Nanghihinayang din ako kung bakit hindi na nagpaparamdam si Ledgas sa akin. Medyo nakakabigo lang dahil doon. Kahit isang bato man lang ang iiwan niya, wala. Gusto ko siyang makausap. Tungkol sa sarili ko. Kung ano ang nangyayari sa akin.
Bampira na ba talaga ako?
Ayokong lumabas nang kwarto ko. Ayoko pang makita sina mom. Nararamdaman ko parin na nasa labas lang sila. Hindi ko nga alam kung bakit may naamoy akong pagkain kahit wala namang pagkain dito sa kwarto ko. Tapos si Ilecs... alam ko na nandito siya kasi kumakain na naman ng matamis.
"Pwede bang lumayo kayo dito sa kwarto ko! Nakaka inis yang mga amoy niyo!" sigaw ko. Narinig ko pa yung paglakad nila. Nagdadabog ba sila?
Sinabi ko lang naman na umalis sila. Tapos yung amoy... hindi parin naalis. Tinakpan ko na yung ilong ko
Niloloko ba nila ako? Sinabi ko nang umalis sila diba? Wala ba silang balak? "Umalis na kayo! Uy! Ano ba!" sigaw ko at nagsimula nang bumangon. Nakakasuka na yung mga amoy nila. Yung lahat sila, naghalo halo yung amy?
Nagtataka ako kung bakit hindi man lang nangangawit yung paa at katawan ko sa buong araw ko na nakahiga sa kama. Hindi man lang ako nagutom
Binuksan ko bigla yung pinto para paalisin sila... kaso...
Wala sila. Pero nandun parin yung amoy. Lahat sila. Walang tao dito sa labas o guwardya man lang.
Ewan ko kung bakit.. gumalaw ata yung tenga ko nang makarinig ako galing sa baba. Galing sa labas ng kastilyo. Pero paano ko naririnig?
"Isang araw na siyang hindi kumain. Nagkukulong nalang siya. Kinakabahan na ako doon" alam ko na si mom yung nagsabi nun.
Pumasok na ulit ako sa kwarto ko habang nakatakip yung dalawang kamay ko sa magkabilang tenga ko para hindi ko na marinig yun pero parang bumubulong parin sa tenga ko yung mga salita nila. Ano nangyayari sa akin? Ganito ba talaga ng maging immortal? Pero ang alam ko lang sa pagiging immortal ay ang hindi ka mamatay.
Pwera lang kung.. isa ring immortal ang papatay sayo. Ganun ba? O hindi naman kaya... may baril. Pew pew
Tinignan yung sarili ko sa salamin. Kinalma ko ang sarili ko at sinubukang ibaling ang atensyon ko.
Pero imbes na kumalma ako... napaupo ako at napahawak sa mata ko.
Yung mata ko..
Kayumanggi yung kulay ng mga mata ko. Wala naman akong isinuot na kung ano. Naging pula nalang bigla yung mga mata ko ng isang segundo.
Ano na ang nangyayari?
...
"Princess Khine. Pinapatawag po kayo sa baba" rinig kong sabi ng maid. Mabuti naman at nawala na yung mga naririnig na guniguni sa tenga ko. Hindi ko pa man din makontrol lahat ng mga pandamdam ko. Sa pang amoy man o pandinig. Nakakairita din minsan
Bumangon na ako at umupo sa kama ko. Hindi ko alam kung bababa ba talaga ako para tignan kung ano ang nangyayayari. Hindi ko pa talaga kayang harapin si mom at dad sa ginawa nila sa akin. Ano ba ang sasabihin nila? Bakit ngayong gabi pa?
Nag ayos na ako ng sarili ko. Wala na akong magagawa. Kung ano man ang sasabihin nila, hindi nalang ako makikinig sa sasabihin nila mamaya. Pero mukhang hindi ko kayang gawin yun. Matalas na ang pandinig ko
Binuksan ko na yung pinto ko at dalawang guwardya ang bumungad sa labas ng kwarto ko. Binaleeala ko lang sila kaya notmal at may tindig akong naglakad papunta sa baba. Prinsesa na ako kaya dapat... mag iba na ako
Pinagbuksan nila ako ng pinto sa hapagkainan kung saan nakita ko na kapatid ko sa may gilid na nakaupo doon at nandoon din si Dhine. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok at umupo doon sa kanila
BINABASA MO ANG
Vampire Princess
ParanormalWith an unexpected turn of events, Khine Alona Ecahausta became a vampire on the night of her coronation as a princess. What adventure awaits her?