Ligtas ko namang naiwasang uminom ng dugo kagabi sa tulong ni Dhine. Nanghihina na ako. Hindi na ako uminom ng dugo simula nung unang bilog na buwan. Hanggang ngayon wala parin akong naiinom at nanghihina na ako.
Ngayong araw naman mangyayari ang eclipse... at ang pulang buwan.
"Tatanggalin ko na ang kwintas mo. Mangyayari na ang eclipse" sabi ni Jag habang lumalapit sa akin. May gana pa siyang kausapin ako dahil sa ginawa niya?!
Nakatali parin ako. Mas mabuti na ang ganito,
"Subukan mo. Hindi ako magdadalawang isip na... saktan ko kayo" pagbabanta ko sa kanya. Nahihirapan na talaga ako. Gusto ko nang maitigil ito. Ayoko ng ganito
Eclipse. Kailangan matanggal ang alahas na suot kung ayaw mong mamatay,
"Hayaan mo akong mamatay. Wala na akong intensyon na mabuhay" sabi ko. Ayoko nang mabuhay pa kung ganito naman ang nangyayari sa akin
Hindi niya yata ako narinig kaya nilalapit niya pa yung kamay niya sa may leeg ko, "Bakit ba ayaw mo akong pakinggan?! Sinabi ko namang gusto ko nang mamatay diba?! Bakit ba?!" sigaw ko sa kanya at nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya
"Bakit niyo ba ako tinutulungan?" naiiyak na ako. Tumigil siya dahil sa narinig niya, "Ang katulad ko ay hindi nararapat mabuhay! Diba?!" sigaw ko ulit
Napatigil ako nang naramdaman kong nawawalan na ako ng hininga. Yung eclipse. Nangyayari na..
Ito na ang katapusan ko...
"Jag tanggalin mo na! Dalian mo!" narinig kong sigaw ni Mon Mon
Sobrang gulo na nang paningin ko. Nanghihina na ang pandinig ko.
"Arghhhhhh!"
Parang unti unting pinuputol ang bawat parte ng katawan ko sa sakit na nararamdaman ko. Nanlalabo na ang paningin ko na tila ba parang katapusan ko na
"Masyado siyang magalaw! Hindi ko kaya!"
Naramdaman kong may humawak sa mga kamay at ulo ko, "P-paba... y-yaan.. *cough*"
Naluwagan ako ng hiniga... nang matanggal nila yung kwintas sa leeg ko, "Bakit niyo..."
May lumapit sa akin na babae at hinawakan yung noo ko. "Matulog ka na... ate"
***
Sinubukan ko ulit na bumangon. Nasunog na naman ang kamay ko. Nakatali pa pala ako...
Akala ko mawawalan na ako ng buhay kanina.
Isa nalang...
"Bukas na mangyayari ang paglalaban ng lobo at mga bampira" napatingin ako sa gilid ko at nakita ko doon si Dhine.
"Dhine..." hindi siya makatingin sa akin. Nakatingin lang siya sa bintana.
Naramdaman ko na siya lang ang nandito sa loob ng kwarto
Tinanggal nila Jag ang kwintas ko pero dahil sa uhaw at pagod ko, parang wala akong kakayahan na igalaw man lang ang daliri ko
"Ate.. may sasabihin ako sayo. Pero sana.. makinig ka ng husto." tumingin siya sa akin at ngumiti, "Wag kang magagalit ha?"
Gaya ng sinabi niya, nanatili lang akong tahimik. "Noong unang panahon, may isang lalaking bampira, at isang lalaking lobo na magkaibigan. Dahil sa walang pagkakaiba ng dalawang angkan, napadali ang pagsasama nilang dalawa. Tahimik na namumuhay ang dalawang angkan malayo sa mga tao para hindi sila makagawa ng takot," umupo ng maayos si Dhine. Ito ang kwentong sinabi sa akin ni Jag
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
FantastiqueWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?