Vampire Princess 33 - The Battle

2.7K 65 0
                                        

Khine's POV

Nagising nalang ako sa sobrang sakit ng ulo at buong katawan ko. Napansin kong wala nang tali sa kamay at paa ko kaya dahan dahan akong bumangon. Wala akong maalala sa nangyari kagabi. Sana wala akong nasaktan

"Gising ka na.." napatingin ako sa gilid at nakita ko si mom na may hawak na tray na puno ng madaming pagkain

"Kumain ka na. Kailangan mo nang lakas" nakangiting sinabi niya sa akin habang inaayos yung mga pagkain

"Alam mo naman na hindi nakakatulong sa akin yan, diba?" sabi ko sa kanya. Natahimik naman siya at nagpatuloy lang sa pag aayos ng pagkain.

Naalala ko na may tinanong ako kay dad pero hindi niya ako sinagot, "Sino yung isa niyong kaibigan? Yung bampira?" tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin habang dala dala niya yung pagkain

"Yung tatay ngayon ni Ledgas" napatigil ako pansalamanta.

Ang tatay ni Ledgas ang bampirang kaibigan ni dad.

"Si Ledgas..."

"Bampira siya simula pa noong mga bata kayo. Ako ang kumausap sa kanya para layuan ka niya. Gumawa siya ng kwento para layuan mo siya," yun ba yung sinasabi sa akin ni Ledgas may sakit siya? Hindi yun totoo?

Si mom ang dahilan kung bakit lumayo si Ledgas sa akin...

"Pero kaibigan ko siya. Si Jag nga isang lobo—" pinutol niya ang sasabihin ko

"Ang pagiging lobo ng isang bata ay nagpapakita lang sa ika-labing lima nilang kaarawan. Wala pa akong alam sa pagkatao niya noon Khine,"

"Pero alam mo ang pagkatao ni dad. Ang pagkatao ni Dhine. Alam mo na lobo sila. Alam mong nabubuhay ang mga bampira at lobo mom," tinakpan niya ang mukha niya para pigilan ang sarili niya na umiyak

"Natatakot lang ako na baka mapatay si Ledgas ng tatay mo dahil isa siyang bampira, Khine. Delikado ang buhay noon ni Ledgas kaya wala akong nagawa kundi..."

"Naiintidihan ko," yan lang ang nasabi ko sa kanya

Ang lahat ng alam ko ay hindi totoo. Ano pa ba ang hindi ko alam? Pati rin ba ang pagkatao ko ay puno ng kasinungalingan?

"Akala ko napilitan ka lang na ikasal dahil sa isa Royal Book" napabuntong hinga ako nang maalala ko yun. Akala ko talaga napilitan siya na ikasal sa isang lalaki. Nangyari lang pala ang lahat dahil sa... isang pagkakamali. Sa isang pagtratraydor

Alam kong hindi gagawin ni Ledgas ang paghihiganti. Sa pagkakatanda ko, ngayon magaganap ang paglalaban nila dahil sa akin

Tumayo na ako at nagpalit ng damit. Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang mga pasa sa buong katawan ko. Wala nang mga sugat pero may mga iba na nag iwan ng marka. Bakit ba ako nagdadanas ng ganito?

"Saan ka pupunta?" tanong ni mom sa akin

Tinignan ko siya ng seryoso, "Pipigilan ko sila," sabi ko sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko, "Mom, nagkakagulo na sila sa labas! Kailangan na ako ang magpatigil kasi ako ang dahilan!" sabi ko sa kanya. Lalabas na sana ako ng kwarto nang humarang siya sa harap ko

"Ayoko" sabi niya at napailing, "Ayokong saktan mo ang sarili mo" patuloy niya

"Ako lang ba mom? Bakit ako nalang ang iniintindi niyo? Bakit lahat nalang ng pagmamahal niyo nasa akin? Bakit hindi niyo yan sabihin kay Dhine na tunay na anak niyo" natahimik nalang siya kaya binuksan ko na yung pinto

Napatigil ulit ako nang maramdaman ko ang malambot na haplos niya

"Please, Khine.."

Ledgas' POV

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon