Nagpatuloy lang ang kasiyahan dito sa palasyo. Nagkakainan. Tapos sasayaw ulit sila.
Pero nahagilap ng mga mata ko ang dalawang lalaking naka itim at nakamaskara. Nakilala ko yung isa doon kasi ganito rin ang ginawa niya noong kaarawan ko. Pero hindi ko nakikilala yung taong kasama niya na mukhang mas matipuno siya kesa sa kapatid kong lalaki
Nagulat nalang ako na yung spotlight, napunta sa kanila. Napatingin ako kay mom at dad. Sakto naman na nakatingin din sila sa akin nang nakangiti.
Akala ko ba hindi makakapunta si Ledgas?
Unang naglakad yung kapatid ko papunta sa gitna at lumuhod. Binitawan naman ni Jag yung kamay ko na parang hinahayaan niya ako.
Pinagplanuhan ba nila ito?
Hindi na ako nagtanong at naglakad na ako papunta sa gitna. Inilahad niya yung kamay niya, "Akala ko ba..." pinatong ko na yung kamay ko sa kamay niya at nagsimula na kaming magsayaw dito sa gitna
"Surprise?" patanong na sinabi niya kaya napatawa ako. Paikot ikot lang kami dito sa gitna nang nagsalita siya ulit
"May espesyal kang bisita" bulong niya sa akin.
"Yung kasama mo?" tumango siya at ngumiti. "Bakit nga ba kayo nakamaskara?" natatawang tanong ko
"Baka magalit pa yung kapwa mong mga lobo" natatawang sagot niya. Nalungkot naman ako sa narinig.
Wolves... kahit na anak ako ng bampira, naging lobo ako na bihira lang mangyari
"Magalit? Eh nakangiti nga si mom at dad na halatang sinabi mo sa kanila" sabi ko sa kanya
Natahimik kami konti at huminto na siya. Nakita ko naman na nakaluhod na yung kasama niya kanina. Ito ba yung espesyal kong bisita? "Natupad ko yung pangako ko. Wag kang mag alala, ikaw parin ang mag iisang Vampire Princess namin." tapos ngumiti na siya at hinalikan ako sa noo bago pumunta sa may gilid
Nilahad niya yung kamay niya kaya kinuha ko. May kakaiba akong naramdaman pero hindi ko nalang pinansin at nagsimula na kaming magsayaw
Nakatingin ako sa mga mata niya nang biglang naging light brown ito pero hindi na ako nagulat o natakot, "Ang saya ko.." nakangiting sinabi niya. Parang yung boses niya medyo matanda na siya pero hindi halata sa pisikal na itsura
"Kasing ganda mo talaga ang nanay mo.." nagulat ako sa sinabi niya. Ang ibig sabihin... "Masaya ako para sayo"
"Ikaw... ikaw ang..." hindi ko mapigilang umiyak at napatigil sa pagsayaw
Yung totoong tatay ko. Kaharap ko...
Niyakap ko na siya dahil sa tuwa. Hindi ako makapaniwala.
"Hindi ko alam kung... matatanggap niyo parin ako" naiiyak na sinabi ko. Hindi ko na pinakealaman kung mabasa man yung damit niya. Natutuwa lang talaga ako na makita ang tatay ko
Niyakap niya ako pabalik, "Anak kita.. kahit ano ka pa, tatanggapin kita. At alam ko na gagawin din yun ng nanay mo" sabi niya sa akin.
Napaiyak pa ako lalo nang marinig ko yung 'nanay' na salita. Sobra ang pasasalamat ko sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ko sila nakilala. Hindi ko nakilala ang mga kaibigan na sumusuporta sa akin ngayon. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko makikilala si Jag at hindi ko makakamit ang posisyong kinatatayuan ko ngayon.
"Wag kang mag alala. Alam kong naintindihan ka ng mga kapwa mo bampira. Tsaka, maayos kami doon" sabi niya. Kumalas na ako sa pagkakayakap at pinunasan niya naman ang mga luha ko
"Dapat ang isang reyna, malakas, matapang. Hindi umiiyak.." sabi niya
"Pero masama bang umiyak dahil sa sobrang saya? O kaya sa lungkot na nadarama?" sabi ko. Natuwa naman siya at napangiti sa sinabi ko
"Malaki ka na nga. At naniniwala ako na kaya mong paunlarin ang kaharian mo." sabi niya at niyakap ko siya ulit
Ako ay anak ng isang bampira. Ngunit... ginawa nila akong tao para sa proteksyon ko. Marami akong pinagdaanan hanggang sa ginawa akong bampira ni Ledgas. Nagkaroon ng mga labanan sa gitna nang dalawang grupo. Namatay ako. At isang paraan lang para mabuhay akong muli...
Imbes na bampira ng dugo ang ipainom nila sa akin... dugo ng isang wolf. Inisip nila ang kapakanan ko dahil sa hindi ko kayang manakit ng tao. Kaya ginawa nila akong isang wolf
"Kahit na isang sirena ka pa, o kahit dwende, nandiyan sa puso mo ang pagiging bampira. Anak kita," sabi niya pagkakalas namin. Hinawakan niya ang kamay ko at may ipinatong doon na isang bagay
"Qiera," napatingin ako sa kanya, "Ito ang ipinangalan ko sa kasunduan namin ni Daesth,"
"Ang ibig sabihin ba—" tumulo na ang mga luha ko
Tumango siya sa akin. Napatingin ako sa direksyon nila Jag at Dhine. Tumango naman sila sa akin.
Tumingin ako kina mom at dad. Ngumiti sila sa akin at tumango.
"Yes!!" sigaw ko at niyakap ulit ang tatay ko. Ito na ang pinaka-masayang araw ko
Ang araw na ikinasal ako sa taong mahal ko, at ang araw ng pagkaka-isa ng mga lobo at ang mga bampira. Ano pa ba ang hihilingin ko?
Wala nang pag-aaway na mangyayari
Yumuko siya at hinalikan ako sa noo bago sila umalis ni Ledgas
Napatingin ako ibinigay niya sa akin
Isang locket necklace
Binuksan ko yun at mas lalo na naman akong napaiyak.
Kahit na hindi ko siya nakita noon, nakikala ko parin siya. Sa kwintas na ito ay ang larawan ng nanay ko at larawan ng pamilya ko. Sanggol pa ako noon at hawak hawak ako ng nanay ko
Tama ang tatay ko. Kahit na isa akong lobo, nasa puso ko parin ang pagiging bampira.
Kahit ano pa ako... masaya ako. Dahil nakikita kong masaya ang mga tao sa paligid ko.
Napasaya ko ang mga importanteng tao sa buhay ko at masaya na rin ako.
Lobo man o bampira o kung ano man ang pagkatao, may taong nakakaintindi parin sayo.
Isa man akong lobo ngayon...
Pero para sa mga bampira...
I will always be their...
Vampire Princess
________
Heya guys!! Thank you for adding my story into your reading list!! Thank you for reading and reaching here at last!!
Wala pa akong plano para sa book two kaya ewan ko.
Thank you for the votes and comments na nababasa ko. I really appreciate everything ♥️
kocchineko here ❤
I meow youKita ulit tayo sa other stories ko so check it out 🥰
Damn Rich Guy is also complete yay

BINABASA MO ANG
Vampire Princess
ParanormaleWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?