Iyak lang ako ng iyak dito sa kwarto ko. Sobrang sakit kasi sa akin na malaman kong lumalayo ako sa kapagid ko. Para lang hindi siya masaktan sa kung ano man ang magagawa kong masama sa kanya. Kalahating bampira lang ako at hindi ko nakokontrol ang kakayahan ko. Gusto kong bawiin yung sinabi ko sa kanya. Ayokong mawalan ng kapatid
Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Kung ginawa akong bampira ni Ledgas para maalala ko siya at yung nangyari sa akin noon, bakit may kapalit?! Kapalit na lumayo ang loob ng sarili kong kapatid sa akin
Bumaba na ako mula sa kwarto ko para kausapin si mom at dad. Hindi ko pa sila napapatawad dahil sa pagbura sa mga alaala ko pero kakausapin ko lang sila para sa mga tao dito sa Nsihire.
Walang guards dito kaya nagtaka ako. Siguro nag uusap si mom at dad sa loob. Mukhang pribado pa ang pinag uusapan nila
Dahan dahan kong binuksan yung pinto pero narinig ko silang nagtatalo kaya hindi ako pumasok, "Alam ko! Pero.." paalis na sana ako nang naisipan kong makinig. Napaupo si dad sa trono niya na parang naiiyak na. Gusto ko sanang pumasok at tulungan siyang tumayo patayuin kaso mukhang seryoso nga ang pinag uusapan nila kaya hindi ko na itinuloy
"Lia akala ko tapos na ang lahat pagkatapos kong manalo. Bakit nagsisimula na naman siya?" sabi ni dad kaya nagtaka ako. Anong tinutukoy niyang manalo?
Kausap niya si mama. Ang ibig sabihin...
Kumatok ako at pumasok. Agad naman silang nagsitayuan ng maayos. Yumuko ako sa harap nila at nagbigay galang, "Tungkol po sa mga tao galing sa iba't ibang kaharian na kasalukuyang nandito sa ating kaharian," sabi ko habang nakayuko, "Gusto ko po silang makita bukas." patuloy ko.
"Ganun ba?" napatingin ako kay mom na mukhang sumasang ayon naman siya. Pansin ko ang pulang mata niya sa pag iyak, "Sige. Isasama mo ang mga ibang prinsipe para makita rin nila kung ano ang kalagayan ng kanilang mga tao" sabi niya kaya yumuko na ulit ako bilang pasasalamat
Tumalikod na ako at magsisimula na sanang maglakad pero nagsalita si dad kaya napatigil ako, "K-kanina ka pa ba sa labas, anak?" magalang na tanong niya
Humarap ako ulit sa kanila at yumuko, "Hindi po" naramdaman ko naman na yumuko siya kaya umalis na ako doon
Kung pagdugtungin ko kaya lahat ng nalalaman ko? Tama
Una. Yung kwento na sinabi sa akin ni Jag tungkol sa unang digmaan ng mga bampira at lobo. Yung babae ang dahilan ng pag aaway nila kaya dahil sa pag-ibig na nabuo. Noong nabanggit ni dad ang tungkol sa mga bampira na umaatake, binabalak ba ng mga bampira ang maghiganti dahil nanalo ang mga lobo noon? Pero bakit sa mga tao nila idinadaan yung galit— dahil sa normal ba na tao yung babae?
Dagdag pa sa sinabi ni Sunshine na kilalang kilala ko ang babaeng dahilan kung bakit nag aaway ang mga lobo at bampira.
Aish. Masisira na ata ang ulo ko kakaisip. Sigh
Kung malalaman ko kung sino ang babaeng pinag awayan ng bampira at lobo, kawawa siya sa akin. Siya lang naman ang dahilan kung bakit umaatake ngayon ang mga bampira sa mga inosenteng kahiraan dahil balak niyang maghiganti.
Ipapahinga ko nalang ang ulo ko para hindi ko na maisip yun. Sumasakit na yung ulo ko kakaisip sa sa bampira at lobo at mga gyera.
***
"Oy Sunshine na mas masinag pa sa sunshine, doon ka na sa kabilang karwahe. Puno na kami dito oh." reklamo ni Mon Mon noong aakyat na sana si Sunshine dito sa karwahe na sinasakyan namin. Nagtaka ako dahil kasya pa ang isang tao dito sa loob. Pwede pang sumakay si Sunshine sa amin pero alam ko din na hindi magugustuhan ni Ilecs si Sunshine
"Tumahimik ka nga Hegamon. Alis diyan kasi sa tingin ko, kasya pa ang tatlong tao diyan sa tabi mo"
Tumingin siya sa akin at nginitian ko naman siya bago siya pumasok sa loob ng karwahe niya
Parang walang nangyari noong nakaraang araw sa amin ni Sunshine. Isa siyang lobo. At hindi na ako magdadalawang isip na kalabanin siya sa oras na saktan niya sina Jag.
"Tatlong tao?" napatingin naman ako kay Mon Mon na parang nag isip isip pa. Pero tinaas niya nalang yung paa niya doon sa upuan kaya parang wala nang mauupuan si Sunshine, "Wala na eh, sorry"
Sinamaan siya ng tingin ni Sunshine tapos umalis na siya, "Wag kang mag aalala! Maarte ka naman kaya hindi ka na magrereklamo sa mga kasama mo" pahabol pang sinabi ni Mon Mon kaya natawa nalang si Jag
"Grabe ka tol! Hanep yun ah! Tapang mo" pagpupuri ni Jag kay Mon Mon habang kinakain lang niya ang mga magagandang salita na ibinabato sa kanya. Sigh. Binatukan ko naman siya at sinamaan ng tingin kaya hindi na siya nakapagsalita
Napabuntong hinga ako habang nakatingin sa gilid. Hindi na nga nagparamdam sa akin si Dhine simula noong gabing yun. Sabi nung isang guwardya, hindi pa siya lumalabas sa kwarto niya pero kinakain naman niya yung mga pagkain na ibinibigay sa kanya.
Nagsimula nang tumakbo yung mga kabayo. Walang nagsalita sa amin kaya ako nalang, "Ilecs—"
"Bigyan mo ako ng lollipop sasagutin ko yang tanong mo" nakangiti niyang sinabi sa akin habang kumakain ng chocolate. Uhmm... wag na nga lang
"Mon Mon—"
"Yakapin mo ako para kausapin at sagutin ko yung mga tanong mo" eh? Tatanungin ko lang naman kung ilang beses nagpapacheck up si Ilecs ng ngipin dahil kinakain niyang matatamis -3-
Hindi na ako nagsalita pero biglang nagtampo si Jag, "Bakit ako hindi mo tatanungin?" pag aarte niya habang nakabusangot
"Alam ko naman na iba yung hihilingin mo. Tsaka wag kang magulo kasi baka magwala yung mga kabayo sa pagkagalaw galaw mo diyan" nakapout siya habang nasa gilid. Hay.
Tumigil na yung karwahe kaya nauna na silang bumaba. Inabot sa akin ni Mon Mon yung kamay niya tapos kukunin ko sana nang tinulak siya ni Jag kaya si Jag ngayon ang nag aabot ng kamay. Pero sumulpot ulit si Mon Mon tapos... hay. Paulit ulit lang
Nasa baba na rin si Ilecs tapo nagtataka ako kung bakit nakalahad yung kamay niya sa akin. Yung isang kamay niya, nandun si Mr. Wolf. Yung laruan na ibinigay ko sa kanya.
Gusto niya ba ng lollipop? Eh wala mga akong kahit anong matamis dito sa bulsa ko. "Wala kong lollipop Ilecs eh. Sorry" sabi ko sa kanya
"Eh hindi naman yun yung gusto ko eh. -3-" pagtatampo niya, "A-aalalayan kita pababa." sabi niya habang nakapout. Nakayakap siya sa laruan niya kaya bumaba na ako nang walang kamay na tumulong sa akin.
Pinat ko yung ulo niya at umupo, "Hindi ko naman alam Ilecs eh. Sana sinabi mo" sabi ko sa kanya, "Sorry talaga" tapos pinisil pisil niya yung pisngi ko
"Okay lang onee-chan. Cute ka naman eh"
"Eh? Sino ka para sabihin yung kay Khine? Akin lang siya!" Jag
"Akin lang! Anong sayo? Iniluwal mo ba? Come to papa, Khine" Mon Mon
Kinuha ko nalang yung kamay ni Ilecs at sinundan namin yung mga guwardya papunta doon sa mga bahay bahay. Sa gitna ng mga bahay ay may isang napakalaking bahay, parang isang kastilyo at dito siguro nakatira yung mga tao nila pansamantala
Tumigil naman ang dalawang lalaki sa pag aasarahan at maayos na naglakad. Sumunod sila sa akin at hindi na sila nagsalita pa
Bumukas yung pinto, at nakita namin yung mga iba't ibang guwardya na nakahilera.
Nang makita kami ng mga tao ay yumuko naman sila sa amin. Ngumiti nalang ako dahil hindi parin ako komportable na may yumuyuko sa harapan ko.
Habang nakayuko naman ang lahat ay may isang tao na hindi yumuko
Teka.. si Ledgas ba yun? Anong ginagawa niya dito?
Baka namamalik mata lang naman ako.
Pagkamulat ko, nakayuko parin ang mga lahat tao sa akin. Wala na si Ledgas. Namamalik mata lang siguro ako. At kung ano ano ang nakikita ko sa dami kong iniisip
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
ParanormalWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?