Prologue

25.3K 466 43
                                    

Ang dami kong rason kung bakit ayoko sa buhay na meron ako.

"Isuot mo ito ngayon na!"

Yan. Unang dahilan: ang hindi ko nasusunod ang mga gusto ko dahil ang gusto lang naman ng mga magulang ko ay ang lumakinh perpekto ang mga anak nila. Hindi ko magawa kung ano ang gusto ko. Hindi ko pa nararanasan magluto. Hindi ko pa nararanasan tumakbo.

"Ayokong isuot yan napakasikip na damit mom!" reklamo ko at nagtago sa likod ng dresses ko sa loob ng walk-in-closet ko. Bakit ba kasi kailangan mangyari to kada okasyon.

"Kailangan. Tsaka hindi naman masikip. May mga bakal nga lang na frame netong dress mo. Ilalagay mo lang yung bakal sa katawan mo bago yung dress!" sigaw niya pabalik at pumasok na sa kwarto ko. Kainis naman. Bakit pa kailangan kong gawin yan? Baka naman may mang kidnap sa akin dahil sa puno ng ginto at diamonds ng dress na yan tapos humingi ng ransom tapos hindi pala ako ibabalik! Huhuhu!

"Ipapasok niyo sa loob ng katawan ko yung bakal?! Wahh! Masakit yun!" pagrereact ko.

"Khine Alona Ecahausta" sinabi na niya yung buong pangalan ko. Masama to, "Asan ka?"

"Wala ako sa walk in closet!" sigaw ko at napapikit. Ha! Hindi niya ako mahahanap dito

Sigurado ako na masama na yung tingin sa akin nun. Baka pagkalabas ko neto, papatayin niya ako

Sigh

I have no choice

Lumabas ako sa pinanggalingan ko at nakayuko lang na lumabas mula doon, "Tumigil ka nga sa pagbabata bata mo kasi hindi ka na bata. Ngayon ka ulit nagkaganyan dahil lang sa dress? You've also been wearing dresses every now and then tapos ngayon ka lang magrereklamo" sabi ni mom at tinuro yung suot ko

Hehe. Oo nga noh. Bakit ba ang OA ko? Hindi ganito ang ugali ko ah. Argh! Today is not my day kaya ayokong magsuot ng dress. Ang bigat kaya ng mga dressed ko T^T Dagdag pa yung bakal na inilalagay bago yung dress

"Kaarawan ng kapatid mo. Kailangan nandun ka. Hinihintay ka na niya sa baba" sabi niya. Nilapitan ko siya at kinuha yung dress. No choice! Para sa kapatid ko. Ngumiti na siya at hawak hawak pa yung dress niya paalis ng kwarto ko

Pangalawang rason kung bakit ayoko ang buhay ko: isa lang naman sa mga anak ng isang hari at reyna. Meron akong isang batang kapatid, pero ayaw namin sa isa't isa. Medyo. No, I mean nakakainis siya..— love ko parin siya no!

Pagdugtong ng ika-labing walo naming taon, dun na kami sasanayin na maging prinsesa. Minsan sa ibang tradisyon sa ibang kaharian, ang reyna at ang hari ang magdedeklara kung kelan magiging prinsesa o prinsipe ang mga anal nila.

Kaarawan ko na sa susunod na mga araw at magiging labing walong taon na ako sa puntong yun. I wonder kung magiging prinsesa nga ako. Meh. Alam naman nila mom na tamad ako mag aral at walang interes sa pagiging prinsesa so baka si Dhine ang magiging prinsesa. Muahahaha. Wala akong alam kasi hindi ako nakikinig sa mga tinituro nila sa amin kasi— boringgggg.

Sabi nila, simula pa bata kami, hindi kami pwedeng lumabas dahil masusugatan kami. At dahil dun, malalagyan ng galos o sugat at mag-iiwan ng marka hanggang lumaki kami. Bawal yun mangyari sa amin kasi dapat, perpekto. Hindi kami pumupunta sa isang school kung saan may mga ibang studyante doon na nag aaral.

Lahat dapat dito sa loob ng bahay. Sa kastilyong tinitirhan namin. Lahat ng nangyayari sa labas, nalalaman ko nalang sa mga libro.

Nagtataka nga ako kung bakit kailangan kong magsuot ng dress araw araw. Nandito lang naman ako sa loob. Hindi naman ako lumalabas kaya wala namang makakakita sa akin.

Well, actually, baka ipinaliwanag na nila sa akin noon kung bakit. Hindi lang siguro ako nakikinig -3- Hindi ako masyadong nakikinig sa mga itinuturo nila sa akin kaya wala akong alam hehe

Sa tingin ko, ipinaliwanag naman nila lahat sa akin, hindi lang talaga ako nakikinig

Pumunta ako sa dressing room at nandun yung dalawang babae na siyang magkakabit ng frame sa akin. Sinuot nila yun.

"Aray" daing ko nung sinimulan na nilang ilagay yung frame ng dress sa may bewang ko. Napapapikit nalang ako kada ikot nung parang crank. May lubid yun na nakakabit sa frame at habang iniikot yun, sumisikip ng sumisikip yung bakal para hindi mahulog at maging komportable ako. Pagkatapos nun ay ipinatong na sa akin yung isusuot kong dress

Ang bigat

Kung tutuusin, inilalagay lang naman yung bakal sa amin kapag engrandeng okasyon. Kung araw araw na damit ay mga simple at magaan lang na dress

"Sorry, my princess" Princess? I'm not yet a princess.. no.. I'm not a princess. At ayokong maging princess

Bakit?

Ah, kasi ayoko lang hehe.

Tignan mo kung ano ang mahirap dito sa buhay na to? Dresses everyday, royalty, elegance, whatever. I don't care

Feeling nga ko nga, namatay na ako noon tapos nabuhay lang ako bilang anak ng isang hari at reyna. Ayoko sa buhay na ito. Walang kalayaan sa kung ano ang gusto kong gawin sa buhay

Sigh

Nakakahinga parin naman ako ng maayos pero nakakairita lang sa katawan.

Anak lang ako ni Queen Kinara Lia Ecahausta and King Daesth Ecahausta II

At sa wakas natapos rin ang paghihirap ko sa paghahawak sa kahoy na ito bilang suporta sa pagsisikip nila nung bakal. Minsan nga nakakangalay din

Inalalayan nila akong tumayo ng maayos para isuot yung sapatos ko. Tahimik silang yumuko at umalis na silang lahat sa kwarto.

Pumuwesto na ako sa malaking pintuan kung saan lalabas ako at nag ayos. Hahaha. Ganito daw talaga pag may okasyon. Ipapakilala kung sino sino yung mga parte nang pamilya mo. Kahit kilala ka na nila -__-

"Princess Khine, please follow me" sinundan ko yung isang katulong namin. Nababaliw na ba ako? Palagi ko nang naririnig ang salitang 'pincess' ah

Naiirita akong naglalakad kasi napasobra ata sila sa pag aadjust nung brace nung dress ko. Tsk tsk

Inayos ko yung dress ko at tumayo sa nakasarado na malaking pinto

"Thank you for travelling all the way here to celebrate my youngest daughter's birthday,
Dhine Alion Ecahausta," si dad yun ha. I'm surprised he's talking. Minsan kasi ibang tao lang butlers o mga magaling mag host ng mga okasyon na ganito.

Naririnig ko silang pumapalakpak mula sa labas. I'm guessing na lumabas na si Dhine para magpakita sa mga bisita?

Mahina akong pumalakpak. Hindi ko man lang nakita ang pangit kong kapatid sa suot niya

"However, beside that celebration, I have also something important to announce,"

*yawn*

Nagugutom na ako. Kelan ba ako lalabas para makakain na ako T^T

Tumingin ako sa may katulong na nakatingin sa akin. Walang emosyon ang mukha niya na nakatingin lang sa kawalan.

"Let's all welcome..." umayos na ako ng tayo at naghanda na lumabas, "My first daughter,"

Huminga ako ng malalim

Gutom na talaga ako T^T

Inhale...

"Khine Alona Ecahausta"

and exhale...

"Soon to be the Princess of Nsihire Kingdom"

WHAT?!!

---

This is a vampire-werewolf fan fiction story. Everything is purely based of my imagination

Thanks for reading!

PD:
May 11, 2015

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon