Vampire Princess 38 - Engagement

3.3K 67 0
                                    

Khine's POV

Napasilip ako sa may pinto at nakita kong nag aaway ang kapatid ko at ang brother in law ko. Hihi

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikakasal si Khine at Jag?!" sigaw ni Mon Mon kay Dhine. Yieeh! Kinikilig ako

Sinabi na sa amin ni mom at dad ang tungkol sa kasal na mangyayari. Syempre, nagustuhan din ng mga magulang ni Jag ang balita kaya agad naman silang pumayag.

Hinahanda na nila ang kasalanan namin. Hindi na rin ako makapaghintay sa kasalan ni Mon Mon at Dhine eh hehehe. Wala din naman silang balak na pagsabayin yung kasal namin sa kapatid ko. Hindi rin naman sila nagmamadali

Isa pa, kailangan nilang matutong mahalin ang isa't isa

"Kasalanan ko ba?! Sinabi sa akin ni ate Khine na hindi eh! Hindi ko siya matiis!" sigaw naman pabalik ni Dhine, "Isa pa, mangyayari pa naman ang kasal sa dalawang taon!" Hihi. Sinabihan ko kasi si Dhine na huwag sabihin kay Mon Mon ang kasal namin para sa deal na ginawa namin noon. Nanalo na ako no. Kailangan ko lang ng mamahalin. Wala naman sa usapan na kailangan naming ikasal

Wala pang isang taon yun ha. "Aish. Yung babaeng yun talaga!" umiwas ng tingin si Mon Mon

"Hoy! Wag mong pagtataniman ng galit yung ate ko!"

"Bakit? Lupa ba siya na pwedeng taniman ng mga gulay?"

"Kung pwede sana! Kasi pagkakamalan kitang magsasaka!"

"Aba! Ikaw na babae ka ah!"

"Cake!" pumasok agad ako sa kwarto kung saan nag-aaway ang dalawa at binuhat si Ilecs paalis doon, "Onee-chan!" sabi niya at niyakap ako

Tumigil sila at tumingin sila sa akin, "Sige. Ipagpatuloy niyo na. Saan ba ulit? Ahh.. tungkol sa magsasaka" pang aasar ko sa kanila

"Atttteeee!!." hihi

Binuhat ko na si Ilecs at umalis na sa lugar na yun. Kawawa pa ako sa kapatid ko no. Pinili niya ako bilang kanang kamay niya. Nasa parehong posisyon ako kagaya kay Hegamon na kanang kamay din ni Jag. 

Unti unti narin akong nasasanay sa kakayahan ko. Mas madali lang ang pagiging lobo kesa sa maging bampira. Pero may mga pagkakataon na sumasakit bigla ang dibdib ko kung saan ako natamaan ng bala. 

"Onee-chan! Punta tayo sa bayan! Gusto kong bumili ng cake" sabi ni Ilecs kaya napatigil ako

Nakapag-usap na kami ni Ilecs ng matino

Flashback

"Ilecs," pagtatawag ko sa kanya

Hindi niya pa ako kinakausap. Napansin ko naman na hawak hawak niya parin yung binigay kong laruan sa kanya. Napangiti naman ako

Hindi niya ako nilapitan kaya nilapitan ko siya, "Ilecs," pagtatawag ko ulit.

Sana mapatawad niya ako sa mga sinabi ko sa kanya. Naging... makasarili ako.

Ang pamilya ni Jag—ang mga Pusnih—lahat sila ay mga lobo. Naipanganak si Ilecs ng normal. Wala siyang sakit, matalino. Karaniwang lumalabas ang senyales ng pagiging lobo sa ika-labing limang anyos ng isang bata. Bibigyan sila ng kalahating taon para pag-aralan ang tungkol sa mga lobo at bampira. At isang taon naman para sanayin ang kakayahan nila bilang isang bampira.

Sa kaso ni Ilecs, lumabas ang senyales ng pagiging lobo niya noong ika-labing dalawang taon niya. Masyadong maaga ito para sa kanya kaya mas naging maingat ang mga magulang ni Ilecs sa pagpapalaki sa kanya. Wala pa sa libro ang nangyari kay Ilecs kaya siya ang kauna-unahang lobong lumaki ng ganito. Sa pag-oobserba nila sa galaw at paglaki ni Ilecs, doon na nila napansin kung ano ang kakaiba sa kanya

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon