"Ayan! Okay ka na." sigaw ni Dhine.
"Hoy Dhine. Hindi makapal ah" sabi ko sa kanya
"Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan ate?" ngumisi siya at at inikot yung upuan ipaharap sa salamin.
Teka.. ako ba to? Wahhhh *O* Khine Alona Ecahausta?
Konti lang yung blush na nilagay niya. Tapos eye liner para ma-emphasize yung mata ko at tapos pink lip gloss lang yung nilagay ni Dhine. Grabe, alam niya talaga kung ano ang gusto ko
"Kasi ate..." hinarap niya ako at ngumiti? "Just be yourself diba? Paano kung kinapalan ko? Edi, hindi ka na nakilala ng nanay mo" sabi niya kaya binatukan ko siya. Kahit hindi si mom at dad ang totoo niyang mga magulang, sila parin ang nag alaga kay Dhine. Alam ko rin naman na nagbibiro lang siya
"Magpapalit na ako." simpleng sinabi ko sa kanya at pumasok sa kwarto kung saan nandon yung damit.
"Mapapalit narin ako!" rinig kong sinabi ni Dhine at yung malakas na ingay mula sa kuwarto niya. Nagkakalkal ata ng mga damit niya.
Pununta ako sa may kama ko at hindi ko mapigilang mapatingin sa kwintas na ibinigay sa akin
Aish
Tinignan ko yung dress na nakahiga lang sa kama ko. Hindi ko kailangan yung bakal para sa frame ng damit ko dahil kailangan kong sumakay sa kabayo. Medyo nahirapan pa ako sa pagsusuot ng damit dahil ako lang mag isa. Hindi ko na pinahintulutan yung mga maid na tulungan ako.
**
Pagkatapos kong isuot yung damit, sinuot ko na yung sapatos at tinignan ko yung sarili ko sa salamin. "Maganda ka na, Khine" sabi ko. Pero may parang kulang pa ako
Tinignan ko pa yung kwintas. May maliit na silver doon sa gitna. Parang nakita ko ito sa mga libro—
"Ledgas! Saan ka pupunta?!" yayakapin ko na sana siya nang umiwas siya nang tingin kaya tumigil ako, "Meron ka bang problema?" hindi siya nagsalita
"Tungkol ba ito sa biyahe mo? Maari ka namang magpahinga—"
"Magpahinga? Hindi ko na kailangan yun. Mamamatay na ako Khine. Natatakot ako na sa pagtulog ko, hindi na ako magising kinabukasan"
Hindi ko alam pero... bumagsak nalang ang luha ko sa oras na yun. Dalawang taon ko siyang hinintay.
Mamamatay? Saan ba siya nagpunta? Babalik siya pagkatapos ng dalawang taon tapos sasabihin niya na mamatay siya?!
"May sakit ako. Umalis kami para maghanap ng doktor na makakapagpagaling sa akin Khine pero.. wala! Wala na akong pag-asa!" hindi ko mapigilang umiyak dahil sa mga sinasabi niya, "At isa lang ang tanging paraan para mabuhay ako," sabi niya. May masama kong kutob sa sinasabi niya
"Kailangan kong maging... immortal"
Napaluhod ako dahil sa sakit na naman ng ulo ko. Ano yung ibig sabihin nang bata na kailangan niyang maging immortal? Para mawala yung sakit niya...
Alam ko na ako yung batang babae dun. Pero kahit anong pilit ko na inaalala yung nakaraan ko, wala akong maalala.
Wala akong maalala noong bata ako. Hindi ko alam kung ano ang itsura ko noong bata ako. Hindi ko alam kung ano ang itsura ni Dhine nung bata siya. Ano ako?
Ngayon nagsisimula nang pumasok lahat sa isipan ko. Lahat ng nangyari sa akin nung bata ako ay galing sa mga butlers or maids. Minsan sa mga sinasabi ni Dhine. Wala ni isa akong maalala bukod sa bilog ng buwan noong umakyat ako nung puno
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
ParanormalWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?