Iba na yung mga tingin nila sa akin. Narinig kaya nila yung usapan npamin ni Ledgas noong gabi na yun? Hindi dapat nila marinig ang kung anong ingay sa kwarto ko dahil soundproof kwarto ko.
Tapos na ang isang linggo. Tatlong linggo pa tapos full moon na naman ulit. Kinakabahan ako sa mangyayari. Hindi ko alam kung... kung kaya kong uminom ng dugo ng tao. Basta ayoko... ayoko!
"Onee-chan!" sigaw ni Ilecs na nakapajama tapos pumasok sila sa kwarto ko. Papunta si Ilecs sa kama ko na may hawak na lollipop. Aba. Baka langgamin na ako mamaya dito
"Bakit nandito kayo?" tanong ko sa kanila. Si Mon Mon naman ay pumunta sa may walk in closet ko.
"Ang papangit ng mga damit mo" sabi ni Mon Mon kaya kahit hindi niya ako nakikita, sinamaan ko siya ng tingin. Si Jag naman, pumunta sa shelf kung saan nandun yung mga libro na binabasa ko.
"Onee-chan, gusto mo? Masarap toh." sabi niya. Magsasalita sana ako na ayoko nang may nilabas siya mula sa bulsa niya, "Tsaka ito pa onee-chan. Galing pa ito sa Greece. Tapos ito... tapos ito rin.. Ah! Ito pa..."
-_-
Ang adik niya sa sweets. Ako nga walang hilig diyan eh. Hindi kaya siya magcacavity? Ang childish niya talaga. Ang cute cute pa
"Bakit nga ba kayo nandito?" tanong ko ulit. May kwarto naman sila eh. Tsaka, gabi na. Sobrang gabi na. Kaso hindi ako makatulog. Inaabangan ko kasi si Ledgas kaso sumingit naman sila
"Hindi kami makatulog sa kwarto" sabi ni Jag kaya napatingin ako sa kanya. Nagbabasa siya nang libro. Yung libro ko na nakuha niya mula sa bookshelf ko. Mga alamat kasi yung binabasa ko. Yung iba, history stories.
"Ha?!" don't tell me—, "Dito kayo matutulog?!" bulyaw ko. Tapos bigla namang lumitaw si Mon Mon na nakadress. Pfft. Nakakatawa.
Hindi! Hindi nakakatawa ang sitwasyon namin! Dito sila matutulog?! Eh wala na yung privacy ko. Baka kung ano yung gawin nila sa akin. Tapos wala silang matutulugan dito.
"Kung maganda dito, dito narin kami matutulog..." sabi ni Mon Mon at parang tinitignan pa sa salamin kung bagay sa kanya yung dress ko. Pfft
"FOREVER!!" sigaw naman ni Ilecs na parang tinuloy niya yung sinasabi kanina ni Mon Mon. Grrr.. bakit dito pa?
"Prinsesa ako! Babae ako! Bakit nandito kayo?! Mga bakla ba kayo na natatakot at hindi makatulog sa kwarto niyo?! Eh bakit pa kayo pumunta dito?! Labas—"
Hindi ko na naituloy yung sinasabi ko nang pumasok yung mga guwardya dito at buhat buhat nila yung tatlong kama.
Teka...—
"ARGHH!!"
***
"Onee-chan, tulog ka na?"
"Oo, tulog na ako kaya wag mo akong kausapin"
"Onii-chan, tulog ka na?"
"Oo Ilecs," sagot ni Mon Mon
"Hay. Ang aga pa kaya." rinig ko na sinabi ni Ilecs habang nakapout kaya bumangon ako. "Onee-chan, kala ko ba, tulog ka na?" -_- 11pm? Maaga pa yun sa kanya?
Nakapikit akong nakaupo sa kama ko kasi inaantok na ako kaso itong si Ilecs, binubulabog ako. Tapos naramdaman ko pa na ang lakas ng boses nila.
Minulat ko ang mga mata ko at halos lumuwa ito nang makita ko sila. "Alis!" sigaw ko. Tinakpan naman ni Jag yung tenga niya gamit ang unan
Nakakainis! Meron namang silang kama. Pinagdikit dikit kasi namin dahil gusto ni Ilecs. Tapos... tapos... bigla nalang silang napunta sa kama ko? Kaya pala ang lakas ng boses nila kasi ang lapit nila sa akin. Huhuhu. Bakit ba talaga sila nandito?
Umayos na nga sila sa mga kama nila at humiga narin ako. Hay. Nakapagtataka parin kung bakit nandito sila. Para saan? Eh wala namang multo sa kwarto nila. Siguro... may balak sila sa akin. Wahhh! May balak talaga sila?!
*awwwooooo*
Dahan dahan kong tinakpan yung buong katawan ko nang kumot. Kasi yung narinig ko kanina... parang lobo. O aso. Pwede ring pusa. Pero yung tunog niya parang.. nagtatawag yung hayop na yun ng kasama. Okay... may napanood akong movie na yung wolf nasa taas ng bundok tapos nag 'awoooo' kasi may problema yung mga wolf.
Wahhh! Ibig sabihin... totoo ang mga lobo? B-baka naman naliligaw lang na aso? Totoo ba na meron talagang ganun? Hindi lang pala bampira ang nabubuhay ngayon. Pati mga lobo na rin.
Sigh. Kelan kaya... magiging magkaibigan ang bampira at wolves?
Bakit sila magkaaway? Dahil ba sa magkaiba sila? Pero imposible.. Marami na akong nabasa na history pero wala pa akong nababasa tungkol sa history kung paano nagsimula ang wolves at bampira kung paano sila nag away. Bukod sa librong nabasa ko sa library, wala na akong ibang nakita na libro tungkol sa bampira at wolves.
Talaga bang itinago na nila ang mga libro tungkol dun? Ganun ba sila kagalit sa mga hindi nila kauri? Bakit nga ba... galit ang mga tao sa tulad ni Ledgas? May posibilad kaya na magalit din sila sa akin pag nalaman nila ang kalagayan ko? Andami kong tanong. Aish. Kailangan ko nang matulog.
*awwwwoooo*
"Magba-banyo lang ako" sabi ni Jag at tumayo sa kama niya. Pero naglakad siya palabas ng kwarto kaya nagtaka
"Teka... nandun lang sa gilid yung cr. Bakit ka pa lalabas?" tanong ko sa kanya tapos tinuro pa lung saan. Bakit pa siya aallis?
"Ay. Hehe. Ako rin. Nac-cr din ako. Sa baba nalang kami kasi nakita ko yung cr mo na pang babae" sabi naman ni Mon Mon at sabay sila ni Jag na lumabas
Napatingin ako kay Ilecs. Yung tingin ko na hinihintay ko rin na baka mag cr siya pero.. kumakain na naman siya. Habang nakahiga? "Masama yan sa katawan mo Ilecs. Gabi na" suway ko sa kanya
"Ang sarap kaya onee-chan" aba.. may balak pang inggitin ako. Hindi kaya ako natetemp na kumain ng ganyan lalo na't hindi ko na nalalasahan ang mga pagkain na ganyan
"Hihintayin ko nalang sila, onee-chan. Matulog ka na" sabi ni Ilecs sa akin, "I'll protect you!" sigaw niya at itinaas pa yung lollipop niya kaya napatawa ako
Hihintayin? Hindi nag banyo lang sila? Matatagalan ba sila dun? O baka... may ginagawang kababalaghan. Iwww. Ang dogyot. Buti nalang at hindi nila idinamay si Ilecs
***
Bakit? Ang liwanag yata? Teka...
"Good morning onee-chan!" bati agad ni Ilecs pagkabangon ko at niyakap ako.
"Ang aga niyo nagising" sabi ko at napahikab pa. Tinignan ko ang paligid nang mapansin ko na ang liwanag
"Bakit hindi mo binubuksan yung mga kurtina?" tanong ni Mon Mon. Pagkatapos niyang tinanong sa akin yun, kausap niya ulit yung maid. Narinig ko na nagpapakayat siya ng pagkain
"Chocolate yung akin, onii-chan!" sabi naman ni Ilecs. Ang aga aga chocolate agad?
Napansin ko rin si Jag na nasa kama palang pero nagbabasa na nag libro. This time, hindi sa shelf ko nanggaling yung librong binabasa niya.
Saan kaya sila nanggaling kahapon? Hindi ko na napansin dahil nakatulog na ako. Hays.
Parang... matagal tagal pa yata silang bumalik pagkatapos nilang nagcr. Cr pa ba yun? Silang dalawa lang ni Mon Mon. Pero imposible naman kasi na nagkaLBM sila tapos sabay pa.
Saan ba talaga sila, nagpunta?
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
ParanormalWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?