Vampire Princess 30 - Ilecs

2.7K 67 0
                                    

Ledgas' POV

Tumalon ako papunta sa bintana ni Khine. Nadatnan ko siyang mahimbing na natutulog.

May mga aso sa kwarto

"Isa pang hakbang na gagawin mo, mapapatay na kita" banta niya kaya tumigil ako sa posisyon ko.

"Titignan ko lang ang kwintas niya kung suot niya pa" sagot ko sa kanya. Lumapit siya kay Khine inangat niya yung kwintas. Nainis pa ako nung tumabi siya kay Khine. Tsk. Mabahong aso

Hindi ko teritoryo ito at hindi ako pwedeng gumawa ng gulo ngayon kaya nanatili lang ako sa posisyon ko

"Ano ba ang kailangan mo? May ipapasabi ka ba? Kung wala, makakaalis ka na" matigas na pagkakasabi niya. Wala siyang pinagbago. Lahat gagawin niya mapasakanya lang ang lahat

"Tandaan mo, isa na siyang bampira. Wala ka nang magagawa" pang aasar ko sa kanya. Ngumisi ako nang makita ko ang inis sa mukha niya

"Kalahating bampira," nagbago ang mukha ko nang may sumulpot na namang aso, "May paraan pa para mawala ito." napalingon naman ako sa kanan ko, "Hegamon," pagbabanggit ko sa pangalan niya

"Dahil lang sa ginusto mong maging prinsesa siya ng kaharian mo, ginawa mo siyang bampira? Ha?!" galit na sigaw niya. Napatayo yung isa niyang kasamahan at pinigilan siya

Tsk.

"Aalis na ako. Pakisabi nalang sa prinsesa ko na hindi siya dapat uminom ng dugo mamayang gabi" sabi ko at umalis na. Ginamit ko ulit yung bintana para umalis

Sisiguraduhin ko... na pagkatapos ng araw bukas, magtutuos tayo.

Paglalabanan natin ang mahal natin

Khine's POV

"Aalis na ako. Pakisabi nalang sa prinsesa ko na hindi siya dapat uminom ng dugo mamayang gabi" Ledgas?

"Ledgas--"

"Wala na siya." napatingin ako kay Jag na nakacross arms na nakayuko na para siyang natutulog na nakaupo, "Narinig mo naman siya siguro diba?" inirapan ko siya sinibukan na tumayo

"Anong ginawa niyo sa akin?!" sigaw ko sa kanila. Peste. Ano toh?

"Gomen onee-chan. Kailangan namin gawin yan para bukas" sabi ni Ilecs. Hindi ko siya makita kasi.. nakahiga parin ako dito

Full moon na mamayang gabi. At hindi ko na naman mapigilan na uminom ng dugo. Sinabi ni Ledgas na hindi dapat ako uminom ng dugo mamayang gabi. Sisiguraduhin kong pipigilan ko.

Pero hindi ibig sabihin nun ay may karapatan silang itali ako para lang hindi ako makasakit ng tao. May iba pa namang paraan diba?

"Dahil ba sa eclipse at bloody moon?! Bukas pa yun!" reklamo ko habang pinipilin na makawala dito.

Ramdam ko ang unti-unting pagkakasunog ng balat ko kapag kapag pilit kong kumawala. Holy water. Tsk

Tumigil na nga ako sa pagwawala para hindi pa lumala sitwasyon ko. Binabawi ko na yung sinabi kong maganda ang pagiging bampira. Hindi ko alam na ganito pala ang gagawin nila sa akin? Lalo na kapag pulang buwan. Ang pinakadelikadong okasyon para sa mga bampira

Bakit ko ito nararanasan? Kalahating bampira lang naman ako. Dapat... dapat hindi ko kailangan pagdaanan ang nararanasan ng mga bampira sa mga buwan na nasabi. Ilang linggo na nung kinagat ako ni Ledgas. Hindi pa ba nawawala ang bisa ng laway niya?

Naramdaman ko ang pag init ng mata ko at kusa nalang tumulo yung luha ko. Sana walang mangyari masama bukas. Sana hindi ako makasakit. Kasi ayokong nakakakita ng taong nahihirapan dahil sa akin. Ayoko...

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon