Vampire Princess 16 - Immortality

4K 80 0
                                    

Ginamit ko ang pang amoy at pandinig ko para malaman kung may tao sa labas ng kwarto ko. Wala naman akong naamoy. Wala ding presensya sa paligid.

Tumayo na ako at dahan dahan na lumabas sa kwarto ko. Nakalimutan ko kasi kanina na pumunta sa library. Gusto kong malaman kung ano talaga ang maganda at masama sa pagiging immortal. Hindi ko nga alam kung bampira o kung anong nilalang man lang ako. Tao pa ba ako? Lobo? O baka naman fairy

Marami talaga akong tanong sa sarili ko.

Pagkapasok ko doon, wala namang tao. Kaya yun na ang pagkakataon kong magkalikot ng libro dito

Asan na ba yun? Inuubo na ako dito dahil sa alikabok. Hindi ba nila nililinisan itong kwarto na to?

Isang libro ang nakaagaw ng atensyon ko. Kaso nasa itaas pa ito. Sobrang taas. Grabe.. kukuha pa ako ng hagdan.

Nag ikot ikot ako ng tingin ng makita ko nga yung hagdan. Tinulak ko ito hanggang sa tapat nung librong naaninag ng mata ko kanina

Umakyat na ako doon sa hagdan. Pagewang gewang pa kaya natatakot na ako. Paano kung mahulog ako dito. Nakuha ko nga yung libro nang hindi ko hinahawakan kaya.. nagulat ako at.. woah!

Out of balance na naman! Waahhh!

Nakagawa nga ako ng matinding ingay. Nahulog nga ako pero nakayanan kong mahulog ng maayos kaya hindi ako nasaktan. May narinig naring akong gwardya na papalapit dito kaya agad akong nagtago sa may sulok yakap yakap yung libro

Hanggang sa nagsawa na sila kakahanap, umalis na sila at nagsimula ko nang basahin yung libro.

Nadaanan ko na yung mga lobo sa mga pahina ng libro. Wala doon yung nangyayari sa akin. Pandinig at pang amoy lang ang kakayahan nila. Hindi apektado ang panlasa nila sa mga pagkain ng tao. Magaling silang makihalubilo sa mga tao dahil hindi nila napapansin agad ang mali sa katawan nila. Ang kahinaan ng mga lobo ay kahit anong bagay na may silver. Hindi sila imortal pero may kakayahan din silang magpagaling ng sugat nila sa maliit na oras.

Sumunod na pahina yung bampira. Kaya napaupo narin ako kasi dito napunta ang interest ko.

Makapangyarihan ang isang bampira. Yung bilis, pandinig, pang amoy, panlasa, at pati na ang pakiramdam. Pati laway at dugo nila at makapangyarihan. May kakaiba silang amoy na tanging lobo lang ang makakaalam. Apektado ang panlasa nila sa pagkain ng mga tao dahil dugo lang ang nais nilang inumin. Ang mga bampira rin ang isa sa agresibong nilalang dahil maaari silang makapatay ng tao, o gawin ang mga tao bilang bampira. Nakakakontrol sila ng mga bagay sa paligid nila. Sa gilid ng pahina ay may isang doon yung bampirang may pangil tapos kinagat yung isang tao sa leeg. At sa tabi niya, parang kinokontrol niya yung mga bagay

Napahawak ako sa leeg ko. Impossible. Bampira si Ledgas? Kinagat niya ako.. ang ibig sabihin...

Sunod na pahina ay yung mga kahinaan nito. Araw. Na maaring ikamatay kapag nasobrahan. Kanina, pumunta ako sa lawn pero hindi ako nasunog o namatay. Holy water. Hindi ko alam pero masama ba silang elemento? Kahinaan nila ang tungkol sa diyos. Tapos.. blessed bullet. Hindi daw sasara yung sugat kahit immortal ka pa. Blessed bullet rin ang isang kahinaan para sa mga wolves

Sumunod na pahina nag tungkol sa mga mermaids, centaurs, fairies, giants pero hindi ito ang gusto kong malaman.

Sunod naman yung may nakita ko ang mga alahas. May kwintas, singsing, bracelet na nakaguhit dito sa libro. Tapos isang gem na kung ano sa gitna. Napaisip ako. Konektado ba kaya sa akin ito?—

Yung kwintas na binigay ni Ledgas!

Sabi doon na kapag suot yun ng mga nilalang na natukoy sa libro, hindi matatablan ng kahit anong kahinaan ang meron sa kanila. Mapaaraw man o holy water. Sadyang magmumukhang normal na tao lang isang isang bilalang kapag suot ang mga alahas na yun. Binanggit din dito ang tungkol sa blessed bullet. Kasi kahit suot itong kwintas, hindi parin sasara yung sugat

Gaya ng mga bampira, karamihan sa mga lobo ay suot din ang mga alahas na ito para hindi sila matukoy ng mga bampira. Mabisa ito sa pagkontrol ng anyo ng mga lobo tuwing bilog na buwan, at ang uhaw ng mga bampira sa araw araw na pamumuhay. Gawa ito sa spesyal na material kaya ang mga mayayaman lang ang may kayang bilhin o gumawa ng alahas na ganito. Ginawa ang alahas na ito noong unang panahon simula nung sumikat ang mga alahas. Ito ang isang tanging paraan para makihalubilo ang mga nilalang gaya ng mga bampira at lobo sa mga normal na tao

Kailangan kong isuot uun

Nakita ko sa sumunod na pahina ay mga buwan. May pula, full moon at eclipse. Kapag nangyari ang blood moon, magwawala ang lahat ng bampira. Sa ibang okasyon ay nakakapatay sila ng mga tao kahit suot pa yung mga alahas. Kung full moon naman, hindi na nila mapipigilan ang pagiging bampira nila kahit suot pa nila yung alahas, pareho din ang epekto nito sa mga lobo. At kung eclipse... dapat matanggal yung kwintas.. kung ayaw mong mamatay o makapatay

Sinara ko agad ang libro. Sapat na yung mga nalalaman ko. Kaya pala nakakaramdam at ganito ang mga nangyayari sa akin kasi isa na akong bampira.

May sakit noon si Ledgas. Sinabi niya sa akin magiging imortal siya para gumaling siya. Yung laway ng isang bampira ay ang dahilan kung bakit siya naging imortal. Kahit alam niya na pwede siyang mamatay?!

P-pati ako... kinagat niya ako... knowing the risk that I might die from it pero mabuti nalang at hindi yun ang nangyari

Si Ledgas ang dahilan kung bakit ako naging bampira. Kaya may nangyayaring pagbabago sa katawan ko. Yung pagkuha ko sa libro nang hinahawakan. Pero bakit? Bakit niya ako ginawang ganito? Ano ang rason niya?

Pero hindi porket alam ko na kinagat na ako ni Ledgas, imortal na ako o bampira na ako. Kailangan kong patunayan yun. Tumayo na ako at naghanap na nang bagay na pwedeng makasugat sa akin.

Hanggang sa napadpad ako malapit sa pinto at nakahanap ako ng lapis. Kinuha ko yun. Tinignan ko pa ito ng mabuti..

Hindi na nagdalawang isip na...

Itusok yun sa mismong katawan ko.

Kinagat ko yung labi ko para pigilan yung pagsigaw ko. Nararamdaman ko parin yung sakit. Tinanggal ko na yun. May dugo nga yung lapis. Napatingin ako sa sugat na ginawa ko

Unti unti din itong nawawala. Ang weird ko. Bigla na lang akong nagutom. Nauuhaw ako. Gusto ko ngayon ng dugo... mali. Hindi dapat ito mangyari sa akin

Juice. Oo. Gusto ko nang juice.

Binato ko na sa gilid yung lapis at umalis na sa library. Napahawak ako sa kwintas ko habang naglalakad ako papunta sa baba.

Kung ayaw kong uminom ng dugo ng tao, hindi ko dapat ito tanggalin. Ayokong makapatay. Anong buwan ba ang magpapakita mamayang gabi? Natatakot ako. Ayokong... pumatay

"Khine!" napatigil ako at hindi gumalaw nang marinig ko yung boses niya, "Bakit ka lumabas? Wag mong sabihin na..." lumapit siya sa akin kaya napapaatras din ako

"Naghahanap ka na nang papakasalan mo? Hahahaha!" pinanliitan ko siya ng mata. Nandito siya para dun? Kung pwede lang sana na sakalin ko siya eh. May gwardya naman kasi. Psh

"Hindi. Asa ka" sabi ko sa kanya at nilagpasan siya, "Kung makapagsalita ka, akala mo naman madali lang" sabi ko sa kanya. Pumasok ako sa kwarto ko habang tinatakpan yung damit ko. May dugo pa kasi doon.

"Bumaba ka na Mon Mon. Magbibihis lang ako" sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at dumiretso na ako sa kwarto ko

Tinanggal ko na yung dress at ag napatingin ako sa salamin. Walang marka.

Aaminin ko...

Ang saya maging ganito

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon