Vanpire Princess 22 - Red Blood

3K 70 0
                                        

"Maaga ako matutulog ngayon. Matulog narin kayo. Good night!" natatarantang sinabi ko at agad na pumasok sa kwarto ko

Alas otso na ng gabi. Parang kahit anong oras, magpapakita na ang mga pangil ko. Ramdam ko na sa mga ngipin ko. Tapos... natatakam pa ako sa dugo

"Hindi mo nga makontrol.." napatingin ako sa may bintana. Agad ko siyang pinuntahan tapos niyakap niya ako, "Patawad pero hindi mo pa dapat mainom ang dugo ko hanggang sa gusto mo" malambing na saad niya. Nakita ko sa mga mata niya yung awa. Kinaaawaan niya ako?! Bakit pa niya ako ginawang ganito?

Ang ibig sabihin, talagang hindi ko mapipigilan ang pagiging bampira ko, "Wag kang mag aalala. Hindi pa naman mangyayari ang pulang buwan"

"Mangyayari rin yun?"

"Sa kinaumagahan ng susunod na bilog na buwan, mangyayari ang eclipse sa umaga at ang pulang buwan sa gabi" sabi niya. Ibig sabihin, magsasabay ang eclipse sa iisang araw. Delikado yun para sa akin.

Magiging pareho rin ba ang epekto sa akin na kalahating bampira?

"Hindi ko alam pero... yung dugo. Ayokong uminom. Pero.. nauuhaw na talaga ako" sabi ko sa kanya

"Hindi ba ayaw mo pang maging bampira?" napaiwas ako ng tingin. Tinatanong na naman niya ang tanong na hindi ko masagkt, "Kapag kinagat kita, magiging kalahati ka lang Khine. Hindi mo makokontrol ang pagiging bampira mo. Maaari kang mamatay sa mga buwan na nabanggit ko sayo dahil hindi ka pa isang tunay na bampira, Khine" umiwas siya ng tingin, "Pero kapag nainom mo na ang dugo ko, doon ka na magiging bampira. At pwede ka nang--"

"Ayoko" matigas na sinabi ko, "Ayokong makapatay ng tao"

"Hindi mo naman kailangan pumatay ng tao—"

"Pero bampira parin ako Ledgas" seryosong saad ko sa kanya at seryoso ko ding tinitigan ang mga mata niya

"Ayaw mo sa amin..." mahinang saad niya kaya nagbago naman ang itsura ko

"H-hindi! B-bakit mo— Ledgas hindi ganun ang ibig kong sabihin! Kung magiging bampira ako, hindi ko mapipigilan ang uhaw ko sa dugo ng tao dahil wala akong karanasan gaya ninyo na bampirang nabuhay ng ilang taon na hindi umiinom ng dugo ng tao,"

Ngumiti siya sa akin at hinalikan yung noo ko, "Kapag naging bampira ka na, dapat makainom ka ng dugo. Maaari kang uminom ng dugo ng kahit na ano. Kalahating bampira ka lang kaya walang epekto ang kagat mo" sabi niya.

Hindi pa buo ang desisyon ko na maging bampira. Lalo na kung panghahawakan ko pa ang kaharian nila. Paano na yung mga tao ko? Sina mom at dad. Yung mga kaibigan ko

Dahil sa pinag uusapan namin ang mga bampira, naalala ko yung pinag awayan namin ni dad. Yung pag atake ng mga bampira.

Magtatanong pa sana ako nang tumalon na siya mula sa bintana ko paalis.

Napaupo ako sa kama ko at pinapanood nalang yung orasan na tumakbo.

Kahit anong dugo... hindi. Ayoko. Kaya ko itong pigilan.

Napahawak pa ako sa lalamunan ko at napahiga nalang sa sobrang uhaw na nararamdaman ko.

"Tawagin mo lang ako, pag kailangan mo nang tulong"

Wag... wag si Jag. Iba.. ibang tao. Ayokong saktan siya

*knock knock*

Napatingin ulit ako sa orasan. Palagi kong iniisip sa sarili ko na sobrang bagal ng takbo ng oras pero ngayon, bumibilis. Bawat segundo ay unti unting lumalala ang uhaw ko sa dugo

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon