Papunta ako kina mom at dad ngayon. Siguro kakausapin nila ako tungkol sa pagtulog nung tatlong mokong na yun sa kwarto ko. >___< Mabuti naman at walang nangyari na masama. Hindi rin sila naging istorbo sa pagtulog ko dahil tahimik naman silang matulog
Pinagbuksan nila ako ng pinto kaya nagdiretso nalang ako sa harap nila at yumuko.
"Napagpasyahan namin ng mahal na hari kasama narin ang mga magulang nila ng tatlo..." yun agad ang bungad ni mom sa akin. Teka... binanggit ni mom ang tungkol sa mga magulang nila Jag. Gaano ba talaga kaseryoso ang sitwasyon namin? Ano ba ang nangyayari na pati reyna at hari ng tatlong kaharian ay may parte sa pagtira nila Jag dito?
"Dito muna sila maninirahan hanggang sa kung kelan nila gusto." nanlaki ang mata ko at humarap sa kanilang dalawa. Tsk. Palagi kasi nila akong kinukulit kung pwede silang matulog sa kwarto ko.
"Para saan po? Bakit? Ano bang problema sa kaharian natin? May gyera ba? Gyera sa ibang kaharian?" sunod sunod na tanong ko sa kanila. Nagkatinginan lang sila at sumeryoso na sila
"Sa panahon ngayon, kailangan mo ng proteksyon lalong lalo na at bagong prinsesa ka pa. Sumang-ayon naman ang mga magulang nila kasi dito sa kaharian natin ang mas ligtas na lugar. Malawak naman ang palasyo kaya ayos lang naman na manirahan—"
"Manirahan?! Seryoso kayo diyan? Para saan ang proteksyon na yan? Tsaka.. meron naman ang mga guwardya natin diba?" sagot ko sa kanila. Nararamdaman ko rin talaga na may mali sa pinag uusapan namin
Meron pa silang hindi nababanggit sa akin tungkol sa sitwasyong ito.
"Yun lang ang sasabihin—"
"May mali dad! Sabihin niyo sa akin kung ano ang nangyayari—"
"Khine, tapos na ang—"
"No dad! Kailangan kong malaman kung ako ang nangyayari! Bilang isang prinsesa ng Nsihire, kailangan kong malaman ang lahat—"
"Umaatake na ang mga bampira!"
Napatigil ako sa sinabi niya sa akin. Nagulat pa silang dalawa kung bakit nabanggit yun ni dad. Umaatake ang mga... bampira? Nanghina ako sa narinig ko
Sinabi sa akin ni Ledgas nung minsan na ang lobo ang umaatake. Ano ba ang totoo?
"Dad hindi lahat ng mga bampira masama! Walang masama kung hindi—" napatigil ako sa pagsasalita nang maisip ko na ipinapahalata ko na sa kanila na may alam ako sa mga nilalang.
Kung sinabi ni dad na umaatake ang mga bampira at sinabi ni Ledgas na umaatake ang mga lobo, bakit kami ang nadadamay dito? Kung sila ang magkaaway, bakit ang kaharian namin ang nasa pagitan nito?
"Patawad sa hindi mabuting asal na naipakita ko sa inyo. Kalimutan niyo nalang ang mga nabanggit ko. Aalis na po ako" sabi ko at yumuko ulit
Umalis na ako doon at nag isip isip kung ano nga ba talaga ang nangyayari. Kung inaatake na nang mga bampira ang mga kaharian nila Jag, bakit nandito sila? Bakit nandito pa sila para protektahan ako? Bakit nila ako kailangan protektahan?
Ang isa pa, nabanggit ni dad ang mga bampira. Ang ibig sabihin, alam niya na totoo sila. Alam niya na may ganung nilalang sa mundong ito.
"Khine?" napatingin ako sa may kanan ko at nakita ko si Mon Mon at si Ilecs. Nakaupo si Ilecs sa mga balikat ni Mon Mon. -_-
"May problema ba, onee-chan?" tanong ni Ilecs sa akon. Ngumiti nalang ako ng pilit para hindi nila mahalata kung ano man ang iniisip ko. Ano ba talaga ang... problema?
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
ParanormalWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?