. Nararamdaman ko rin yung masamang aura mula sa kanya. Parang..
Parang.. hindi siya si... Ilecs
"Matulog ka na, mahal na prinsesa"
Yun nalang ang hiling narinig ko, bago ako bumagsak at nandilim ang paningin ko
***
Ledgas' POV
"Wag na wag niyong sasaktan ang prinsesa. Sinabi kong takutin niyo lang ang mga tao pero sinaktan niyo ang iba!" sigaw ko. Nabasag pa yung baso ko. Tsk. Nakakainis lang itong mga gagong lalaking nasa harap ko
"Hindi ko po napigil, mahal na prinsipe" sagot nung isa kaya pinalapit ko
"Hindi mo napigilan?" tanong ko. Tumango naman siya habang nakayuko. Pinatong ko yung kamay ko sa may dibdib niya at bigla bigla nalang siya naging abo. Ayoko sa mga taong dinadamay ang prinsesa ko
Hinihintay ko nalang ang desisyon niyang maging isang tunay na prinsesa. Para sa kaharian ng mga bampira.
Bumalik ako sa pagkakaupo ko,
"Ang lakas ng loob mong magpakita sa akin. Dahil sa pagbubuntot mo sa mahal na prinsesa ay hindi ko siya tuloy malapitan," sabi ko sa asong nagpakita nalang sa harapan ko. Itinaas ko ang kamay ko nang naalerto ang mga kasama kong bampira sa presensya niya
"Ano ba talaga ng gusto mo?" tanong niya sa akin
"Ikaw. Ano ba talaga ang gusto mo, prinsipe ng mga aso" pang aasar ko sa kanya. Nakita ko naman na naikuyom niya yung mga palad niya kaya napangisi ako
"Kung gusto mo nang labanan, ibibigay ko" sabi ko sa kanya, "Walang mangyayaring digmaan kung ibibigay mo sa akin ang prinsesa ng mga bampira. Ganun lang naman kadali diba?"
"Ayoko" matigas niyang sinabi
"Ganun? Bakit? Kakampi ka ba niya? At isa pa, galit siya sayo"
Lalapit na sana siya sa akin nang humarang ang mga kasama ko, "Parte siya sa pamilyang ito, hindi sa mga mababahong aso." pananakot ko sa kanya
Nagsimula na siyang naglakad paalis, "Hindi mo siya pag mamay ari, Ledgas. Hindi ako nag iisa. Tandaan mong may iba pang namamahala ng mga lobo," tapos umalis na siya
Prinsesa ng mga wolves. Tsk. Nakalimutan kong nabubuhay din pala siya. Ang inaalala ko lang, kung... ano ang mangyayari sa kanila
"Ano? Ano nang balak mo sa prinsesa ng Nsihire?" halata ang inis na narinig ko mula sa mga bunganga niya. Kung hindi ko lang siya tagapayo, matagal na siyang naging abo.
Tumayo ako at hinawakan ang pisngi niya. Nakita ko ang paghihirap sa kanyang mukha kaya mas lalo kong diniinan yung mga kuko ko sa kanya.
"Isa pang hindi mo pagrespeto sa prinsesa natin, ako mismo ang magwawalis sa mga abo mo" pananakot ko sa kanya at binitawan na siya. Nakita ko pa yung pagsara ng mga sugat niya
Kung gusto nila ng labanan, gagawin ko. Makuha lang ang gusto ko.
Gaya ng nakagawian ng ama ko
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
ParanormalWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?