*knock knock*
*knock knock*
"Khine!"
*knock knock*
"Alam kong gising ka kaya mag ayos ka na jan Khine! Prince Jag is coming!" sigaw ni mom kahit nasa harap na siya nang pintuan ko. Umirap ako at humiga ulit. Nakakatamad kaya. Tsaka, bakit yung Punish pa yun yung kasama ko? Punish kasi yung apelyido niya, Pusnih. Pinagbaliktad ko lang. Hehe
Gusto kong isigaw na: "Ayoko maging prinsesa kasi ayoko!"
Tumahimik na at nakahinga ako nang maluwag.
Seryoso ako. Ayokong maging prinsesa pero, kailangan kong gawin kasi kailangan
Mabuti naman at tumahimik na nga. Makakatulog na ulit—
"My princess."
Teka. Bakit... bakit siya nandito?
Padabog akong tumayo at pumunta sa may pinto pero hindi ko muna binuksan. Bwisit na lalaking toh. Ang aga palang ah. Tinignan ko yung wall clock ko na puno ng ginto -_-
9:30am. Ang aga pa kaya!
"Ayaw mo naman siguro na masira ang reputasyon niyo diba? Kaya—"
Binuksan ko na yung pinto. Bumungad sa akin ang isang lalake na nakadamit ng maayos na may puting gloves pa na suot. Tinakpan yung bibig niya at narinig ko siyang tumawa, "Pfft." rinig ko mula sa kanya
"Pinagtatawanan mo ba ako Prince Jag?" diniinan ko yung Prince. Tinuro niya lang yung buhok ko
"Damn you Punish!" I said and slammed the door
Argh!
Tumakbo ako sa may salamin at tinignan ko ang sarili ko. That stupid! Pinagtawanan pa talaga ako! Arghhh!
....
Pagkalabas ko sa kwarto ko at nakapag ayos na ako, nandun nakasandal si Punish kasama yung dalawang guard niya. Ngumisi siya nung nakita niya ako. Aba!
"You! How dare you—"
Agad na humarang sa akin ang mga lalaking kasama niya na pinaghihinalaan kong guards niya
Wala silang sinabi at mukhang hindi ko malalapitan si Punish ng hindi ko siya sinasaktan dahil sa mga lalake na to
Bumaba ako ng mabilis at lumabas sa castle. At yung guard ko, sumunod na sa akin
"I think, alam mo na siguro—"
"Yes. Wag mo akong igaya sa iba" naiinis kong sinabi sa kanya pero natatawa lang siya na ewan
Nauna siyang maglakad papunta sa stable na nasa 500 meters ang layo mula sa kastilyo. Magiging prinsesa na ako diba? Bakit pinapalakad pa ako ng sobrang layo?
Pumasok siya agad sa loob pagkarating namin doon. Umupo naman ako sa isang bench na nakita ko dahil napagod ako sa kakalakad. Ang tahimik pa nga niya habang naglalakad. Hindi ko man lang maka-usap. Tsk. Meron pa yung guard ko dito. Tapos yung guard nung Punish na hindi man lang nagsasakita
Huminga ako ng malalim at nalanghap ko yung magandang simoy ng hangin. Napatingin ako sa paligid. Puro puno at damo ang nakapaligid sa stable dito. May kabayong kumakain ng damo. Mga ibon na masaya na lumilipad.
Malaya. Ganito pala ang makalabas ulit ng bahay. Walang katulong sa paligid
"Princess this is going to be your horse" sabi nung manong tapos hawak niya yung lubid. Sa dulo ng lubid na yun ay ang isang puting kabayo. Wala nang ibang kulay. Sadyang puti lang lahat
Tapos? Ano na gagawin ko? Kakainin ko ba?
Napatingin ako kay Jag. Sumakay siya sa kabayo at nag ikot ikot na sila. Gusto ko rin yun!
Tinitigan ko yung kabayo na ibinigay sa akin. Ganito pala kalaki ang isang kabayo. Ganito pala ang itsura ng kabayo. Ngayon ko lang makita ng malapitan. Inalalayan ako nung manong na sumakay pero dahil sa nakadress ako, hindi ako komportable pero naayos naman ako. Napansin ko na si Jag, bumaba sa kabayo at pumunta ulit sa loob para kunin yung.. ewan. Pero takot ako sa ganito eh
"You're a good horse— wahhh!!"
"Princess!"
Paano ko ba mapapatigil tong kabayong to? Tumakbo nalang bigla.. Wahhh! Mommy! Ayoko na.
Patuloy talaga siya! Wahh! Ayoko na! Ayoko! Huhuhu
Hanggang sa alam ko nang maa-out of balance na ako at alam ko na mahuhulog na ako, pinikit ko nalang mga mata ko at sumigaw ng,
"Ahhhhh!"
Wait...
Bakit... hindi masakit pwet ko?
"You seem to like what you are doing, my princess" lalaki?
Lalaki na malapit sa mukha ko?!
Wahh! Tumayo agad ako at umayos. Nakakahiya!
Hindi! Mas mahiya siya! Like daw. Kasalanan ko ba kung bigla nalang magwala yang kabayo na yan?
"Umalis ka nga sa harapan ko!" naiinis na sabi ko sa kanya at lumapit sa mga guard ko..
Pinaupo ako ng bantay ko sa kinauupuan ko kanina at binigyan ng tubig at pinaypayan.
Lumapit sa akin si Jag at binigay yung brown na damit, "Ito na muna suotin mo. Sanayin mo yan hanggang sa nakadress ka na ulit." sabi niya at pumunta ulit sa kabayo niya
Nagpalit na ako ng damit. Woahh. Jeans and simple shirt. Ahhh! Ang komportable. Walang dress na sumasayad. Ang saya ko *o*
Pagkalabas ko nakita ko siya na hinahaplos niya lang yung kabayo na sinakyan niya kanina. Psh
"Uhmm. Pwede na kayong bumalik sa castle. The queen must be looking for you." sabi nung isang guard ko sa akin. Nagkatinginan pa sila na parang hindi ba sila sigurado kung iiwan nila ako. Magsasalita na sana yung isa nang magsalita ako,
"Don't worry. Prince Jag will be with me so I'm safe" nagkatinginan ulit sila pero nagbow din at sabay na umalis
Ewan ko pero ang feeling ko, kaya niya akong protektahan. Kahit anong oras. O kahit anong mangyari. Kahit yata ganyan ang ugali niya, iniitindi ka pa niya. Mayabang nga lang siya. Tapos masyadong ma pride.
Palapit ako ng palapit sa kanya nang humarap siya sa akin at ngumiti.
There's something with that smile.
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
ParanormalWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?